Three

112 7 2
                                    

Kasalukuyang sumasayaw si Zara at ang kanyang pinsan na si Dale. Pareho silang nagtatawanan at mukhang may pinaguusapan. Tapos ng isayaw nila JD, Cole, Vincent at Paolo si Zara. Si Vy na lang ang hindi pa

"Now may I call on Mr. Virgilio Fernandez" tawag ng MC kay Vy

Tumayo na siya at lumapit kay Zara nasa bibig niya pa ang rose. Ang lakas talaga ng trip ng lalaking ito. Natatawa na kinuha ni Zara yung rose sa bibig ni Vy gamit ang kamay niya. Pero umiling ang huli, parang may ibang gusto. May ibinulong pa ito kay Zara dahilan kung bakit mas natawa ito. Lumapit si Zara kay Vy at kinuha ang rose gamit ang bibig niya! Pero di naman sila nagkiss kasi sa kabilang part kinagat ni Zara yung rose

Habang nagsasayaw sila ay walang ginawa si Zara kundi ang tumawa ng tumawa. Ano kayang sinasabi nitong kulugong to sa kaibigan namin? Ilang sandali pa ay natapos na nag turn ni Vy tinawag na yung kasunod.

"Now my I call on Mr. Rustom Ignacio? It's your turn to dance our debutante"

Tumingin ako sa mga tao para tingnan kung sino si Rustom. Pero walang tumatayo sa kanila

"Again may I call Mr. Rustom Ignacio?" Ulit ng MC

Pero wala pa ding natayo. Maya maya may nakita akong lalaki na papunta sa MC. Sa pagkakatanda ko isa ito sa kaklase ni Zara nung highschool, isa din siya sa mga kasali sa 18 candles. May ibinulong ito sa MC. At tumango naman ang MC sa sinabi nito

"Sad to say pero wala si Mr. Rustom Ignacio. Pero may pinadala naman siyang sub. so please may I call Mr. Fidel Xia's presence here on the pavillion?"

At mula sa isang sulok ay tumayo ang isang matangkad at napaka gwapong lalaki. This time sigurado na kong nalaglag na talaga ang panga ko! That asshole! Narinig kong nagsinghapan ang mga tao. Pati si sila Butch ay ganon din. Si Zara ay nanlalaki ang mata.

"OMG si Fix!! He's here pala!!"

"Ang swerte ni Zara!"

"God! He's so hot!"

Kumento ng mga tao sa paligid. So Fix is the name huh?

He's walking swiftly papunta kay Zara. Kung makapaglakad siya ay para siyang naglalakad sa mga ulap. Oh God! I didn't expect him to be this handsome. Oo gwapo ang mga lalaking nakapaligid sakin, kasama na si Butch doon. Pero ang lalaking ito? Iba talaga yung dating niya. Para bang pag titingnan ka niya manlalambot na lang yung mga tuhod mo. Pag nakita mo siya parang doon mo mararanasan nag love at first sight. I can't believe this! Why does this man has to be this perfect?

"It's him" bigla ko nalang naibulalas habang nakatitig pa din ako sa kanya

"Huh? Who's him?" dreamily'ng tanong ni Butch

"That guy is a greek god! Anak siya ni Zeus for sure! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang ka-gwapong lalaki!" si Laine na halatang halata sa mata ang paghanga

"It's him guys." tumingin ako sa kanila "Sya yung tinatawag niyong 'Mr. hottie'" lahat sila ay nabaling ang atensyon sakin na nanlalaki ang mga mata at mukhang hindi makapaniwala

"For real?!" Jamie

"OMG! Hindi lang pala siya hottie sobra pa!" Laine

"You bet! Ang swerte ni tori kasi nakausap niya siya!" Butch

"Hindi din. Siya ang may pinaka-nakakainis na ugaling lalaki na kakilala ko"

"Sus. Hindi lang siya nagsorry. Hayaan mo na." Jamie

"Kung ganyan ba naman kagwapong lalaki ang makakasakit sakin ok lang. ok na ok lang" ani Maye sabay tawa

"Tss." saad ko ng napapailing

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon