Nineteen

47 5 3
                                    

"Uy isod! Ano ba ang sikip." Kahit na malaki itong van ay mukha tangang nagpupumilit pumasok si laine dahil na rin sa kulit nila vy.

"Tangina cole! Umayos ka nga!" Ani paolo.

"Anong ako? Itong si vincent ang payusin mo. Nakahiga pa! Langyang to. Porket van nila to! Umayos ka pre!"

Kasalukuyan kasing nakahiga si vincent samantalang si cole naman ay nakataas ang dalawang paa. Kaya pano ba namang hindi sisikip? Papunta na kami sa gimik repablik na sinasabi ni vy kanina.

"Eto na aayos na! Langya naman kasi tong si virgilio kala mo'y nakainom ng isang daang cobra sa dami ng energy! Di manlang kami pinagpahinga. Inubos lakas ko! Putek." Reklamo ni vincent.

Tumawa si Jd. "Anong lakas mo ang inubos pre?" Aniya.

"King-iina nyo oy! Ako pa pala? Ikaw tong naninilip sakin kanina habang naliligo ako vincent. Ang tagal na nating magkaibigan pero hindi ko nalaman na bakla ka pala. Sana inamin mo nalang tatanggapin ka naman namin katulad ni butch."

"Wag nyo kong idamay jan." anang nananahimik sa si butch.

Hanggang sa makarating kami sa gimik repablik ay hindi pa din sila matigil sa pagtatalo tungkol sa pagiging bading ni vincent. Na ikinatawa na lang ng driver namin. Kasabay kong naglalakad sila laine, jamie, butch, hogan at maye papasok sa gimik repablik. Para din pala itong night life square.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at nakita ang mga pagsulyap ng tao habang naglalakad kami. Siguro dahil mga bago kami sa mata? Ipinagkibit ko nalang ito ng mga balikat. Maganda din dito. Sa isang side ay puro mga restaurant habang sa kabila naman ay puro mga bar. Pinapaligiran ng mga ito ang isang ground na na may malaking fountain sa gitna na mukhang ginagamit pag may mga events.

Pumasok kami sa side grill, dahil kakain daw muna kami bago magpakasaya. Ng makaupo kami ay nagsimula na namang maghanap ng babae ang mga kasama ko. Umupo kami at umorder.

"Ano? Pustahan ha! 5000 bucks. Pumayag na si Jd, beer pong mamaya. Kapag nakapag shoot yung other team, the other team will strip" Ngumiti ng mala-demonyo si vy. "Then kapag hindi naman nagshoot yung bola, hahanap ng babae sa audience yung kalabang team bago ibo-body shot nung team na hindi nakapag shoot."

Nanlaki ang mga mata ko dahil dito. Pumayag si Jd sa pustahan nilang ito? Wag mong sabihin na ang kaisa-isang matinong lalaki na kaibigan ko ay nahawa na sa pagiging balasubas nila cole? Ganon ba sobrang nakakahawa ang pagiging balasubas nila? Oo hindi naman ganon kalala ang gagawin nila kaya lang ay wholesome ang isang to at hindi basta basta naghuhubad sa isang lugar. Lalo na sa bar!

"Ano ba naman guys, we're not from here. Ano ba yang ginagawa nyo?" Sabi ko

"That's the point tori hindi tayo taga dito kaya ok lang kung magkalat tayo kasi hindi nila tayo kilala kaya walang manchichisimis." Cole.

"So bale sinong magkaka-group?" Tanong ni pao.

"Me, vy and Jd. Tapos ikaw pao, cole. And tsaka..." Hindi na natuloy ni vincent dahil kulang ng isa. Hindi nila maaya si butch dahil paniguradong hindi ito papayag maghubad lalo na sa harap ng mga babae at may body shot pa!

Tumingin sila kay hogan na busy sa pakikilandian kay maye. Napansin ata ni hogan ang paninitig sa kanya kaya napabaling ang tingin niya kila vy.

"What?" Tanong nito

"Pre, maglalaro kasi kami ng beer pong. Sali ka? Kulang kasi kami ng isa." Ani cole

Nagaalangang tumingin si hogan kay maye. "Can I?" Tanong nito.

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon