Chapter 8: The GoGo and The NoNo

77 3 1
                                    

Chapter 8: The GoGo and The NoNo

GoGo, meaning ayos lang gawin mo.

Ilan lang ang mga:

Magpakasayang ka habang sinusunog ang bahay nila. Ay joke. Hahaha. Eto na...

1. Umiyak.

Pero siguraduhin mo na wala kang mascara kung ayaw mong magmukhang manananggal. Ay joke. Umiyak ka pero make sure na ikaw lang makakakita or yung friends mo. Wag mong ipapakita sa parents mo, kasi masasaktan din sila. Gusto mo bang ma depress sila? Well ayos lang na mag open ka sakanila pero wag na wag mong ipapakita ang weakness mo. Dahil napakasakit sa isang magulang na makita yung anak nila na ni padapuan ng langaw, ayaw nila tapos papaasahin lang pala nung iba. Dba?

2. Magpakasaya.

Gawin mo lahat ng hindi mo magawa noon dahil nahihiya ka at baka mabalitaan ni Crush mo na nagganon ka. Pumunta ka sa gitna ng court tapos sumayaw ka. Why not? Haha ay joke. Basta gawin mo lahat ng bagay na sa tingin mo e naeenjoy ka. Kung nageenjoy ka kumain, go for it. Walang magbabawal sayo kasi that's your life, and not theirs to judge, right?

3. Magpakatotoo ka.

Oo aminin mong nasasaktan ka pa, pero hindi dahil nasasaktan ka eh wala ka nang karapatan sumaya.

Pag puro sakit na lang ang iniisip mo, hindi ka makakausad nan. Tumawa ka lang ng tumawa. Laugh your heart out. #PSMUAUadvice

Pero kung feeling mo naman e naiiyak ka, tas tatawa ka pa din. Wag ganon. Magpakatotoo nga dba?

Ipakita mo sakanila yung attitude na "mahirap pero kinakaya". #PSMUAUadvice

All in all, mag engage ka sa mga bagay na nakaka relax, nakakapagpasaya at nakakapagenjoy ka. Yung mga bagay na pwedeng mag divert ng lungkot to happy mood. Gets? And here we go...

The NoNo. Eto yung mga bagay na never and wag na wag na wag na wag na wag mong gagawin pag nasa stage ka na ng "The Operation Tigil Pagpapakatanga".

1. Wag na wag mo syang isostalk.

Dahil baka masaktan ka lang sa mga makikita mo. At pag nasaktan ka, patay. Balik na naman tayo sa step one. Akala ko ba natuto ka na, ha? Panindigan mo.

2. Wag maghanap ng chika tungkol sakanya.

"Uy kamusta na si ganto?" Mga ganang bagay. Tapos pag narinig mo na naman yung mga salitang ayaw mong marinig, edi ayun, sakit na naman abot mo. Mga ilang dekada pa bago ka makapag move on pag ganon, dba?

3. Wag kang magbasa ng mga librong nakakarelate ka.

For example yung mga libro na yung babae e pinaasa din ganto ganyan. May kaibigan ako, mahilig syang magbasa sa wattpad nung mga librong nakakarelate sya. Kaya ayun, sobrang tagal nya bago naka move on, mga ganong bagay ba. Kaya for me, if gusto mo talagang mag move on, hindi ka magbabasa nung mga ganong klaseng books. I used to think nga na wattpad is for the bitters, pero as time pass by, narealize ko na it's an escape from reality. Although naka move on naman na ngayon yung friend ko, matagal din bago nag heal yung wound. Kaya please lang, wag kang magbasa ng mga kwentong ganon. Magbasa ka na lang ng nakakatawa or better yet, manuod ka ng comedy movies. Gets?

Try mo yung Mr. Bean. Kahit paulit ulit mo yung panuodin, di ka magsasawa sa kakatawa. #DoItPSMUAU

Tsaka, mababalikan mo childhood mo. Mga araw na umiiyak ka lang pag nadapa ka or naagawan ka ng candy. Kasi ngayon, iba na eh. Maagaw na ang candy wag lang ang mahal natin. Dba? Kaya for me, that's the best tv show e v e r.

And...

Kagaya nung lagi kong sinasabi, mahalin mo muna ang sarili mo. Ipa realize mo at ipasok mo sa kokote mo na kahit anong mangyari eh worth it ka at kaya mong mahanap ang Prince Charming mo. Well maybe not today, not tomorrow. Pero sooner or later... #PSMUAUadvice

PARA SA MGA UMASA AND UMAASA
CHAPTER 8
#PSMUAU
Author: @heytoali

PARA SA MGA UMASA AT UMAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon