Thirteen

63 6 1
                                    

Minulat ko ang aking mga mata at sinubukang umupo sa kama, para lang mapapikit ulit ng maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. It's sunday. Sabado kasi naganap yung game nila troy dahil na rin sa magugulong mga profs. Then I heard someone knocked on the door.

"Pasok" tamad at nakapikit ko pa ring sabi.

Mula sa pinto ay narinig ko ang boses ni ate min "tori, buti naman at gising ka na. Bumaba ka na daw para kumain sabi ni kuya tristan mo."

Napamulat ako "Kuya tristan's here?"

"Oo. Umuwi sya ngayong umaga."

"Sige tell him na bababa na ko"

Dali dali akong tumayo sa aking kama at nagpunta sa banyo para maglinis pagkatapos ay nagpalit ako ng damit bago tuluyang bumaba. Naabutan ko si kuya tristan sa kusina na kumakain.

Tumingin sya sakin bago nilahad ang katapat na upuan "Sit."

Dali dali akong umupo sa harap nya at sumandok ng pagkain.

"Where's kuya troy?" Kuya kasi ayaw ni kuya tristan na troy lang. Paggalang churvalu daw yon.tss.

"He's not here. Nasa court ata at nagpa-practice."

I nod

"Past 11 na. Sobrang late ka na nagising. Anong oras ka na nakauwi kagabi?"

Napakagat ako sa aking mga labi.

"4 in the midnight i guess?"

Tumango si kuya tristan bago sumubo ulit ng pagkain. "Magkasabay ba kayong umuwi ni troy?"

"No. Kay lucas sya sumabay kay fix ako"

Pinagtaasan nya ko ng kilay "The 'someone?'"

"Issue"

He laugh. "Mukha naman syang mabait at disenteng tao"

"Mabait my face sama kaya ng ugali nung isang yon!"

Even though ngayon ay super caring niya na sa akin, ayaw ko lang magisip si kuya tristan na may something ni fix ngayon, lalo na at hindi niya naman ako gusto. Eto na naman yung pakiramdam ko. Nasasaktan ako.

"Uy. Babygirl jan nagsimula ang lolo't lola natin"

"i don't get you" naguguluhan kong sabi.

"Nevermind that." He laughed "sige na i better get going may pupuntahan pa kami ni cess. Dumaan lang ako to check you both ni troy" Lumapit siya sakin tapos kiniss-an nya ko sa cheeks.

"Pasabi kay ate cess daan sya dito minsan. I miss her"

"I will. Bye baby girl"

Umalis na si kuya troy. Tinapos ko lang ang pagkain ko bago bumalik ulit sa kwarto.

Umupo ako sa kama at pumikit. I was so wasted last night. Pilit kong inaalala yung nangyari kagabi. Yung paghatid sakin ni fix dito sa bahay.

Unti unting nanlaki ang mata ko at napatakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig ng marealize ko kung anong mga pinaggagawa at pinagsasasabi ko kay fix kagabi.

"Good lord! Ginawa ko ba talaga yon? Nakakahiya. Halos ipagduldulan ko na yung sarili ko kagabi kay fix. Shit!" Pinukpok ko ang ulo ko ng sarili kong mga kamay "ang tanga tanga mo tori! You even asked him why he can't court you? Really? Just really? Are you that desperate?!" I look so fucking stupid!! I know.

Ano na kayang iniisip ni fix tungkol sakin? Hindi ako mapakali I want to call him to explain kaya lang ay nahihiya ako. Kung magkunwari nalang kaya ako na wala akong naaalala? Masyado namang cliche kapag ganon. "Ang bobo mo talaga tori!" sisi ko padin sa sarili ko

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon