Kabanata 5

14 1 0
                                    


Kinabukasan ay nagising ako na wala na nga si Cythrin sa tabi. Pasado alas-otso na pala ng umaga at sa tingin ko ay bandang alas-syete siya umuwi sa  kanila dahil ganon naman kadalasan ang oras na nagigising siya.

Pag baba ko ay may almusal na. Bacon, hotdog at sinangag. Ininit ko ito sa microwave at nag timpla ng kape. Kailangan kong makakain ngayon kahit kaunti dahil baka mamaya ay makalimutan ko na namang mananghalian dahil sa dami ng pupuntahan.

Matapos makakain ay inihanda ko na ang susuotin. Isang simpleng maong faded jeans, black fitted v-neck shirt at vans ang napili ko. Komportable kasi ako sa mga ganito kaya minabuti kong ito na ang suotin. Ayoko namang  mag sandals dahil maalikabok ang ibang dadaanan ko.

Naligo ako at nag bihis na. Saglit na humarap sa salamin at nag isip kung mag-aayos pa ba kahit papaano. Madalas ay umaalis ako ng wala kahit anong pinahid sa mukha. Kahit pulbos ay madalang akong maglagay dahil pakiramdam ko ay mas nakakadumi iyon sa mukha.

Natural na maputi ang kutis ko. Ang sabi ay namana ko ito kay Mama samantalang si Papa naman ay bahagyang moreno. Makapal din ang kilay ko pero hindi ito sabog. May kaunting kalat pero maganda pa ding tingnan ang itim na itim nitong kulay. May pagka-singkit ang mga mata ko at sa totoo lang ay hindi ko ito gaanong gusto. Madaming nag sasabi na ang cute daw dahil wala akong eye lid. Pag tumatawa ako ng sobra ay talaga namang bahagya na lamang ng mata ko ang makikita. Makapal din ang pilikmata ko. Madaming nag aakala na nag lalagay ako ng eye liner. Itim na itim kasi ang paligid ng mga mata ko at madalas nilang purihin ito. Matangos ang ilong ko, siguro dahil parehas namang mga magulang ko ay ganoon din. Natural na mapula ang mga labi ko kaya minsan ay hindi na talaga ako nag lalagay ng kahit ano pa doon.

Binlower ko ang aking buhok at saka sinuklay. Nag lagay din ako ng kaunting kaunti na pulbos at liptint. Kailangan ay mukha akong presentable at maayos tingnan dahil madami akong kakausaping mga tao. Ayoko namang isipin nila na malungkot pa din ako dahil sa mga nangyari. Gusto kong makita nila na hindi na ako ang dating ako na tahimik lamang na nag mamasid sa mga tao at palagi ay nasa likuran ng mga magulang. Gusto kong makita nila na kaya kong gawin ang mga dapat ay noon ko pa ginawa.

Bumaba na ako at siniguradong nakasarado ang lahat. Kinuha ko ang susi ng Nissan atsaka tuluyang pumasok dito. Napag desisyonan kong gamitin na ito dahil madami akong bibisitahin at masyadong sayang sa oras kung mag cocommute pa ako.

Maayos na maayos pa ang sasakyan na iyon ni Papa. Magaan itong imaneho at hindi mahirap mag u-turn. Nangingiti pa ako habang nag dadrive. Suot ko ang itim na nike cup at Revamped aviator sunglasses. Matirik kasi ang araw at batid kong mamaya ay mas titindi pa ito. Dala ko ang lahat ng pera na ibinayad kahapon. Ilalagay ko sa banko ang kalahati at ang kalahati naman ay ibabayad sa mga stocks para sa grocery. Nakasobre na ang iba pang pag lalaanan ko. May pasahod na din ako para sa tatlong buwan ng mga makukuhang empleyado sa store at para sa pag aayos ng swimming pool at garden. Mayroon na din na para sa tuition namin ni Cythrin. Sinabi kong ako na ang mag babayad bilang pasasalamat na din sa pag tulong niya sa akin at syempre ang para kala Tito Raul at Tita Meldi.

Una kong sinadya ang bangko. May account na ako doon noon pa at ngayon ay madadagdagan na muli ang laman. Kulang isang oras lang ang inilagi ko doon matapos ma-process atsaka dumeretso na sa store. Balak kong iparepaint ang pangalan ng store at mag dagdag ng additional na mga upuan at lamesa nang sa ganon ay dumami pa lalo ang mga mamimili sa gabi.

Naabutan ko pa doon si Tatang Isko, ang kinuhang manggagawa para sa pag lilinis at kaunting renovation sa store.

"Kamusta po, Tatang?." Masigla kong bati sa matanda.

Nagulat pa ito at tumayo para mabati ako ng maayos.

"Magandang Umaga, Ma'am. Ayos naman ho dito. May inayos lang ako na kaunti." Aniya

My Unexpected Love Where stories live. Discover now