Maaga kaming dumating sa planta ng mga Lagmadeo. Ang usapan ay alas-dyes ng umga pero sa relos na suot ko ay alas-nwebe pa lamang.Pinaupo kami saglit nina Tito at Tita sa tanggapan ng mga bisita. Ang sabi ng sekretarya ay on the way na daw ang anak ni Mr. Lagmadeo.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Napakalaki nga talaga ng planta nila. Pangunahing supplier sila ng asukal sa Bulacan, Manila, Nueva Ecija, Pangasinan at kung saan-saan pang lungsod. Napaka unlad ng negosyo nila. Masasabi kong magaling mag manage ang pamilya nila.
Hindi ko alam kung anong project ang gagawin nila sa lupang bibilhin sa'kin. Siguro nga ay extension 'gaya ng sinabi ni Tito.
"Ma'am Guzman, baka po gusto ninyo ng kape o kahit anong maiinom? Matatagalan pa daw po kasi si Sir Gabriel dahil may dinaanan saglit sa kanyang Daddy." Ang sekretarya na humahangos pa dahil mukhang galing sa pag takbo.
Ibig sabihin ay ang Gabriel nga na 'yon ang nag mamanage na nitong buong planta kung gayong wala si Mr. Lagmadeo dito.
"Ayos lang po ako, Miss. Sila Tito at Tita po baka gusto." Sagot ko at tinuro ang dalawang matanda na tahimik na nakaupo sa harapan ko.
"Hindi na. Nag almusal kami kanina bago nag tungo dito. Talagang masyado lang kaming napaaga dahil mahirap na kami pa ang ma-late, nakakahiya naman." Sagot naman ni Tita Meldi.
Kumamot sa sintido ang sekretarya at tumango. Palagay ko ay bago lang ito dito at mahahalata mo pang medyo kabado sa pakikipag usap sa ibang tao.
Maganda siya at base sa kaniyang itsura sa tingin ko ay nasa edad 25 pataas pa lamang siya.
"Ganon po ba. Tawagin niyo na lamang po ako kung may ibang kailangan pa kayo." Sabi niya at bahagya yumuko.
"Sige po, salamat." Simpleng tugon ko at nginitian siya.
Maya maya pa ay biglang nag vibrate ang cellphone na nasa aking kandungan. Nag text si Cythrin at sinabing nasa bahay na siya nila Judith para doon nila tapusin ang kanilang proyekto.
Ako: Ingat ka dyan. Pag walang mag hahatid sa'yo ay susundin kita.
Binaba ko nang muli ang aking cellphone at bahagyang sinulyapan sila Tita.
"Nandoon na daw po si Rin sa bahay ng kaklase namin." Pag bibigay alam ko.
"Ganoon ba. Sabihin mo ay mag ingat at 'wag na mag pa-gabi ng uwi." Sagot naman ni Tita.
Tumango ako at binasa ang bagong mensahe mula kay Cythrin.
Cythrin: Bakit gagamitin mo na ba ang sasakyan ng Papa mo pang sundo sa'kin?"
May sasakyan sa bahay at mula noon ay hindi ko ginamit o pinagamit. Lagi ay nagko-commute ako pag umaalis. Marunong akong mag drive pero iniiwasan kong gamitin ito dahil tiyak na maaalala ko lang si Papa at sa huli ay iiyak na naman ako. Siya ang nag turo sa akin kung paano gamitin ito. Hindi ko naman pinabayaan ang sasakyan at patuloy pa din minaintain ang itsura nito.
Ako: Oo kung talagang wala ka nang masakyan o walang mag hahatid sa'yo.
Nagulat ako sa biglaang pag tayo nina Tito at Tita. Bumaling ako sa likodan ko at bahagya pang humanga sa lalakeng nasa harapan ko na. Ngumiti at kinamayan pa sina Tito at Tita. Agad naman nilang tinanggap ang kamay nito at saglit pang nag batian.
"Magandang umaga, Gabriel. Pag pasensyahan mo nang napaaga ang pag punta namin dito. Hindi na baleng kami ang mag-intay kaysa naman kayo." Panimula ni Tito Raul.
Tumango ang lalake at bahagyang ngumiti. Lumantad ang dimple niya sa kanang bahagi ng kanyang pisngi at tanaw din ang ngipin niyang sobrang puti.
"Wala po iyon Kuya Raul, natagalan pa nga ho ako at dinaanan ko si Mariam sa bahay at ihahatid ko na ito sa Manila mamaya." Maikling paliwanag nito.
YOU ARE READING
My Unexpected Love
RomanceCorinthia is a 20 year old girl who loved to help people as long as she can. Her parents raised her well. But everything in her life turned up-side-down when a sudden tragic happened to her family. She almost lose her sanity. She turned to be a cold...