Chapter 1: The Crank Up
Disclaimer: Kung ayaw nyo na mabasa yung story ko, wag nyo na lang basahin yung paragraph 1 and skip na agad sa paragraph 2. Pero I suggest na basahin nyo na din, kasi dito naman iikot ang lahat lahat eh. And maikli lang naman pati sya tho. Thanks!
Grade 1 nung nagsimula akong magka crush, sobrang aga ko lumandi no? De joke. Haha. Kaso lang, yung supposedly-first-crush ko, bakla na ngayon. Well una pa lang naman talagang malambot na sya. Kaya ayun, di ko sya kino consider na first crush ko. In the process of removing my "puppy love" for my supposedly-first-crush, dun ko nakilala si Crush # 1 na talaga namang nagpatibok ng puso ko. Char! Haha. Sya yung typical crush ng bayan, sobrang bait, sobrang pogi, sobrang talino. May times pa nga na nagaway kami ng "best friend forever" ko dahil sakanya. Ako yung tipo ng babae na pag nag ka crush, liliban pa ng classroom para makasilay lang. Aminin mo, ganun ka din naman eh. Hahaha. Grade 1 hanggang Grade 3 eh crush ko na itong si 1st Crush. Kaso lang, nung Grade 4 kami eh lumipat na sya ng school ng biglaan. Umasa ako na babalik pa sya siguro pag Grade 5 na kami ganon. Tapos umasa din ako na baka may chance kami kasi sobrang bait nya sakin. Ang tanga ko, mabait nga lang pala talaga sya sa lahat. Hay. Nung nawala sya ng biglaan, akala ko, yun na ang pinakamalungkot na mangyayari sa buhay pagibig ko. Pero I was wrong dahil sobrang bata pa ako nun. Madami pa pala. Madami pa pala akong pagdaaanang iba.
Ang pagibig pala ay di puro kilig lang, dapat handa din tayong masaktan. #PSMUAUadvice
Dapat handa tayong harapin ang mga consequences na mangyayari once na umasa tayo. Pero pano pag di pala talaga natin kasalanan na umasa tayo? Gets? Pano pag may lalaki talagang pinaasa tayo hanggang sa tuluyang na fall tayo at saktong sahig lang pala ang handang sumalo?
Sabi ng mga kaibigan ko, "Okay lang yan. Marami pang iba dyan." Pero laging ang sagot ng puso ko, "Marami pang iba, pero sya lang ang gusto ko at wala nang iba." Cheesy ba? Dati madalas kong ipayo sa mga kaibigan ko na mag move on sila, kesho mabilis lang to, mabilis lang yan. Pero madali lang pala talagang sabihin, pero pag ikaw na yung nasa sitwasyon, mahirap nang gawin. Madalas akong makinig sa kwento ng mum at dad ko before, tungkol sa mga disney princesses. Doon, laging alam mo kagad kung sino yung Prince Charming mo. Lagi silang pogi, mabait, tipong Daniel Padilla na "neseye ne eng lehet" pero as time pass by, marerealize natin na hindi pala talaga ganun kadali ang mahanap yung Prince Charming natin. Pero wala eh, matigas talaga ang ulo natin. High school pa lang halos ang karamihan satin pero hinahanap na natin agad sila, not knowing na ang nahahanap natin e yung makakapagpa sakit ng damdamin satin.
Sa sobrang atat natin magkaron ng love life na pang temporary lang naman, ayun, kadalasan napapapunta tayo sa maling tao. Hindi lang isang maling tao, katulad ko, nakarami pa ata. Tipong kung pencil ang mga taong sinugatan ang puso ko, at grade school student ako at nagparamihan kami ng pencil ng mga kaklase ko, edi panalo na ko sa sobrang dami ba namang bandage dito sa puso ko eh.
Oo, madami sa atin ang nakaranas na din masaktan. Madami sa atin ang makaka relate dito sa ikekwento ko...
PARA SA MGA UMASA AND UMAASA
CHAPTER 1
#PSMUAU
Author: @heytoali
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA UMASA AT UMAASA
Teen FictionAlam ko kung gano kahirap umasa, dahil ako mismo sa sarili ko, naranasan na ito. Ito ay isang survival book na ako mismo ang gumawa, para kahit papano, ay matulungan kayong mag move on. Alam ko rin gaano kahirap mag let go at i surrender ang lahat k...