Kabanata 1

18 1 0
                                    


Umuusok pa ang isang tasa ng kape na nasa pagitan ng aking mga palad. Ang init na hatid nito ay nag dudulot ng sarap sa pakiramdam.

Malamig ang panahon ngayon lalo pa at ber-months na, idagdag pa na mataas ang kinatitirikan ng bahay nina Cythrin. Sa kanila ako natulog kagabi dahil pakiramdam ko ay sobra akong nangungulila sa tuwing mag-isa ako sa mansion. Ako lamang ang tao doon at isang katiwala kapag umuuwi si Rin at sa kanila natutulog.

Nakakahiya man kina Tito Raul at Tita Meldi, mga magulang ni Cythrin, ay wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa suhestiyon nila na samahan ako minsan ni Rin sa'min. Aaminin kong natuwa ako sa sinabi nilang iyon pero naisip ko din na baka sobra na akong nakakaabala sa kanila lalo na sa aking kaibigan.

"Corix, anak, nakahain na sa lamesa. Kumain na kayong dalawa ni Rin at kayo'y pumaroon na sa inyo." si Tita Meldi habang inaayos ang hawak na salakot.

Alas-sais na ng umaga at sa tingin ko ay patungo na sila sa sakahan para tingnan ito at upang pakainin ang mga alagang hayop nila doon.

"Opo, Tita. Mag-iingat po kayo." Sagot ko at ginawaran siya ng yakap.

Sa totoo lang, bata pa lamang ako ay magaan na ang loob ko sa mga magulang ni Cythrin. Kahit minsan ay wala silang pinakitang masama sa'kin. Lagi ay dinadala nila si Rin sa mansion para raw may makalaro ako at hindi puro mga manika ang kausapin ko.

Akala ko noong nawala ang lahat sa akin ay iiwan din nila ako lalo pa't sa ibang sakahan na sila nag tatrabaho. Iniisip ko pa lamang yan noon ay sobra na akong nasaktan. Pakiramdam ko ay kakaharapin ko ang lahat ng mag-isa. Mag lalakad sa kadiliman na wala manlang hawak na tanglaw na ilaw na siyang gagabay sa akin.

"O'sya, bukas ay ihanda mo na ang mga papeles sa lupaing ibinibenta mo at dadating na ang bibili nito."

Oo nga pala, nag pahanap ako kina Tito at Tita ng buyer sa isang maliit na lote namin sa dulo. Hindi ito ganon kalaki pero dati pa man ay madami ng nagpakita ng interes dito. Maganda kasi ang pwesto nito para pag tayuan ng mga small businesses at isa pa kalapit ito ng isang planta na maraming trabahador.

"Sino nga po pala ang naka-deal niyo dito, Tito?" Tanong ko.

Nakaayos na ang mga papeles ng mga lupain namin at lahat naman ng mga ito ay nakatransfer na sa pangalan ko. Inayos lahat iyon ni Mama ng mawala ang aking Papa. Mahirap na daw na baka may iba pang makialam at umangkin ng mga ito.

"Anak ni Mr. Lagmadeo ang bibili nito. Siya na ang nangangasiwa sa planta nila at plano gawan ng extension, kaya nang malaman na ipinagbibili mo ay agad akong cinontact. Siya din ang nag-offer sa pinamalaking halaga kaya hindi ako nag dalawang isip na sa kanya makipag deal." Paliwanag ni Tito.

Tumango tango ako bilang pag sang ayon. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Talaga namang masasabi kong maswerte pa din akong may Tita Meldi, Tito Raul at Cythrin ako na nanatili sa aking buhay.

"Bale bukas ng alas-diyes ay mag tutungo na tayo sa kanilang planta at doon pormal na makikipag usap at mag pipirmahan para sa titulo ng lupa." Dagdag pang ani nito.

"Salamat po talaga, Tito. Hindi ko po alam ang gagawin ko kung pati kayo mawala sa buhay ko."

Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal sa mga ganitong pagkakataon. Nasanay ako sa madali at maayos na buhay. Ni minsan ay hindi ko naisip na sa edad kong ito ay mga ganitong klaseng pag subok ang dadanasin ko.

"Sige po, Tito. Bukas ay sabay po kaming magtutungo doon ni Rin."

"Sige na at kami'y paparoon na. Isarado niyong mabuti itong bahay at mag-ingat kayo. 'Wag ninyong kalimutang mag sabi pag nakarating na kayo sa inyong mansion ni Rin mamaya."

My Unexpected Love Where stories live. Discover now