Twenty Five

164 7 6
                                    

I sighed bago sinagot ang tawag niya. I need all the composure I can get.

Rinig ko ang malalim na pagbunot niya ng hininga, it was like he felt relieved or something. Hindi ako nagsalita. Hindi ko pa alam kung ano ba dapat ang sabihin sa kanya. Pinakikinggan ko lamang ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Victoria..." he finally managed to say.

Ingat na ingat siyang sabihin ang pangalan ko na para bang isa itong babasagin na magkamali lang siya ng sabi ay may pwedeng mangyari.

"Can we talk?" he asked

"This late? Pede bang bukas nalang?" I try hard to sound like nothing's wrong.

"Babe please?" He pleaded "I'm outside your house. I'll wait"

I didn't say anything. Bagkos ay pinatay ko ang tawag. Ganon ba siya ka-excited na makipagbreak sa akin, na pupuntahan niya pa ako ng ganitong dis-oras na nang madaling araw? Sumasakit ang puso ko. Marahas kong pinahid ang mga luhang bumabagsak.

Pumunta ako sa bintana para silipin siya. He was there leaning in the trunk of his car malayo ang tigin, mukhang may malalim na iniisip. I can't deny the fact that he's still and forever will be handsome, kahit sa anong anggulo o kalagayan.

I decided to go down. Malamang tulog na ang si ate min at kuya jet, mukhang ganon din si Troy. Hindi na ko nag-abalang ayusin pa ang sarili ko. What for right? I went down completely looking like a mess.

Napaayos siya ng tayo ng makita niya ko sa labas ng aming gate. I just stay there. Pinanatili kong blangko ang aking ekspresyon. Ayokong magwala, ayokong mag-iskandalo. Kung makikipagbreak man siya sa aking ngayon ay mukhang hindi ko pa yata kakayanin.

Dali dali siyang lumapit sa akin. I looked in his eyes, confusion, guilt, frustration, and sadness was written all over it. Mahigit limang minuto na kaming ganon. Nawawalan na ko ng gana, so I decided to took a deep breath. Ako na ang mauunang magsalita.

"You asked me if we could talk, ngayon nandito na ko sa harap mo. Talk." I said.

Hindi pa din siya gumalaw, nanatiling nakatutok ang mata niya sa akin.

"Fix, pede ba? Kung wala ka naman palang sasabihin umalis ka na? Pagod na ko. Pagod na pagod na. So could you please?" unti unti ng nawawala ang inipon kong lakas ng loob bago ako bumaba, I'm being so fragile once again.

"D-did you cry?" nag-aalinlangan niyang tanong.

I nod. Wala akong balak magsinungaling. Itatanggi ko pa ba eh halata na naman.

"Is it because of me?"

I nod once again.

Mas lalong lumaki ang guilt na namumutawi sa kanyang mga mata. I wasn't planning na konsensyahin siya. I just wanna be honest with my feelings.

Nagulat ako ng bigla niya kong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

Mas napuno ng galit ang dibdib ko. Ang lakas ng loob niyang puntahan ako at yakap yakapin na parang walang nangyari! Damn him! Pinagsasapak ko ang dibdib niya at pinilit na kumawala.

"Kung pinuntahan mo lang ako dahil libog ka, putangina! Maawa ka naman sakin please? Ang sakit kasi! Ang sakit sakit. Hindi mo alam kung ano yung pakiramdam na ginawa ka lang pangpalipas oras at parausan! Fix please? I'm not a fucking toy na kapag sawa ka na ay iiwan mo nalang at kapag gusto mo ng laruin ulit ay bigla mo nalang ulit pupulitin. Tao ako! I have feelings!" I was crying hysterically. I can't get a hold of my emotions anymore.

"Oh God babe, don't cry! Please? I'm sorry, I'm sorry!" Nagpapanic na sabi niya

Hindi ko siya sinagot nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Habang mas nagpupumiglas ako ay mas lalo niya lang akong yinayapos ng mahigpit. Fighting with him was futile, kaya nanahimik na lang ako at umiyak.

"You commented on Perry's album." He sighed.

"So? I only commented a heart emoji!"

"Victoria, I'm going to tell you something so please listen, please?"

