CHAPTER 3: THE INFERIOR HEARTBREAK

155 5 2
                                    

Chapter 3: The Inferior Heartbreak

After 4 months naghanap ako ng way para kahit panandalian eh mawala yung pain na dinadala ko. 2nd year na ko nun, saktong Christmas party. May nakilala akong guy. Gentleman, pogi, magaling kumanta, matalino. Daw. Haha. Una ko syang nakita paakyat sya ng escalator tapos di talaga ko napogian sakanya, tho barkada ko poging pogi sakanya. Char! Escalator love story. Joke haha. After nun, inadd namin sya sa fb. Dun na nagsimula ang lahat. Niyaya nya ko mag cine, pero di ko kaya kami lang dalawa so sinama ko barkada ko tas sinama nya kapatid nya. After nun, hiningi nya number ko. Halos buong araw magkausap kami, kahit palagi na lang sya yung bumubuhay dun sa convo. Minsan wala na kaming mapagusapan, so kakantahan nya na lang ako with matching gitara. Hay, those days! Hahaha basta mga ganung bagay ba.

Dumating yung araw na, nakiusap sya sakin. Kasi yung kaibigan ko, may crush sakanya, pero ayaw nya. Ang nangyari, magpapanggap kaming dalawa na kami. Mga 1 week rin yun. Usapan namin pag nandyan lang naman yung kaibigan ko tho, sya, parang sobrang sweet na. Nagpapaalam sya sakin kung pwede yung ganto ganan, eh kung tutuusin wala naman akong karapatan pagbawalan sya. May time pa nga na di sya nagdodota, para makausap ako.

Kaso lang, since bata pa ko, bawal pa talaga. Nalaman ng mum ko yung tungkol samin. Hindi naman ako makatanggi at masabi na dare lang yun, kasi feel ko nagiiba na eh. Dumating sa point na nag "i love you" na sya. Nung nalaman ng mum ko, sobrang nagalit sya. Kinausap nya yung si Boy # 2, kesho tigilan na daw ako ganto ganyan. Nabasa pa ni mummy yung favorite convo namin ni Boy # 2.

Sya: Gusto mo chocolate?

Ako: Meron din kaya ako cadburry!

Sya: Gusto mo kisses?

Ako: Oo fav ko yun huhu

Sya: Eto oh "mwa :*"

Idk pero para sakin mas sweet yan kesa dun sa mga i love you messages nya. Kaya ayun, pinatigil kami. Sobrang na hurt ako. Kasi na fall na din ako. Grounded ako nun, mga 2 weeks ata. Saktong kinabukasan pumunta sya sa school, pero ni hindi ko man lang sya kinausap. Magkaiba kasi kami ng school eh. Pero na realize ko after nun, sobrang nanghinayang ako sakanya. Ang swerte ko na sana. Biruin mo halos barkada ko crush sya, tapos ako yung nagka chance sakanya? I can't blame my barkada naman tho kasi nasa kanya na lahat except the fact na jejemon sya mag type. Haha! Pati mga kaibigan ko nga, nanghinayang.

The pain doubled. Kasi just like before, wala pa ring closure. Plus the fact na hindi pa ako nakaka move on kay Boy # 1, eh sinaktan naman agad ako nitong si Boy # 2. Ang kulit no? Sa kahahanap ayon, sakit na naman sa puso ang nahanap.

Ni hindi nya nga man lang ako pinaglaban kahit na "dare" lang. Dare nga lang ba? Pero tanda ko pa nga yung sinabi sa kaibigan ko nung kapatid ni Boy # 2:

Kapatid ni Boy # 2: "Naging MU sila, hindi lang yun basta dare. (pertaining to Me and Boy # 1) Feeling ko hindi lang talaga nila alam sa isa't isa kasi parehong walang gustong umamin."

Mag 5 months na din kaming di naguusap after the incident, pero nung saktong nagka mall show naman etong si Boy # 2. Daig ko pa ang girlfriend at full support ako. Sumugod talaga ako sa sm para lang mapanuod sya at kahit papano naman e mag cheer. Naiinis ako dun sa mga babaeng ang lakas maka tili. Naiinis ako kasi nagseselos ako. Nung nakita ko sya, masakit pa rin talaga. Kasi parang dati, sakin lang sya nakanta, ganun. Tapos nung araw na yon, kumakanta na sya para sa iba, at take note hindi lang para sa isang babae, kundi sa maraming fans nya.

Pero I guess that's the hardest thing naman talaga pag MU lang kayo, walang commitment. Walang karapatan masaktan ang kahit sino sainyo. #PSMUAUadvice

Pero pano kung di talaga natin maiwasan masaktan at umasa? Umasa na minsan sana yung MU stage, ay matuloy sa Happily Every After era? Pero pano kung katulad namin, pareho kayong duwag para mag commit? Pareho kayong duwag umamin sa tunay nyong nararamdaman?

Kaya trust me, kung mahal mo ang isang tao, aamin ka kagad. Unless yung mahal mo eh may mahal palang iba, riot pag ganun. Kung umamin ka naman at wala kang chance, tanggapin mo na agad at wag kang umasa. Ang pagasa sa wala ay tipong para ka lang naghihintay ng snow sa Pilipinas. Alam mong hinding hindi mangyayari, pero nagbubulagbulagan ka pa rin na malay mo one day, biglang may uulang nyebe dito. Impossible pag ganun! Uminom ka naman ng reality pills no. Haha.

Ang pagibig naman kasi, hindi porket mahal mo sya, e magic na mamahalin ka din nya. #PSMUAUadvice

Love is all about give and take. Tumatanggap ka, at the same time, nagbibigay ka. Hindi puro tanggap ka lang ng tanggap. Lugi sila pag ganon. Hindi rin naman lalo pwedeng bigay ka lang ng bigay. Lugi ka pag ganon. Wala na ngang natira sayo e malungkot ka pa. Dba? Pero sabi nga nila, "you accept the love you think you deserve." Ang mga datingnan ba e mahal mo nga, di ka naman mahal. Mahal ka nga, di mo naman mahal. Isa lang ang ibig sabihin nun, kung alin man don, I'm pretty sure na baka hindi pa sya yung Prince Charming na itinakda ni God para sayo. Bata pa kasi tayo, marami pa tayong makikita, mahahanap at pagdadaanang iba. I suggest hanggang maaari eh, yung first ay yung last. Gets? Matutuwa ka ba pag nakita ka ng ex mo after 10 years habang kasama mo na yung Prince Charming mo tapos sasabihin nya sa kasama nya "Uy naging girlfriend ko yan." Aba, nakakahiya pag ganon, di ba?

PARA SA MGA UMASA AND UMAASA

CHAPTER 3

#PSMUAU

Author: @heytoali

PARA SA MGA UMASA AT UMAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon