Five

73 6 2
                                    

"Troooy my loves shoot that ball! I-shoot mo na ang ball!!" Nakabibinging tili ni butch. Kasalukuyan kasi naming pinapanuod ang practice game nila. At si troy ang may hawak ng bola

Binato ni troy ang bola kay aldrin pagkatapos ay pumunta siya sa ilalim ng ring. Habang sinusundan pa din siya ng bantay niya. Sinubukang i-shoot ni aldrin ang bola kaya lang ay dumaplis. Kaya tumalon si troy para i-rebound ang bola... and shoot!

"Ferrer for 2 points" sabi ng Announcer kaya mas lalong napuno ng hiyawan ang buong gym. 4th quarter na at 64-59 na ang score in favor sa university namin syempre.

"Ang galing galing mo talaga troy!!! We kove youuuu!" Tili ng isang grupo ng mga babaeng estudyante. Na sa tingin ko ay HRM students base na rin sa lace ng suot nilang mga ID. Binigyan sila ni butch ng matalim na tingin kaya lang ay hindi naman nila napansin ito dahil busy pa din sila sa pagtili.

"Ano bang ginagawa ng mga yan dito? Ang alam ko may klase ang HRM pag ganitong oras!" Galit na sabi ni butch

"Cutting?" Si laine sabay tawa

"Hindi dapat nila inaaksaya ang mga perang pinangtu-tuition ng magulang nila para lang lumande! Mga hitad na babaeng ito!!" Butch

"Eh anong tawag sa ginagawa mo ngayon butch?" Maye

"Hindi ba paglandi yan?" Dagdag pa ni Jamie

"Oh shut up! Wala tayong klase at sila ay meron! Bat ba kasi ang daming nagkakagusto ka troy my loves! Ang hirap bakuran!"

"Easy!" Natatawa kong sabi

Nasa kalaban na ang bola. Dini-dribble ito ng isang lalaki na may apelyidong suarez ang suot na jersey. Si vy ang nagbabantay dito.

"Virgilio. Take that ball!" Sigaw ni jamie.

Sinubukang agawin ni vy ang bola habang dini-dribble kaya lang ay biglang tumalon ang lalaki. Fade away shot! Pasok sa ring ang bola 3 pts!

Nagpatuloy sa pagchicheer ang mga tao sa gym. Ganon din kami. Hanggang sa 2 minutes na lang ang natitirang oras 78-74 ang score lamang pa din kami. Kaya lang nasa kalaban ngayon ang bola. Sobrang seryoso naman ng mga players. Kahit na practice game pa lang naman ito.

Naishoot ng taga SCU ang bola 3 pts. Kaya 78-77 na ang score. Nakay troy na naman ang bola

"Shoot that ball for me troy!!" Pagkalakas lakas na sigaw ni diane kaya napatingin sa kanya ang ibang mga tao sa gym karamihan ay babae. Kasama na si butch don.

"I really hate that bitch!! She's such a whore! Nung isang buwan lang si kevin yung dinadate nya! Ngayon si troy naman?! Hindi yan maishu-shoot ni troy kung para sa kanya! Matatalo pa tayo!!" Nanggagalaiting sabi ni butch. At tama nga sya. Dumaplis. Naagaw ng kalaban. Kinakabahan na ko 28 seconds na lang!

Pero habang natakbo yung lalaking may hawak na bola ay sinalubong naman siya ni paolo. Naagaw yung bola!

"Yess!" Sigaw namin.

Ibinato ni paolo kay troy yung bola.

"Shoot that ball for butch kuyaaa!!!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko feeling ko natanggal yung lalamunan ko. Napatingin sakin ang grupo nila diane. And I don't care! Kapatid ako like duuhh!!

"Na shoot niyaaa!! Na shoot ni troy my lovess yung bola for meeee!! Thankyou toriiiii!!! I super love youuu!" Nagwawala na si butch dito sa bleachers sa sobrang tuwa.

"Of course. You are very much welcome" say ko habang natawa.

"Kinabahan ako don in fairness. Kala ko matatalo na tayo" laine

"Buti na lang naagaw ni paolo yung bola" jamie

"Exactly!" Sabay naming sambit ni maye

Nagsimula ng magsialisan ang mga tao sa gym. Si paolo, vy, at cole naman ay nasa baba pa din kasama ang ibang players. Habang si Troy ay kasalukuyang kausap ang captain ng basketball team na si kuya Jonathan.

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon