Tahimik akong lumabas sa silid ko at tinungo ang private room ni Kuya Renzo dito sa mansiyon ng mga Acuesta.
Mahigpit kong hinawakan ang flash drive at maingat na ibinulsa ito. Dere-deretso ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa pinakadulong bahagi ng pasilyo kung nasaan ang private room ng kapatid. I need to talk to my brother. I have my answer now. But before giving it to him, I need to ask something from him first. Matagal na itong miyembro ng Underworld at natitiyak kong alam nito ang tungkol sa pagkamatay ng ama ko. At kung tama ang pagkakaalala ko noong unang araw ko dito sa mga Acuesta, nakasama na nito ang ama ko. I wanted to know more about his death at si Kuya Renzo ang makakapagbigay sa akin ng mga kailangan ko.
Malayo pa lang ay napakunot ang noo ko noong mamataan ang dalawang tauhan nito na ngayon ay nagbabantay sa labas ng silid. That's odd. Kailan man ay hindi naglalagay ng bantay si Kuya Renzo sa silid nito. Anong mayroon at bakit may bantay dito ngayon?
"What's going on?" I asked them when I finally reached the room. Tahimik kong pinagmasdan ang dalawa at namataan ang pag-ayos nila nang kanilang pagkakatayo. Nagtaas ako ng isang kilay at namewang sa harapan nila. "Answer me. Anong mayroon at bakit nakapuwesto kayo ngayon dito?"
"The heir of different families from Underworld are here, Miss Serene." Sagot ng isa na siyang ikinatigil ko. "Master Renzo told us to stay here while they're having a meeting."
"Can I join them?" Tanong ko at tiningnan ang nakasarang pinto.
"I'm sorry, Miss Serene. Mahigpit na ibinilin sa amin na walang ibang makakapasok dito maliban sa mga miyembrong inaasahan nilang dadalo sa pagtitipong ito." Seryosong turan ng isa na siyang ikinatango.
"Well then," wika ko at umayos nang pagkakatayo sa harapan nilang dalawa. Seryoso ko silang pinagmasdan at pinagtaas ng kilay. "My name is Cindy Jamaica Valderama. The sole heir of the Valderama Clan, daughter of Salvador Valderama, one of the founder of Underworld here in the Philippines. So, technically, I'm a member of this organization, too." Sunod-sunod na wika ko na siyang ikinagulat ng dalawa. "Can I join them now?"
"Miss Serene..."
"Cindy," pigil ko dito. "Call me Cindy."
Noong napanuod ko ang video ni daddy kanina, napagdesisyunan ko nang tumulong kila Kuya Renzo para buwagin ang Underworld. Kailangan mawala na ito. But, before joining them, I will give my brother a condition. I will agree to join and help them basta mahahanap ko ang taong bumugbog at pumatay sa ama ko. I need to know who the hell was that and will make them pay for hurting and killing my father. At kung ang pagiging si Cindy Jamaica Valderama muli ang siyang susi ko para mabigyan nang hustisya ang pagkamatay ng aking ama, gagawin ko ito. Kahit na bumalik pa sa akin lahat ng sakit nang nakaraan ko, gagawin ko pa rin ito para kay daddy. I deserves to know the truth and I'll make sure that those bastards will pay their own life for doing that to my beloved father.
"Move and let me join them," seryosong sambit kong muli noong hindi kumilos ang dalawa.
"Serene?"
Natigilan ako sa kinatatayuan noong marinig ang boses ni Charles sa likuran ko. Mabilis ko itong binalingan at namataan ang pagtataka sa mukha nito.
"What are you doing here? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito at pasimpleng tiningnan ang pinto sa likuran ko.
"I'm here to join the meeting, Charles," sambit ko na siyang mabilis na ikinalapit nito sa akin. He slowly held my arm and started walking away from the private room. Hindi ako nakaalma dito at sumama na rin sa kanya.
"Meeting? Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Charles noong tumigil na ito sa paglalakad. Hinarap niya ako sa kanya at seryosong tiningnan sa mga mata. "You can't join them, Serene. Kahit nga ako ay off limits doon."
BINABASA MO ANG
Fairy Tale No More
ActionFairy Tale Series #2 | COMPLETED Cindy Jamaica, heir of the Valderama family, lost her everything, including her family and herself, to her evil step-mother and her two daughters. Started: September 02, 2019 Completed: April 17, 2021