One

255 12 2
                                    

Nesconset Newyork

Niyapos ko ang aking katawan dahil sa lamig ng panahon. Winter. Nakasuot ako ng Puffer Jacket at scarf. Kahit na tatlong taon na ko dito sa Newyork hindi pa din ako masanay sa lamig ng klima dito tuwing winter na. Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga benches dito sa park kung saan ako naroroon ngayon. I heave out a heavy sigh.

"Mama" tawag ng isang cute na cute na boses sakin. Napatingin ako kay Jigger na Busy sa pagkain ng isang malaking lollipop sa aking tabi. I smiled

"What is it baby?" malambing kong tanong

"I'm cold. Me want to go home already" childish nyang sabi

"Ok. We'll go home. I don't want my cute baby to get sick." tumayo ako at sinimulan syang kargahin. Pagkakarga ko sa kanya ay bigla nya kong hinalikan sa pisnge pagkatapos ay ngumiti. Lumabas tuloy ang kanyang dimples.

Those dimples. Magkamukhang magkamukha talaga sila. Nagsimula na naman bumalik sakin ang mga alaala na matagal ko ng gustong kalimutan...

"Victoria Bethany Ferrer?!" Napangiwi ako ng narinig ko ang aking buong pangalan

"Ugh. Yes?"

"Where the fuck are you?!" Bahagya kong inilayo ang cellphone mula sa aking tenga dahil sa lakas ng pagsigaw ni butch mula sa kabilang linya. "Kanina ka pa namin inaantay!" rinig ko ang mga masisiglang tugtog sa background. So the party is really starting huh.

"Sorry. Sorry. I'm on my way na. Shit kasi si kuya tristan at troy eh."

"Ano naman ang kinalaman ng dalawang boyfriends ko sa pagiging late mo?!" pagtataray nya pa din

"Ugh. You know how protective they are. Katakot takot na pagpapaalam ang ginawa ko para payagan akong jan magovernight!"

My brothers are so protective. Dapat before 8 or 9 PM nasa bahay na ko. Takot silang may mangyaring di maganda sakin. Solong babae kasi ako bunso pa. Lalo na si Troy. Palibhasa kasi super babaero natatakot atang sakin mapunta yung karma nya.

Our parents are seperated pero they are in good terms naman. Sabi nila mas ok daw sila as friends. Pareho silang nasa ibang bansa para matrabaho, kaya ang kasama ko sa bahay bukod sa dalawa kong kuya ay si ate min our housemaid and kuya jet our driver slash homeboy.

"Whatever! Hurry please? It's Zara's 18th birthday for petes' sake! Tapos wala ka pa? Mags-start na yung program. Kasali ka sa 18th candles diba?"

"Yeah... yeah I know. Nandito na ko sa may corpuz malapit na. And stop freakin' out will you?" sabi ko sa kanya mukha kasing tanga na nagpa-panic. Eh mukha namang aabot pa naman ako bago mag-start yung pinakang program para sa debut ni Zara.

"Oh whatever!" kahit hindi ko nakikita ay batid kong umiikot ang kanyang mga eyeballs dahil sa pag-irap. "See you when you get here. Bye loveyou."

"Bilisan mo Tori! There's a lot of hotties here! I've been eyeing them for like an hour now!" rinig ko pa ang halakhak ni laine sa kabilang linya bago tuluyang binaba ni butch ang tawag. Napailing na lang ako

Napatingin ako sa suot kong cut off short at see through floral top. Sa loob nito ay ang aking red bikini. Sa Monte Parco kasi gaganapin yung party ni Zara which is actually a pool party so kailangan ko ng pang swimming syempre.

"Kuya Jet dito na lang po." sabi ko ng nakita ko na ung malaking crest ng monte parco sa taas. Bukas ang pintuan ng kotse at akmang lalabas na ng tawagin ako ni kuya jet

"Tori, anong oras kita kakaunin?" tanong niya

"Baka dito ako matulog eh. Pero tetext kita kuya jet kung sakaling naisipan kong umuwi" sabi ko at tumango naman siya

The Other GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon