Chapter 6: The "Oops Paasa Pala Sya" Checklist
After ko maranasan ang iba't ibang klase ng heartaches nakabuo ako ng isang checklist kung pano ko malalaman kung paasa ba sya or seryoso sya. In this stage, kung 8/10 yung strong-o-meter ko noon, 9/10 na ngayon. Masasabi kong stronger na ko kasi di na ko basta basta bumibigay sa kung sino sino dyan na puro pa-ll (landi landian) lang at hindi naman kayang mag commit, dba?
Paasa sya kung...
1. Hindi nya kayang mag commit.
Say, MU lang kayo or kahit nga MU ba wala eh. Eto yung stage na lagi mo na lang maiisip "Kami ba?" Or "Crush ba nya ko?" Yung mga stage na caring kayo at sweet sa isa't isa, pero hindi nyo alam kung ano ba talaga kayo, eto, kadalasan din heartbreak ang uwi.
2. Di sya consistent magparamdam.
For example, ngayon magchachat sya, tapos bukas hindi. Parang kung kelan nya lang magustuhan. Eto yung "bored ako kaya usap muna tayo" stage. Kaya pag ganto yung lalake, nako, ayos lang sakyan nyo pero wag kayong mafo-fall, kasi once na na fall kayo, mahirap na ulit makalabas.
3. "Crush kita... ay joke"
Kadalasan ganan ang boys. Sasabihin crush ka nya pero may kasunod namang joke. Oo, kadalasan jokes are half meant. Pero ang damdamin natin, kaylanman di pwedeng maging "joke" lang, gets? Pinagtitripan ka na nga, kinikilig ka pa? Wag ganon. Kung ako sayo babanatan ko yan ng, "Crush din kita... In your face!" Taray pag ganon. Naks hahaha.
4. Day One Flirting
Naks may title! Eto kasi yung stage na parang isang beses pa lang kayo nagkakausap pero clingy na agad sya. Yung tipong nagkkiss mark na agad, ganon. With this, makikita mo na "atat" sya and desperate sya magkaron ng ka fling. Halata mo na kagad dito na pang madalian lang yung hanap nya. Kasi kung ako ang lalake and I'm really into a girl, hindi agad ako yung tipong makikipaglandian. Kasi ang lalake pag na inlove yan, natotorpe yan. One move at a time nga, ika nila. Getting to know stage muna ang trip nung mga talagang seryoso, pa keme ganun. Kaya pag ang lalake e una pa lang demalands na (malandi), wag na wag kang mafo-fall kasi panandalian lang yan. Pag nakita nilang hindi pala ikaw yung hanap nila, nako! Mamukat mo isang araw ni-"ha" ni-"ho" wala agad yan.
Lastly,
5. Di ka nya kayang kausapin sa personal at puro chat / text lang.
Si Boy # 1 ko ganan sya. Di ko alam kung bakit pero ayaw nya din na may ibang makakaalam nung namamagitan samin. Kadalasan madadown tayong mga girls pag ganon. Maiisip natin "Kinahihiya ba nya ko?" Ganan yung inisip ko before. Pero ngayon, ayos naman na sakin na halos konti lang ang nakaalam, at least di bulgar yung katangahan ko, dba? Dalawang pace yan eh. May good at bad.
Good:
Siguro dahil torpe talaga sya at the only way para maamin nya sayo yung feelings nya is thru chat/text dahil alam nyang baka mautal pa sya sa personal or malost sa magagandang mong eyes. Naks! Hahaha.
Bad:
Well eto yung para sakin, feeling ko kinakahiya nya ko kasi di naman ako maputi ganon. Pero that was then, nung kay Boy # 1. Nung kay Boy # 3, na realize ko na idfwu (i dont fuck with you) Hahaha! Char. Or siguro yung iba kaya di nila maamin sa personal dahil ayaw nilang sabihin ng mga kaibigan nila na corny sila, in that way pinapakita pa rin nila na mas pinipili nila yung kaibigan nila kesa sayo. Kasi kung ako lalake, pag mahal ko ang isang tao, bat ako mahihiya? Maswerte pa nga ako kung for example mahal ko sya at mahal nya din ako eh. Dba?
Well, the analysis...
Pag mas madami ang check mo sa mga nasabi ko kanina kesa sa "no no" edi voila! Paasa ang nakuha mo. I suggest, tigilan mo na ang kahibangan mo and umusad ka na magisa. Move on beh! Well nasa sayo na rin naman kung aasa ka pa din na baka mapagbago ka nya. Mga wattpad ang datingan ganon. Pero basta ako, di ako nagkulang sayo. Kung ganan kasi ang lalake, I'm pretty sure hindi nya deserve ang mga babaeng katulad natin na "limited edition". Kaya kung ako sayo, hahanap na ko ng iba. Or di kaya, magpapakasaya muna genuinely. With friends, family, etc. Di naman kasi natin kaylangan ng boys para sumaya no!
Pero teka, nagdududa ka pa ba sa payo ko? Isipin mo...
1. Kamukha ba ni Justin Bieber etong lalakeng to at handa akong magpakatanga para sa kanya?
2. Masipag at mayaman ba etong lalakeng to at mabibigyan ako ng magandang future?
3. Maihaharap ko ba sya sa mga magulang ko ng hindi ako nagwoworry na baka may masabi silang negative?
4. Worth it ba ang pagasa at paghihintay ko sakanya habang sya andon, may nilalanding iba?
5. Ipagpapalit ko ba ang tunay na Prince Charming ko para sa isang frog?
Kung ang sagot mo sa lahat eh, "no." Edi mas mabuti pang mag move on ka na nga. Mas mahihirapan ka lang habang pinapatagal mo at pinapantasya ang mga bagay na wala naman talagang pagasa. Masasaktan ka lang ng masasaktan until one day, lost ka na. Tipong natatakot ka nang magmahal.
Wag mong ipilit ang mga bagay na hindi pwede. Wag mong hayaan yung "ay pwede na to" attitude. #PSMUAUadvice
Kung alam mong worth it ka, eh bat ka naman magpapakatanga sa isang lalakeng walang ginawa kundi saktan ka?
Ang buhay natin, di isang pelikula na tayo lagi ang bida. Hindi disney na pag dating mo ng right age e andyan na agad yung Prince Charming mo. Ang buhay natin, parang matanglawin. More adventure, more fun. #PSMUAUadvice
PARA SA MGA UMASA AND UMAASA
CHAPTER 6
#PSMUAU
Author: @heytoali
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA UMASA AT UMAASA
Подростковая литератураAlam ko kung gano kahirap umasa, dahil ako mismo sa sarili ko, naranasan na ito. Ito ay isang survival book na ako mismo ang gumawa, para kahit papano, ay matulungan kayong mag move on. Alam ko rin gaano kahirap mag let go at i surrender ang lahat k...