Chapter 2: The Primary Heartbreak
Noong nag high school na ko, tuwang tuwa ako kasi sabi nila ang high school daw ang pinakamasayang stage ng buhay mo. Well, perhaps... And perhaps not. Mga kinatapusan ng first year, umamin sakin yung ex crush ko na crush nya rin ako. Pero that time, hindi ko na sya crush and iba na ang crush ko. First time ata na may umamin sakin ng ganun, kaya sobrang hindi ko alam ang gagawin ko. Na stuck ako between sasakyan ko ba to para di sya masaktan or aaminin ko ba sakanya na ayaw ko sakanya at may iba akong gusto? Pero shempre dahil nga atat akong magka love life, edi sinakyan ko. Ang alam nya talaga is crush ko din sya pero ang totoo, hindi naman talaga. Feeling ko noon, sobrang heroic deed ang ginawa ko dahil sinacrifice ko yung sarili kong crush para wag masaktan yung may crush sakin. Pero sa huli, nagsisi din ako. 6 months halos nagtagal yung pagpapanggap ko, pero in the end, bumigay din ako.
Halos 6 months din nya kong sinusuyo, pinagpapasensyahan. Halos 6 months sya lang kumikilos. May times nga na summer nun, tapos 2 months ko syang di kinausap at puro "seen" lang reply ko. Pero dumating yung araw na fall na ko. Sino ba namang di mafofall sa lalaking ma effort at sweet? Kaso, huli na pala ang lahat. Napagod na sya, nagsawa. Nung katapusan ng 5th month, alam kong wala na talaga pero pinipilit ko pa din mag work, kasi shempre, minahal ko na. Umasa ako na maibabalik sa dati ang lahat. Na kaya ko pa. Pero mahirap pala talaga pag isa lang yung nagwowork. Say, tao tapos putol yung isang paa, shempre di stable. Kaya sa isang relationship, dapat dalawa yung nagana para umusad. Whenever I feel like giving up nung mga times na yun, lagi ko lang inaalala yung favorite line ko na sinabi nya sakin nung umiyak ako once, dahil sa sobrang babaw na reason. He said...
"Hayaan mo na, mahal naman kita."
"Hayaan mo na, mahal naman kita."
"Hayaan mo na, mahal naman kita."
Paulit ulit yun. Paulit ulit kong inaalala. Kaya nga siguro kahit hanggang ngayon, e hindi ko pa din makalimutan.
Pero dumating na yung araw na pinaka kinatatakutan ko; napagod na din ako, unti unti ko nang na ffeel na sumusuko na ko. Hanggang sa natapos na lahat. But the thing is, walang closure. Walang nagsabing "Uy ayoko na." "Uy tigil na." "Uy ayoko na sayo, bahala ka na sa buhay mo." "Uy pinaasa lang kita, sawa na ko." O kahit isang "Ge bye." nga lang eh, pero wala. Kahit nga hanggang ngayon eh; its been years pero wala pa din. Hindi mo ko masisisi kung umasa ako noon na babalik pa sya, kasi wala namang closure eh. Bigla na lang one day, wala nang communication. Tumigil na lahat. Meron pa ngang times na nagstalk ako sa kanya at may nabasa akong "I want to talk to you, I just don't know how to start the conversation" cheness. Ako naman si tanga, umasa. At eto pa ha, pinagkakalat nya na pinagtripan nya lang daw ako. Aba! How could that be? Eh ako na nga itong pumilit sa sarili ko para magustuhan kita eh, tapos papaasahin mo lang pala ko? Sasaktan mo lang pala ko? Anong shit to? Sobrang nagalit ako sakanya. Sobrang kapal ng mukha nya para ipagkalat na sya pa yung nangtrip sakin. Like "Hello? May screenshot ako ng convos natin and I know totoo lahat yun. Totoo yung feelings natin." Well at least... Siguro yung akin. 2 years din halos ako umasa na baka meron pa, na baka maibalik pa yung dating kami. Akala ko kasi talaga sya na. Akala ko sya na first and last heartbreak ko. Pero hindi pala, madami pa palang iba.
Sobrang tagal kong na depress non. Pero di naman ako yung desperadang di kumakain, kasi kung ganon, baka pumayat ako, e di lalo lang syang natuwa na iniwan nya ko kasi pumangit ako. Kaya wag ganon, dapat ang iniwan, gumaganda. E sa case ng iba, nalolosyang eh. Dba? Kaya di dapat tayo ganun, dapat ipa realize natin sakanila na "Uy ako nga pala si *insert your name here* yung babaeng sinayang at pinaasa mo." Taray!
Pero sabi nga nila dba, "That's the thing about pain, it demands to be felt." Pero hindi porket na feel mo yung pain e forever na yun. Tandaan, walang forever sa mundo. Dba? Hmmm, bitter moves...
PARA SA MGA UMASA AND UMAASA
CHAPTER 2
#PSMUAU
Author: @heytoali
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA UMASA AT UMAASA
Teen FictionAlam ko kung gano kahirap umasa, dahil ako mismo sa sarili ko, naranasan na ito. Ito ay isang survival book na ako mismo ang gumawa, para kahit papano, ay matulungan kayong mag move on. Alam ko rin gaano kahirap mag let go at i surrender ang lahat k...