Ganoon nga ang nangyari sa plano ko. Matapos dumating nang mag-aayos sa aking sasakyan ay tumulak na kami ni Gabriel. Ipinahabilin ko na lamang ang aming adress upang sa ganoon ay madala din ang sasakyan bukas pag naayos na."What do you want to have?" Maya maya ay tanong ni Gabriel.
Hindi ko namalayang nakahinto na pala kami sa isang drive thru. Tulala lamang ako buong byahe. Dala na din siguro ng pagod kaya wala na akong lakas para makipag usap pa.
"Kahit isang burger at inumin na lang." Mahinang usal ko.
Suminghap lamang siya sa sagot ko at hinarap muli ang babae. Inabala ko na lamang ang sarili sa pag tipa ng sagot kay Cythrin. Sinabi kong ipagtabi niya ako ng ulam at sa bahay na ako kakain.
Padarag na inilapag ni Gabriel ang mga pagkain sa likod at pinaandar na muli ang sasakyan. Inihinto niya ulit ito at pumarada sa gilid ng daan.
"Eat." Sabi niya at iniabot sa akin ang dalawang plastic ng mga pagkain.
"P-pero.. sabi ko ay burger lang at tubig dahil kakain naman ako sa bahay pag uwi." Sagot ko nang makabawi sa agarang pag kataranta.
"No. You eat here. Nanginginig ang kamay mo kanina habang hawak ang iyong cellphone. So if you want to go home then eat." Seryosong aniya.
Tumango na lamang ako bilang tugon at binuksan ang plastic. Napaka dami niyang in-order. May kanin at ulam, tatlong klase ng pasta, limang pirasong burger, fries, at kung ano-ano pa.
Pinili kong kuhanin ang kanin at ulam at isang inumin. Nag labas din ako ng para sa kanya at iniabot iyon.
Seryoso niya akong tiningnan at may bahid pa nang pag-aalinlangan bago niya tinanggap ang pagkain.
"I want you to eat. Why are you giving me this?" Takhang tanong niya.
"Sa tingin mo ba ay mauubos ko ang lahat ng mga ito?" Tanong ko pabalik.
Hindi siya kumibo pero ang tingin niya ay na sa'kin pa din.
"At isa pa, hindi ako makakakain ng maayos kung nakatingin ka." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.
Ilang saglit pa ay nag simula na din siyang kumain. Inabot niya ang aking inumin at binuksan iyon. Inilagay niya din sa tabi ko ang lahat ng kanyang binili.
"Ang hindi mo mauubos ay iuwi mo sa inyo." Sabi niya at binuhol ang isang platic.
Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil ang kanya ay kanina pa ubos. Mariin niya akong pinag mamasdan sa ginagawa dahilan para mailang ako.
"Are you done?." Maya-maya ay tanong niya.
Prente na akong nakasandal at deretso ang tingin sa harap kaya malamang ay tapos na ako.
Tumango na lamang ako bilang sagot.Pinaandar na niyang muli ang sasakyan at hindi na kami nag usap pa. Marahil ay napagod din siya.
"Maraming salamat, Gabriel." Sabi ko nang marating na niya ang sa'min.
Lalabas pa sana siya para pag buksan ako ng pinto pero mabilis ko itong pinigilan. Kaya ko naman at isa pa ipinasok na din niya ang sasakyan kaya't hindi na ganoon kalayo ang lalakarin ko mula sa gate.
Iniabot niya sa'kin ang dalawang plastic ng mga pagkain. Nag dalawang isip pa ako bago inabot iyon pero sa huli ay tinanggap din at hindi na nakipag talo.
"Pumasok ka na sa loob." Seryosong aniya.
Tumango na lamang ako at tinalikuran na siya. Inaantay kong tumunog ang sasakyan niya hudyat nang kanyang pag alis pero wala akong narinig.
YOU ARE READING
My Unexpected Love
RomanceCorinthia is a 20 year old girl who loved to help people as long as she can. Her parents raised her well. But everything in her life turned up-side-down when a sudden tragic happened to her family. She almost lose her sanity. She turned to be a cold...