Sa kalagitnaan nang aming byahe ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi naman ito alintana ni Gabriel at tuloy tuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating ang aming mansion.Handa na sana akong tumakbo at gawing payong na lamang ang bag ko nang bigla ay nauna siyang bumaba at binuksan ang backseat at hinugot doon ang isang payong.
Abala lamang ako sa panonood sa kanya habang nasa loob pa ng sasakyan. Basa na ang ilang bahagi ng suot niya at pati na din ang kanyang buhok.
Maya maya pa ay binuksan niya ang pintoan sa gawi ko at inalalayan na ako pababa.
"Let's go." Sabi niya habang hawak sa kaliwang kamay ang payong at abala naman ang isa pa sa pag-alalay sa akin pababa.
Bago kami tuluyang nakaalis ay binilinan niya si Ate Betty na lumipat na sa backseat at alalayan ang natutulog na kapatid sa loob.
Lakad-takbo ang ginawa namin dahil sa lakas ng ulan. Pinagpag ko pa ang sarili ko ng marating ang teresa ng aming bahay. Pinunasan din niya ng kaunti ang noo niya na may iilang patak ng ulan. Nilingon niya ako at nang makitang maayos na ay 'saka siya nag salita.
"I'll go ahead." Aniya.
Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Ipagpaalam mo na lamang ako kay Mariam. Maraming salamat din." Tugon ko naman.
Tinitigan niya lamang ako at ilang sandali pa ay tumalikod na siya sa akin. Hinintay kong umandar ang sasakyan nila bago pumasok sa loob.
"Ayon ba ang anak ni Mr. Lagmadeo?"
Muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan nang marinig ang biglaang boses na iyon ni Cythrin. Bahagya siyang nakayuko at magkakrus ang mga brasong sa gitna ng hagdanan. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.
Itinabi ko sa isang gilid ang nabasang sapatos. "Oo, si Gabriel." Tipid kong tugon.
"Kahit umuulan ay malinaw sa mga mata ko ang kanyang itsura. Napaka gwapo ngang tunay ng lalakeng iyon." Aniya.
Umakyat na ako sa taas para makapag bihis ng damit. Sinundan naman niya ako. Naupo siya sa kama habang ako ay abala sa pag hahanap ng damit na maisusuot.
"May kapatid siya, si Mariam." Maya maya ay sabi ko.
Hinarap ko siya at ganon na lang ang interes sa mga mata niya sa aking pag kukwento.
"Talaga? E mga nakakatandang kapatid na lalake, wala ba?." Tanong niya.
Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Alam ko na ang nasa isip ng babaeng ito. "Wala. Ang sabi'y dalawa lang daw silang magkapatid." Iyon ang alam ko dahil base sa kwento sa akin ni Mariam ay dalawa lang sila ng Kuya niya lagi sa bahay.
"Ganoon ba. Sayang naman. Iyong Gabriel kasi ay hindi ko gaanong tipo. Itsura pa lang ay parang masungit na kahit pagka-gwapo gwapo. Para bang sa dating niya ay napaka ilap niya sa mga tao at mukhang hindi manlang ako papansini." Mahabang aniya.
Tumango ako dahil ganon din ang impression ko kay Gabriel. Matangkad siya, tingin ko ay 6'1 ang height niya. Ang katawan naman niya ay hindi ganoon kamaskulado pero masasabi kong maganda pa din ang hubog nito. Medyo may pagka-curl din ang buhok niya at hindi ito itim na itim. Makapal na mga kilay, mahabang pilik mata, napaka tangos na ilong, mapulang labi, blue irises at morenong kutis. Sa unang tingin sa kanya ay maiisip mo agad na isa siyang modelo sa ibang bansa o hindi kaya ay sikat na artista. Napaka ganda niyang pag masdan kaya siguro napaka tipid ng mga sagot ko kapag kinakausap niya ako dahil sa hiya.
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nanlalagkit na din ako dahil sa tubig ulan. Mabuti na lamang at may dalawang linggo pa kaming semestrial break. Maasikaso ko pa ang pag bubukas muli ng aming grocery store. Kailangan ko muling contact-in ang mga supplier at mag hanap ng kahera at taga refill ng mga paninda. Masaya ako habang iniisip ang mga iyon. Kahit papaano ay nakakapag simula akong muli. Unti unti ay alam kong maibabangon ko ang pinag hirapan ng mga magulang ko.
YOU ARE READING
My Unexpected Love
RomanceCorinthia is a 20 year old girl who loved to help people as long as she can. Her parents raised her well. But everything in her life turned up-side-down when a sudden tragic happened to her family. She almost lose her sanity. She turned to be a cold...