Chapter 14

14 1 0
                                        

Kylie POV

Grrr.. Nakakainis kang lalaki ka. Pinagsusuntok ko ang mga libro dito sa library. Pagkatapos ng halik scene namin kanina ay kumaripas na ako ng takbo. Hindi ko matanggap na naisahan ako ni Travis, hindi pwede to ang first kiss ko bakit sya pa? Nagtaksil na naman ako kay Zac mylabz nito ehh.!!

"I hate you.!! I hate you nakakainis ka bwesit.!" paulit ulit ko. " Anong karapatan mong halikan ako? Bwesit ka talaga.!"

Pero bakit tuwing mag fla-flash sa isip ko ang kiss na yun ay parang may kuryenteng dumaloy sa dugo ko? No,no dahil lang yun sa inis ko kaya parang may kuryente akong naramdaman. Gusto ko syang gantihan. Pero pano?  Lage nalang akong dehado dahil aaminin ko matalas din ang dila nya. Dapat matigil na to, sabi ko na nga ba walang magandang maidulot itong pustahan na ito ehh. Anong gagawin ko? Ititigil ko na itong pustahan? Yes tama titigil na ako kasi narealize ko na imposible akong manalo sa larong ito. Palpak ang mga plano ko.

Napag desisyonan kong lumabas ng library dahil baka pagalitan ako ng librarian dahil sa ingay ko. Bumaba ako sa 1st floor para sana pupunta sa canteen ng mahawi ang mga estudyante sa corridor. Nakita kong dumaan si Sarrah as usual princess ehhh. Halos lahat ng estudyanteng madaanan nya ay napapatingin sa kanya. She was wearing a Dolce and Gabbana dress, a pair of prada shoes and a Louis Vuitton bag. Araw araw ay para itong rarampa sa entablado. But boys did not care about her fashion dahil mas interesado sila sa mukha at figure nito.

Agad ngumiti ito ng makita sya nito.

"Kylie i miss you..!" masayang sigaw nya sa akin at agad akong niyakap

"Oa mo tagala Sarrah, magkasama pa nga tayo sa office ni Erica kanina ehh"

"Ano ngayon, its been 4 hours na kaya"

"Haha baliw, tara sa canteen gutom na me ehh"

"Ano? Gutom ka na naman? Kakakain lang natin ahh?"

"Ehh sa nagutom ako"

Nauna na akong lumakad kay Sarrah pakialam ba sa gutom nga ako. Sumunod naman sya sa akin.

"Nasan ba yung iba?"

"Nandun pa rin sa office, umalis ako kasi na bobore ako dun, umalis rin naman si Tricia. Pagka alis mo kanina,"

"San naman kaya nag punta yun?"

"Malay ko"

"Ikaw may bibilhin ka?" tanong ko kay Sarrah

"Wala"

"Okay ikaw bahala" humarap na ako sa cashier at nag order ng makakain tuna sandwich at pineapple juice.

"Takaw mo talaga"

"Matakaw agad? Gutom nga ako"

"Oo na, wag kang mag strong dyan hahaha"

Kita mo tong babaeng toh, baliw rin ehh.

"San na tayo ngayon?"

"Edi gumala, wala namang pasok at school fair naman ngayon."

"Sige, yayain natin sila malling tayo"

"Ayyy, cge type ko yan"

"I know right?"

Sabay kaming naglakad papuntang office ulit ni Erica para yayain silang mag mall, hapon na rin kasi at nag siuwian na ang ibang mga estudyante.

"Girls nakita nyo ba Travis kiss Kylie..!!" nanlaki ang mata ko sa narinig

"At ito pa, pinakilala na daw ni Travis si Kylie sa kapatid nya bilang girlfriend"

"Talaga?"

"Kailan daw?"

"Hindi ko alam ehh, pero na rinig lang namin yun sa marriage booth"

"Aw nakakainggit naman, taken na si Snob prince"

Dahan dahan akong tumingin kay Sarrah na nakataas ang kilay at nakatingin sa akin.

Oh,no lagot na..!! 

Agad nya akong hinila sa likod ng lumang school building, naku ang tsismis talaga.

"Ano totoo ba na kayo na ni Travis? Kylie?"

Napatingin ako kay Sarrah, masama ang tingin nya sa akin. Mukhang hindi nya nagustuhan ang balitang kumalat. Halata kasi na hindi nya gusto si Travis.

"Hindi totoo na kami ni Travis maniwala ka. At tsaka remember the bet?"

"Pero hindi ko pa rin gusto na ang akala ng buong campus ay kayo na, dba dapat walang makakaalam?"

"Alam naman natin na hindi totoo yun, at tsaka walang nakakaalam.sa pustahan."

"Okay fine, but next time be careful alam mo na baka mapahamak tayo dahil dyan"

"Yes Maam!!"

"Tara na at medyo madilim na pala, hindi nalang muna tayo tutuloy sa lakad natin"

"Okay lang, gusto ko na ring magpahinga nakakapagod ang araw na ito ehh,"

Naglakad na kami papunta sa ground kung saan pwdeng dumaan papunta sa parking.

"Ahh, Sarrah, pakisabi nalang sa kanila na mauna na ako ahh? Sige salamat bye"

"Okay sige, ingat rin"

Mabilis ang naging pagkilos ko dahil nakita ko si Travis na paalis na rin. Dahan dahan akong pumasok sa likod ng sasakyan nya at nagtago dun, iniyuko ko ang ulo ko ng maramdaman ko na binuhay na nya yung makina. Gusto ko kasing malaman ang bahay nya at baka may makita akong mga relatives nya nakagaya nyang weird din. At kung bakit ganun ang ugali nito. Alam ko na tumatakbo na yung sasakyan dahil syempre maramdaman mo naman yun. Napahawak ako sa back set ng bigla nalang syang mag preno, bwesit mabangasan pa ako nito eh.

Sumilip ako sa likod para tingnan kung nasaan kami. Muli kong niyuko ang ulo ko ng lumabas ito mula sa sasakyan at naglakad papunta dun sa pangpang at umupo.

Anong lugar to? At anong ginagawa nya dito? Baka mag senti? Wasak ang puso? Lalo akong nag taka ng humiga ito sa mga bato at tumitig sa madilim ng langit. Kumikibot ang labi nito na akala mo ay may kinakausap. May sayad siguro itong si Travis.

Gusto kong marinig kung ano man ang sinasabi nya, pero kung lalapit ako sigurado akong magagalit ito at sasabihan na sinusundan ko sya. Magwawala at dahil sa bwesit nya sa akin ay bigla nalang syang tatalon sa pangpang, ay teka hindi pagnagkataon naging criminal pa ako. Umiling iling ako para maalis yung mga masamang iniisip ko. Muli ko syang pinagmamasdan at habang tumatagal ay lalo akong na cha.challenge na alamin kung bakit ganyan ang aura at ugali nya.

Snob Prince and the Gucci ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon