Kabanata 3

13 1 0
                                    

Mabilis ang pag hinga ni Gabriel nang marating ang kinaroroonan namin ni Ignacia. Halatang galing sa pag takbo dahil may ilang butil pa siya ng pawis sa noo. Nakatupi na din hanggang siko ang suot niyang puting long sleeves.

Tahimik niya kaming pinag masdan ni Ignacia. Nakayakap ang bata sa akin at hawak ko naman ang likodan niya. Hindi niya nililingon si Gabriel at nakasubsob lamang sa akin.

"Umuwi na ang Tito at Tita mo dahil nagka-emergency daw bigla sa sakahan. Kanina ka pa hinahanap at akala'y umuwi na." Muling panimula nito at galit pa din ang mga matang nakatingin na sa akin.

Hindi ko talaga namalayan na nag tagal na pala kami ni Ignacia sa lilim na ito. Mahigit isang oras na pala kaming nag-uusap kaya ganoon na lang ang pag-aalala ni Gabriel sa bata.

"Paumanhin, akala ko ay matatagalan pa kayo sa loob kaya lumabas ako at nag pahangin." Nakayuko kong sagot.

Hindi ko alam pero natatakot ako sa ekspresyon ng mukha ni Gabriel. Para siyang isang istriktong abogado dahil sa itsura at suot niya ngayon.

"Kuya, why are you mad to Ate Corix? She's with me the whole time." Humarap ito at nakapamewang na sinita ang kapatid. "And look, inayos niya ang buhok ko na messy because of you." Dagdag pang aniya.

Pinamulahan ng mukha si Gabriel. Sa tingin ko ay siya ang nag ayos sa buhok ng kapatid pero dahil hindi marunong ay tinali na lamang kahit buhol-buhol.

"Come on, Mariam. Uuwi na tayo." Seryosong sabi ni Gab at kinuha na ang kapatid mula sa akin.

Yumuko ako at ngumiti kay Ignacia. Hinimas ko pa ang cute na mapupulang pisngi nito at muling hinawi ang bangs niya.

"Paalam, mag-iingat ka ha at don't hate your name because it's beautiful like you." Sabi ko at dinampot na ang bag at kumaway kay Ignacia.

Nanatili din silang nakatayo at mukhang walang balak kumilos si Gabriel na tila ba may hinihintay. Nakatingin lamang ito ng diretso sa akin at bahagyang nakakunot ang noo.

"Bye, Ate. I will visit you soon and please fix my hair ulit po."

Ngumiti ako at tumalikod na. Wala ng puno palabas sa Planta de Luiz kaya binilisan ko na ang pag hakbang. Mainit at tirik na tirik ang araw kaya pati ang hangin ay mainit din sa balat.

Mabilis ko namang narating ang gate palabas at naupo sa waiting shed sa harap nito. Mukhang madalang ang tricycle na dumadaan dito dahil bandang dulo na at kaunti na lang din ang mga bahay.

Nilabas ko ang cellphone ko at agad tinawagan ang numero ni Tita Meldi. Kinabahan ako kanina nang sabihin ni Gabriel ang emergency sa sakahan na pinagtatrabahohan nila ni Tito.

Nakailang ring pa bago may sumagot sa aking tawag.

"Hello, Corinthia? Aba ay ikaw ba ay nakauwi na? Hinahanap ka namin kanina pero hindi ka mahagilap." May pag-aalalang sabi ni Tita.

"Ayos lang po ako, Tita. Nag aabang po ako ng tricycle. Napatawag po ako dahil nabanggit sa akin nung Gabriel na nagka-emergency daw po? Ano ho ba iyon?." Sunod sunod na tanong ko.

" Naku, eh, sinalanta na naman ng mga ligaw na manok ang isang bahagi ng palayan dito. Ayos naman na ngayon." Sagot nito.

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot na iyon ni Tita. Akala ko ay kung ano na ang nangyari. Nawala ang kaba ko kanina pa. Nag paalam na si Tita at humingi din ng paumanhin nang inakala nilang nauna akong umuwi.

Ilang minuto pa akong nakaupong nag hihintay sa dadaang trycicle. Mahirap palang gumawi sa lugar na ito kung walang sariling sasakyan. Kumakalam na din ang sikmura ko dahil mag-a-ala una na ng hapon. Gatas at cereal lang ang breakfast ko kanina dahil buong akala ko'y hindi kami mag tatagal.

My Unexpected Love Where stories live. Discover now