Ten

69 7 0
                                    

Hindi pa rin ako makapagisip ng maayos dahil sa nangyari kagabi. Sumasakit pa din ang ulo. Nagising na lang ako kanina na nasa bahay na ako at mahimbing na natutulog, mabuti na lang ay school festival ngayon kaya ayos lang na malate.

Ang tanging naaalala ko lang ay ang malambot niya labi sa akin. We kissed! Hindi ko inakala. At alam kong alam yon ng mga kaibigan ko dahil kanina pa nila ako kinukulit at sinasabihan na pakipot pa daw ako pero gusto ko naman. I can't blame them for that. Sa sobrang intense ba naman ng halikan namin ni fix kagabi ay walang maniniwala na hindi ko siya gusto.

"Earth to tori. Hello? Hello?" Butch

Napatingin ako sa tawag ni butch

"Kanina ka pa spaced out jan." Ani Jamie

Tiningnan ko siya pero hindi pa din ako nagsasalita.

"Siguro kasi dahil dun sa magandang nangyari sa kanila ni fix kagabi. Hihihi" laine

Nanlaki ang mata ko at natigil sa paglalakad. "Pede ba?" Tumungo ako

"Kunyari ka pa kasi gusto mo din naman pala. Don't worry I can feel that he also have the hots for you" Naka-grin na sabi ni laine

Tumungo ako. Ayoko ng pagusapan ang naging halikan namin ni fix kagabi. Dahil hindi ako komportableng pag-usapan yon. Mabuti na lang pala at wala si troy kagabi doon dahil iba ang pinuntahan nila, nila lucas. Kung hindi ay patay ako don.

Kinulit nila ako ng kinulit pero di ko sila pinapansin. Bakit ganito ang epekto ng halik sakin ni fix? I've kissed ace before pero di naman ako dumating sa puntong di na ko makapagisip ng maayos dahil sa kakaisip sa halik nya.

"Si fix!"

"Hi fix!"

Napaangat ako ng ulo ng narinig ang tilian ng mga babae at nakitang naglalakad si fix sa corridor ng university namin. Kasama nya si Kiel. What's their business here? Gumapang ang hiya sa aking sistema. Hindi pa ako handang makita siya ngayong araw pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Kaya mas lalo lang akong inasar nila butch dahil sa naging reaction ko.

Nakita niya ako kaya naglakad sya papunta samin, kasunod nya si kiel. Hindi mapuknat ang pagtitig niya. Na concious ako bigla sa itsura ko katatapos lang namin kumain at hindi pa ko nakakapagayos. Napailing ako. Siniko ako ni butch medyo napalakas ito kaya...

"Aww" kako at agad ding napatakip sa bibig ko. Bumaling ako kay butch at tinitigan sya ng matalim. Pero ang tingin ng bruha ay naka concentrate lang kay fix! Lecheng to!

"Hi fix. Anong ginagawa mo dito?" Pacute na tanong ni butch

Bumaling ang tingin niya kay butch. "Wala lang. Boring sa school so we decided to went here. Gusto namin i-try yung ibang booths dito." Aniya bago bumaling ulit ng tingin sa akin. Di ko siya tinitingnan

"Uhm try natin yung shooting booth? May free stufftoy don kapag nakapagshoot ka ng 50+ within 1 minute. Magbabayad ka nga lang ng 5o." Laine

Di niya pa rin inaalis ang tingin nya sakin. Sobrang naco-concious na ko!

"Sounds interesting. Wanna try it tori?" Ani fix

Nabigla ako "Ha? Ah...ano"

siniko ako ni jamie at bumulong "ano ba tori. Ano bang nangyayari sayo! Alam kong intense yung halikan nyo ni fix kagabi pero focus!" Aniya bago lihim na humagikgik.

"Ako yung nagsuggest pero ikaw yung inaya" nakalabing sabi ni laine sakin

"Is something the matter?" Tanong ni kiel

"Wala. Tara na?" Ani laine at nagsimula na kaming maglakad.

Sabay kaming naglalakad ni fix. At sobrang lapit nya sakin. Eto na naman yung pakiramdam na di ko dapat nararamdaman tuwing magkasama kame.

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon