Walang emosyon akong nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang maaliwalas na kalangitan. Napatingin ako sa may dalampasigan at kinalma ang sarili.
The waves crashing against the shore. The rays of the sun hitting the crystal clear sea water. It somehow calms my nerves, but... but I know better. I may looked calm right now but my inside is breaking.
I sighed.
Kung gaano kaganda ang tanawin ngayon sa harapan ko, ganoon naman kadilim ang nararamdaman ko ngayon. Sa sobrang dilim at lalim nito, tila nalulunod na ako sa sariling emosyon ko. Nakakatakot.
And now that I've read what's inside the red book, hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin ngayon.
"Acuesta," mahinang sambit ko at ikinuyom ang mga kamao. "Lorenzo Acuesta. Coincidence lang ba na nakita mo ako noong araw na iyon?"
Napapikit ako noong biglang naalala ang nabasa kanina sa red book.
Lorenzo Acuesta.
Target: Salvador Valderama
Napaawang ang labi ko at muling iminulat ang mga mata. Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina ko pa pilit na nilalabanan. Nanatili akong nakatayo habang walang tigil na lumalandas ang mga luha ko. Napahawak ako sa may dibdib ko at impit na napahikbi.
"Why?" Nanghihinang tanong ko at napahawak sa may gilid ng bintana. "Bakit si Kuya Renzo pa? Bakit si daddy pa?"
I cried till my eyes hurt. I cried till I ran out of tears. I cried till I felt numb.
Napaupo ako sa sahig at isinubsob ang mukha sa may tuhod ko. Nagpatuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng silid na kinaroroonan ko. Nanatili akong nakayuko at nakasubsob ang ulo hanggang sa makarinig ako ng mga yapak. Mayamaya lang ay naramdaman kong may humawak sa akin kaya naman ay inangat ko ang ulo ko at tiningnan kung sino ito.
"Stanley," mahinang sambit ko sa pangalan nito.
"Stand up, Valderama." Anito at tinulungang makatayo ang nanghihinang katawan ko. "The enemy's here. You need to stand up now and fight."
"Enemy?" Halos walang tinig na tanong ko dito. No. They can't be here that soon!
"We've got a call. They're coming." Seryosong sambit nito habang hindi inaalis ang paningin sa akin.
Napailing ako at mas lalong napaiyak. I'm not physically and mentally ready for this! I need time. More time!
"Wipe your tears, Valderama." Seryosong sambit ni Stanley na siyang ikinatigil ko. Napatingin ako sa kanya at pilit na pinigilan ang paghikbi. "My cousin is not yet here, so, you better wipe your tears cause no one will do that for you. Stop crying and get up." Dagdag nito at binitawan na ako.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at napahugot ng isang malalim na hininga.
Stanley's right. Ako lang ang mayroon ang sarili ko ngayon. I only have me. I need to be strong for myself. Pero, ang tanong... kaya ko ba?
I'm lost. Still fvcking lost even after reading all the stuffs from the red book!
"Bakit hindi niyo sinabing si Kuya Renzo ang Reaper na nag-assassinate sa ama ko?" Mahinang tanong ko dito na siyang ikinatigil naman nito. Namataan ko ang pagbaling nito sa may kama ko at napabuntong-hininga na lamang noong makita ang bukas na laptop sa ibabaw nito.
"We respect Renzo's decision, Valderama. Kung hindi pa niya ito naaamin sa'yo, wala kaming karapatang pangunahan ito." Mariing sambit ni Stanley na siyang ikinaiwas ko nang tingin sa kanya. "He's not a Reaper anymore, Valderama. And what happened eight years ago was a mistake. Hindi dapat si Salvador Valderama ang target nito." Natigilan ako sa narinig. "It was supposed to be me. I was the real target."
BINABASA MO ANG
Fairy Tale No More
Hành độngFairy Tale Series #2 | COMPLETED Cindy Jamaica, heir of the Valderama family, lost her everything, including her family and herself, to her evil step-mother and her two daughters. Started: September 02, 2019 Completed: April 17, 2021