Chapter 7: Operation Tigil Katangahan
At dahil di ka na umaasa, balik ka na naman sa dati. Wala ka nang inspiration. Wala ka nang classroom na sisilipin at lilibanan makasilay lang. Wala ka nang aabangan sa canteen. Wala ka nang isostalk sa fb, sa twitter o sa kung ano ano pang social networking. Wala ka nang ichichika sa friends mo. Wala ka nang kilig moment. Oh, ano naman?
Oo, siguro nawala yung "happiness" mo. Pero hindi naman nawala lahat, and eventually matututunan mo na din maging masaya na hindi kaylangan ng iba. Please lang...
Nabuhay ka ng ilang taon na wala sya. What makes you think na ikamamatay mo ang pagiwas sa paasang yon? To think na, ilang months ka lang namang nagpakatanga. #PSMUAUadvice
In this stage, dito na magsastart yung let go process. Siguro madaming matatagalan, kagaya ko, doble doble kaya ayun, sobrang tagal. Pero trust me, pag naka move on ka na, tatawanan mo naman na lang lahat eh. Tatawanan mo kung gano ka nagpakatanga noon. Maiisip mo na lang, "Aba buti pala nagbago na ko?"
Pero teka. Pano nga ba maka move on? Sa sobrang dami ko nang heartbreak na pinagdaanan, nagkaron ako ng chance na finally, makagawa ng lists kung paano nga ba mag move on. Ilan lang yung mga:
1. Maghanap ng rebound.
I know medyo mali at mahirap to, pero this is the easiest way para ma divert yung pain mo. And when I say rebound, hindi ibig sabihin neto e magpapakatanga ka na naman. Sabi nga sa kanta ni Marina,
"Rule # 1 is that you gotta have fun, but baby when you're done, you gotta be the first to run." - Marina #PSMUAUadvice
Meaning, oo maghahanap ka ng lalake pero hindi ka mafofall. Tipong finally, hindi naman ikaw ang iiyak. Yung hahanapin mong rebound, yung tipong fun lang din ang hanap. Para quits. Wag naman yung masyadong seryoso, makakasakit ka non. Alam kong alam mo kung gano kasakit masaktan, kaya wag na wag kang gagamit ng rebound na alam mong seseryosohin nya.
Wait, alam kong mahirap tong Move On Rule # 1, kaya may alternative ako dyan.
Kung hindi mo kayang humanap ng rebound, well, at least humanap ka ng crush. Wag yung crush na nakakausap mo. For example, yung supladong guy sa school. Or yung famous na guy sa school. Para at least, hindi ka aasa, may inspiration ka pa. Di ba?
2. Hangout with your bestfriends.
Common na to, our bestfriends naman kasi talaga ang laging nakakapagpatawa satin. Although feel natin may kulang, at least tumatawa tayo. In this case, nagiging immune na tayo sa sakit and nagegear up na tayo para sa next battle. Every time na tumatawa tayo, habang tumatagal, unti unti nang nagiging genuine. Hanggang sa one day, di man lang natin alam, "aba okay na pala ko?"
3. No Story Policy
Meaning, wag laging ikwento ng ikwento yung kilig moments mo with him kasi lalo mo lang tinotorture ang sarili mo at lalo mo lang sya mamimiss. O sige for example, di mo na sya crush or di ka na umaasa ngayon, pero bigla syang nagparamdam, tapos di ka nanaman mapakali at kinwento mo sa mga kaibigan mo. Sa ganung instance, kahit na sabihin mong "nakakainis nagparamdam na naman sya" nandon pa din yung thought na "nagparamdam sya na mas lalong nakapagpamiss sakin sakanya". Gets? Kaya kung nag decide ka nang wag umasa, edi mas mabuting wag ka na rin magkwento sa iba.
I suggest gumawa ka ng journal sulat mo dun lahat, tapos pag naka move on ka na, sunugin mo. #DoItPSMUAU
PARA SA MGA UMASA AND UMAASA
CHAPTER 7
#PSMUAU
Author: @heytoali
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA UMASA AT UMAASA
Roman pour AdolescentsAlam ko kung gano kahirap umasa, dahil ako mismo sa sarili ko, naranasan na ito. Ito ay isang survival book na ako mismo ang gumawa, para kahit papano, ay matulungan kayong mag move on. Alam ko rin gaano kahirap mag let go at i surrender ang lahat k...