Pinagmasdan kong mabuti si Gabriel habang prenteng nakaupo sa bandang dulo ng lamesa. Nakahalukipkip siya at manghang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero may kung anong hiya sa akin nang makitang parehas na itim ang suot namin dalawang. Himala at hindi siya naka longsleeves. Simpleng puting plain t-shirt at maong jeans ang suot niya. Mukhang hindi siya galing sa kanilang planta."Naku. Corinthia, kilala mo ba itong si Sir Gabriel?." Bigla ay singit ni Mang Ambo.
"O-opo." Tipid kong tugon at naupo sa pinaka malapit na upuan. Hindi ko na nilingon pa si Gabriel pero alam kong ang mga mata niya ay tutok sa akin.
"What are you doing here? Are you secretly following me?." Si Gabriel sa maangas na tono.
Masamang titig ang ipinukol ko sa kanya dahilan upang lalong lumawak ang ngisi sa kanyang mukha. "Si Mang Ambo ang sadya ko dito." Sagot ko.
Tumango lang siya na parang bang hindi naniniwala sa aking sinabi. Nandoon pa din ang ngisi sa mukha niya na talaga namang hindi ko gusto.
"Ano nga pala ang dahilan ng pag parito mo, Corinthia?." Noon pa man ay bihira akong tawaging Corix ni Mang Ambo. Ang sabi niya'y mas maganda ang buong pangalan ko na Corinthia Rielle kaysa sa maikling Corix.
Tumikhim ako at inalis ang masamang tingin kay Gabriel. Nag aalangan pa akong mag salita dahil alam kong nakikinig siya. "Ipalilinis ko po kasi sana ang swimming pool at hardin sa bahay, Mang Ambo. Nag bakasali lamang po ako na baka wala kayong gawin sa mga sumunod na araw." Nahihiyang ani ko.
"Ganoon ba. Naku, walang problema. Katunayan niyan ay kakatapos ko lang ding gumawa kala Gabriel." Paliwanag ng matanda.
Hindi ko alam na magkakilala pala sila ni Gabriel. Sabagay ganito din naman ang reaksyon ko nang malaman at masaksihan ang pagiging malapit niya kala Tito Raul.
"Bukas na bukas ay mag tutungo ako sa inyo upang masimulan na ang pag lilinis. Natutuwa naman ako napag desisyonan mong ipaayos ang mga ito."
"Oo nga po. Matagal na din nang huling malinis ang mga ito." Pag sang-ayon ko sa sinabi ng matanda.
Sinulyapan ko ang mga bata. Masigla silang kumakain. "Ate Corix, salamat po dito. Na-miss ko ang mga pagkaing ganito na dinadala mo." Ani Mikaela, ang nag-iisang apo ni Mang Ambo na kilala ko.
Nginitian ko ang bata at bahagyang hinimas ang buhok. "Walang anoman. Hayaan mo at dadalasan ko ang pag bisita dito at lagi ko kayong dadalhan ng mga pagkain." Sabi ko.
Sabay sabay na nag angat ng tingin ang apat na bata sa akin. Gulat nila akong pinag masdan at tila nagustuhan ang aking sinabi.
"Naku talagang kayo. Abala ang Ate Corix nyo at nag-aaral yan at inaasikaso ang pag bubukas ng store nila." Singit ng matanda.
"Ayos lang po iyon Mang Ambo. Pag may libreng oras ay dadalawin ko sila dito."
Abala lamang sa pag sulyap sa amin si Gabriel. Halatang halata na nakikinig siya sa usapan at mangha pa ding nakatingin sa akin. Bahagya kong itinaas ang kilay at kinunotan siya ng noo dahilan upang bahagya siyang natawa.
"So you're still studying. Anong kurso mo?." Bigla ay tanong niya.
Matagal bago ako sumagot. "Business Ad." Sabi ko at pinunasan ang bibig ng bata dahil kalat kalat ang sauce doon.
"Gusto ninyo ba ng kape?" Alok ni Mang Ambo.
Mabilis akong sumagot ng oo at ganon din si Gabriel. Wala sa itsura niya ang umiinom ng mumurahing kape. Habang nag iinit ng tubig si Mang Ambo ay lumabas naman ako. May isang mahabang upuan doon at agad akong dumeretso. Masarap ang hangin sa labas at presko.
YOU ARE READING
My Unexpected Love
RomanceCorinthia is a 20 year old girl who loved to help people as long as she can. Her parents raised her well. But everything in her life turned up-side-down when a sudden tragic happened to her family. She almost lose her sanity. She turned to be a cold...