Dark
You can do anything as long as you believe you can. Isa lang yan sa mga katagang lagi sa'king sinasabi ni Mama.
Sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob at pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pa, parati ko lamang binabalikan ang mga habiliin nila sa akin ni Papa.
Napaka gandang pag masdan ng kapaligiran sa tuwing wala ang mga tao. Napaka tahimik, maayos at animo'y walang problema. Ang sarap huminga nang malalim at mag muni muni sa ilalim ng paborito kong puno dito sa likod ng aming hardin.
Napaka ayos ng mga halaman dito noon ni Mama dahil alagang alaga niya ang mga ito at madalas niyang pag tuonan ng pansin.
Natuto akong mag tanim at mag alaga ng mga halaman dahil sa kanya. Nakakatuwang ang sarap sa pakiramdam pag nakita mo silang lumaki at masiglang nag sasayawan sa tuwing umiihip ang hangin.
Madalas ako dito noon at dito karaniwang inuubos ang oras para mag pinta.
Ang sarap balikan ng masasayang alaala. Parang kahapon lang nang sila ay kasama ko pa at masayang kumakain sa hapag kainan.
Madalas akong inaasar ni Papa tungkol sa mga kung ano anong bagay at palagi naman ay pinag tatanggol ako ni Mama sa kanya.
Naalala ko pa na lagi kong hinihiling kay Papa na gusto ko ng kapatid para ito naman ang asarin niya at palagi din ay tinatawanan niya ako. Sabi niya ay hindi na pwede pang mag kaanak si Mama dahil hindi na nito kaya at ako na daw ang baby nila habang buhay.
Madaming lupang sakahan si Papa at ito ang pangunahing pinag kukunan namin ng pangangailangan pati na din ang mga trabahador sa aming lugar. Samantalang si Mama naman ang nag aasikaso sa aming mga grocery store sa bayan. Hindi ito kalakihan pero mayroon ng limang branches sa iba't ibang panig dito sa Bulacan.
Minsan na akong naisama ni Mama sa isa sa mga ito at nakatulong din ako kahit papaano sa pag-aayos ng mga paninda. Ayaw pa nga akong patulungin ni Ate Andrea, ang isa sa mga nag babantay doon dahil baka daw makagalitan siya.
Masasabi kong napaka saya ng buhay ko noon dahil kasama ko sina Papa at Mama. Masaya ako hindi dahil nakukuha ko ang anomang hilingin ko kun'di dahil nagagawa ko ang mga gusto ko at nakakatulong ako sa ibang tao.
Hindi din ako pinag babawalan makipag kaibigan kahit kanino. Ang totoo nga niyan ay mas madami pa akong kaibigan na anak ng mga trabahador ni Papa na tumutulong din sa sakahan kaysa mga kaibigan sa pribado kong paaralan.
Gusto ko sanang sa pampubliko na lang din na eskwelan mag-aral gaya ni Cythrin, ang pinaka matalik kong kaibigan pero hindi na ako humiling pa kay Papa dahil pakiramdam ko ay sumosobra na ako sa mga nais ko.
Nasa ika-sampung baitang na ako ng mangyari ang bangungot sa aking buhay. Bangungot na hindi ko na nais balikan pa. Kung maaari lamang na makalimutan ko na iyon ay gagawin ko dahil napaka sakit sa tuwing naalala ko.
Nag simula ang lahat ng tumakbong Mayor si Papa sa aming lugar. Ang totoo niyan ay ayaw niya talaga dahil ang nais lamang niya ay mapangalagaan ang mga lupang sakahan at makatulong sa mga mag sasaka. Pero hindi ko alam kung paanong napilit ni Tito Trivino ang aking Papa. Matalik niya itong kaibigan at ang sabi ni Mama ay bata pa lamang daw ang dalawa ay talagang mag kaibigan na.
Isa ding businessman si Tito Trivino. Madami din itong lupang sakahan at silang dalawa ni Papa ang pangunahin at pinaka malaking supplier ng mga bigas. Subalit mas madami nga lang ang siyang tumatangkilik kay Papa.
Sabi ni Papa sa akin dati, bata pa lamang daw sila ay talagang pangarap na ni Tito Trivino na makapasok sa mundo ng politika. Lagi nitong sinasabi na balang araw ay magiging isa siyang Mayor sa aming lugar.
Subalit hindi nangyari iyon nang dumami ang mga may galit sa kanya dahil sa pagiging gahaman nito at inaari ang mga sakahan na hindi na sa kanya.
YOU ARE READING
My Unexpected Love
RomanceCorinthia is a 20 year old girl who loved to help people as long as she can. Her parents raised her well. But everything in her life turned up-side-down when a sudden tragic happened to her family. She almost lose her sanity. She turned to be a cold...