Chapter 4: The (So Far) Rearmost Heartbreak
Finally, after ilang years nagkaron na ko ng totoong crush. Hindi yung tipong mga panakip butas lang para sa mga past ko, pero this time, I'm pretty sure tinamaan talaga ako sakanya. Ka tutor ko sya before, siguro mga Grade 1 hanggang Grade 3 ata? Pero pinagtagpo ulit kami ng tadhana after ilang years. Naks! Tadhana. Hahaha. Gaya ng dati, typical crush ng bayan. Pero this time, chinito sya. Maputi (kape't gatas kami), matangkad (maliit naman ako), badminton player (wala naman akong sports), in short, opposite kami. Akala ko noon yun na yung time na maniniwala ako sa kasabihang "opposite attracts". Pero di din pala.
Mga ilang days after nakita ko ulit sya, saktong birthday naman nya. So ako naman eto shempre pagkakataon ko nang lumandi, dba? Haha ay joke.
Tapos pinagiisipan ko pa talaga kung pm or sa wall na lang. Kasi diba pag pm, mas malaki ang chance na magrereply sya. Ilang beses pa ata akong nag draft non sa kung anong sasabihin ko, pero "Happy birthday!" Lang naman. Iniisip ko kasi baka mamaya may typo ganto ganyan, edi shempre minus ganda points yon. Dba? Haha.
Kinabukasan nagreply sya.
"Uy slr... thank you!"
Ako naman eto si kire, di papaawat na di makapagreply kasi nga diba, chance na to. Take it or leave it. Sayang naman, baka mamaya ma fall sakin dba?
Nagreply ako.
"No prob. Treat ko? Hahaha ay joke"
Ang tanga ko. I feel dumb matapos kong isend to. Kasi leche, feeling ko sobrang feeling close ko. Tipong halatang ume-lll ako. Landi landian lang, mga ganon. Haha. Tapos nagreply sya.
"Haha ok...thanks again"
Sobrang feeling ko ang tanga ko lalo na't parang ang cold nung reply nya. Hanggang sa di ko na lang nireplyan. Tapos day after, nalaman ko na may crush pala syang iba.
Yung crush nya, kabaligtaran ko. I dinescribe pa nung kaibigan ko as "maputi, may doll eyes, maganda"
Maganda naman ako no! Di lang talaga ako maputi. Nag start ako magkaron ng hinanakit sa kulay ko. Kesho bakit ba kasi pinanganak akong morena ganto ganyan, bakit ba kasi sa dami dami nang tao e sakin pa binigay tong kulay na to. Cinomfort naman ako ng mga friends ko. Dun ko na realize na...
Mas importante pala ang kaibigan kesa sa love life. Kasi whenever you're feeling down or broken sa love life cheness mo, sila yung unang unang masasandalan mo. #PSMUAUadvice
Pina realize sakin ng mga kaibigan ko na maganda ako, kahit na morena ako. Pero hindi ako nakinig, day after nun, nag research ako kung pano pumuti. Lahat na ata tinry ko.
Pano pumuti (based sa research ko):
1. Ikudkod ang orange sa katawan.
2. Ikudkod ang calamansi sa katawan.
3. Maligo ng gatas o yogurt.
4. Maligo araw araw.
Yung number 4, panigurado bagsak na ko dun. Tho, ginawa ko silang lahat sabay sabay ng isang beses. Kaso, nakakapagod. And with that, na realize ko na...
Bakit nga ako magbabago para sa isang tao? Hindi ko na itinuloy yung "mission pagpapapaputi" ko.
Sa lahat ata ng heartbreak, eto yung pinakamadali para sakin. After neto kasi na realize ko na strong na ko. Siguro mga 8/10 na yung pagka strong ko.
Madami akong natutunan sa Boy # 3 na ito na gusto kong i share sa inyo. Gaya ng...
Wag na wag kayong magbabago para sa isang tao. Dahil kung hindi nila tanggap ang flaws mo, then hindi din nila deserve ang best mo. #PSMUAUadvice
Say, mataba ka. Why ka magpapapayat para sakanya? Duh! Kung hindi nya iaaccept kung sino ka man, edi that's a strong sign para tigilan mo na ang kaaasa sa kanya at yang kahibangan mo. Dahil sinasabi ko sayo, dadating ang araw na...
Dadating yung Prince Charming mo at kahit ano pa ang itsura mo, bungi, mataba, morena, payat, mukhang bangkay, sabog, malaki mata, walang mata, bingot, mamahalin at mamahalin ka pa rin nyan. Dahil God destined the two of you to be together, forever. Walang preno, walang kambyo. #PSMUAUadvice
PARA SA MGA UMASA AND UMAASA
CHAPTER 4
#PSMUAU
Author: @heytoali
BINABASA MO ANG
PARA SA MGA UMASA AT UMAASA
Teen FictionAlam ko kung gano kahirap umasa, dahil ako mismo sa sarili ko, naranasan na ito. Ito ay isang survival book na ako mismo ang gumawa, para kahit papano, ay matulungan kayong mag move on. Alam ko rin gaano kahirap mag let go at i surrender ang lahat k...