I didn't say anything. Tinangka kong kumawala sa yakap niya kaya lang ay masyado siyang malakas.

"Perry was my girlfriend. I love her." Kala ko tanggap ko na pero mas masakit pa din pala kung sa kanya ko mismo maririnig yon. "The night I left Palawan was also the same night that Perry arrived from Australia. I can't think straight, knowing that Perry was finally back. After a long time of waiting, and talking to her through skype, she's back! Kaya dali dali akong bumalik ng Manila ng sinabi sa akin 'yon ni Hyde. Before she come back our relationship was already in the verge of falling apart, then you came into the picture."

He pull me and as he looked directly into my eyes. Natuyo na ang mga luha ko. Wala na kong maiiyak pa.

"You put the color back into my life. You made me happy. You made me fall again."

Nangangatog na ang tuhod ko kaya nagpasya akong maupo sa gutter sa harap ng aming bahay, tumabi siya sa akin. Nagpatuloy siya sa pagku-kwento pero diretso lang ang tingin ko sa kawalan. Hindi ko siya sinulyapad kahit isang beses manlang.

"Akala ko nakalimutan ko na si Perry 'cause you where already there, you gave me the time that she can never give, you gave me the love that she can never give, pero hindi pa din pala. The night she came, I was really planning to break up with her and told her that I already had a girlfriend and how much I love the girl. Pero I was left speechless when she came running back into my arms, crying, and telling how much she misses me."

I wanna tell him to stop kasi hindi ko na kaya, yung puso ko malapit ng mag-collapse. Hearing him telling me about him and Perry, was just so much for me handle.

"I was a fool for thinking na ganon ko kabilis ko lang siya nakalimutan." Sumulyap siya sa akin. "These past few days, I was only with her, dahil ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya. Ang sabi niya sakin this time babawi daw siya sa lahat ng pagkukulang niya. I must feel happy right? 'Cause finally masusuklian na din lahat ng ginawa kong effort! But I just can't!"

Lumapit siya sa akin at yinapos ako habang ang kanyang mga labi ay nasa aking ulo. Kissing it.

"Whenever I close my eyes, all I see is your beautiful face. I miss your smile, I miss your kiss, I miss your touch, I miss your smell. God! I miss everything about you. I miss you so damn much babe! I love you so much. I really do. I am fucking smitten." Tumawa siya ng sarcastic. "Pathetic right? I love Perry, but I also love you."

I decided to look at him at nagulat ako ng makita na naiyak siya. Fix is crying! That's the end of me, hindi ko na kaya. I miss this man so damn much! I love him so damn much. I cried. How I missed to be in his arms. Pede bang wala munang Perry? Pede bang ako muna at Fix? Kahit ilang oras lang. Gusto lang maging katulad kami ng dati.

"I know it's really selfish of me to ask, but please babe. Don't leave me. Don't fucking leave me." Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Afraid that I might get away.

This is when I realized na kahit na maging kabit ako, kahit na maging secret affair ako, kahit ginawa lang niya akong libangan ay ko mahal na mahal ko pa din siya. I just can't let him go. I swallowed my pride.

"Fix kung pumunta ka dito para makipag-break sakin wag muna please? Hindi ko pa kaya. Don't worry I won't bug you. Just please let me think in my own little world na tayo pa din. Na mahal mo naman talaga ako at hindi lang pinaglaruan. Don't worry when the time comes na kaya ko na, ako na mismo ang makikipagbreak sa'yo. Just not now please?" Dire-diretso kong sinabi kahit na nagbabara ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak.

"No. No. No... babe, I love you, really. It's just that Perry. I just can't let go of her easily."

Everytime he mentions the name Perry, hindi ko mapigilan masaktan. Akala ko ako na yung bida sa sarili kong lovestory, pero hindi pa din pala. Extra lang pala ako. Ok lang Fix. Ayos lang sakin na maging pangalawa basta ang mahalaga nandiyan ka.

Akala ko ayaw ko talaga sa mga bagay na komplikado. Pero ano itong pinasok ko? Pumayag akong maging secret affair kung saan dito sa ating mundong tinitirhan ay isang malaking kasalanan. Kasi kahit san anggulo mo naman talaga tingnan ay mali, maling mali.

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon