Chapter 10

15 1 0
                                    

Tricia POV

Inihipan ko ang bolang hawak hawak ko ngayon para sa free throw na gagawin ko. Hindi man lang naka score ang kalaban kong si Jade. Naghiyawan ang mga kaibigan ko sila Sarrah at Jessica. Nakangising inilahad ni Jessica ang palad para sa premyo.

"Hoy you,!! Mawalang galang na pero kailangan ko ng kunin yung premyo"

Tumitig si Jade sa kanya.

"Hindi pa tapos ang laban.!"

" Anong hindi pa tapos..?? San banda buh?? Wala ka ngang score ehh..hanggang 50 points lang ang usapan ehhh 49 points na si Tricia" pangangatwiran ni Sarrah

"Hindi ako pwedeng matalo,, sasablay pa rin yan.!!"

I smirked, bakit ba ayaw tanggapin.? Sabagay the truth hurts. Sabi nga nila tomboy ako pero alam ko na babae ako boyish nga lang hindi ordinaryong babae kasi astig ako hahaha. Pinusisyon ko yung bola para sa pag shoot nag bilang ako ng tatlo at hola..!! Shoot..!!! Naghiyawan sila Sarrah at Jessica napangisi ako ng makita ko ang itsura ni Jade panu ba yan talo ka hahaha.

" Congatz Trish... Galing mo talaga"

" Ako pa hahaha"

" Di ka rin mayabang ano?"

" Honest lang kaw naman hahaha"

Napatigil ako sa pagtawa ko ng may tumitili.

"Hi girls" nakangiting bati ni Jason Dwayne sa mga estudyanteng babae pagkatapos nyang i-park ang sasakyan sa parking area.

"Hi jason!!" malambing na bati rin ng malalanding babaita.

Jason Dwayne was a self confessed heartthrob bunos pa ang pagiging team captain sa basketball. Alam kong hindi lang pisikal na anyo ang nagustuhan ng mga babae dito kasi he has a cool personality hindi kagaya ni Travis McKinley na suplado.

"Bakit kayo nandito hinintay nyo ba ang pagdating ko?" biro nito sa mga babae

Napataas ang kilay naming tatlo. Sarrah rolled her eyes.

Naghagikgikan naman ang mga babae sabay hampas sa dibdib ni Jason

"Hey be careful sa paghampas medyo sariwa pa ang mga kiss mark na pinaligo nyo sa akin sa party"

Muling nagtawanan ang mga ito.

"Youre so funnu talaga" tili ng isang babae na akala mo ay kiniliti sa kilig

"Group hug before i go..?" alok nya sa mga ito.

Nagunahan naman ang mga babae sa pagyakap sa kanya.

Tsk. What a pervert..!! Akala mo isang modelo. Oo nga at gwapo ito at maganda ang katawan, mayaman pero ubod naman ng manyak ng sumabog ata ng kayabangan ay sinalo nya lahat.

"Hoy ok ka lang dyan?" tanong ni Jessica

"Tara na nga parang papatayin mo na kasi si Jason sa tingin ehh" hila ni Sarrah sa akin.

Kinagatan ko ang pizza na hawak hawak ko. Iniharap ko ito sa akin at kinagatan ng malaki.

"Yuck.!!" maarteng tili ni Sarrah." Dont you have manners at all Tricia?"

" Shut up.!!" tinitigan ko sya. " Just eat your snack.!!"

Tumawa lang si Jessica at Diane

"Badtrip ka pa rin kay Jason..? Akala ko ba si Travis ang target mo?"

"No comment"

"Sus baka may gusto ka dun kaya ganyan ka makareact?" panunukso ni Diane

"Ano?? Ako?? Wow huh..??"

"Baka lang kamo na gusto mo ikaw lang ang gagawa ng kiss mark kay Jason" si Jessica

Nagtawanan ang tatlo. Buti at wala dito si Kylie nku ewan ko lang.

"Sapak baka gusto nyo?" inis kong tanong

"Hahaha pikon mo..!!"

" Kumain na nga lang kayo. Kakain na nga lang ng libre mag iingay pa"

"Hala..!! Tahimik na at nagalit na si Hitler..!"

Tinitigan ko nalang sila ng masama at hindi na pinansin ang sinasabi nila kasi pag pinatulan mo ba siguradong hahaba pa ang usapan.

*****

Pagkatapos ng klase ay agad akong pumunta sa gymnasium kung saan nag pra.practice ang mga varsity players kailangan kong makausap si Jason ang team captain ng basketball. Tsk kung di ko lang sya kailangan naku di talaga ako lalapit sa kanya. Kailangan ko syang kausapin para makasali sa basketball kahit trainee lang my ibubuga naman ako dba?? Nakita ko si Jason na naka upo sa bleacher kompleto ang mga players ngayon kaya nandito rin si snob prince Travis. Kung di lang bastos at mayabang itong si Jason siguro hahanga ako sa kanya ehh, mayabang na nga bastos pa san ka pa..?? Napatingin ako kay Travis dapat maging kaibigan ko sya at patawanin. Marami na akong naririnig tungkol sa pamamahiya nya sa babae at kailangan ng putulin ang sungay nito. At ako ang gagawa nun. Wala akong pakialam sa pustahan basta ang sa akin lang hindi ako maging talunan.
Kapagnakapasok ako bilang trainee mapapalapit na ako kay Travis at makakausap ko na sya. Tumayo si Jason mula sa pagkakaupo nito kaya may pagkakataon akong lapitan sya pinulot ko ang bola at nag shoot. Naramdaman ko na napatingin sya sa akin kaya nilingon ko sya nakakunot noo sya pero si Travis ayon parang walang nangyari.

"Nice shoot!" sigaw ni Zac katabi nya si Travis

Ngumiti ako kay Zac at ibinalik ulit ang tingin kay Jason. Nilapitan ko ito at binati.

"Hi"

Ngumiti naman ito pero pilit.

" Can we talk?"

"Do i know you?"

I smirk

"Im Tricia Leigh. Now kilala mo na ako pwede na ba kitang makausap?"

"No"

Mas lalo akong nainis sa kanya.
Relax lang Tricia kailangan mo sya

"Bakit hindi kita pwdeng makausap?"

"Im busy nakikita mo ba?"
Nag dunk ito.

"Pero di pa kayo nagsisimula"

"So? If i dont want to talk, i dont so will you excuse me and get off the court"

Parang umuusok ang ilong at tainga ko sa galit at inis wala pang nakapahiya sa akin ahh,, damn you Jason Dwayne.!! Hindi ako papayag na ganito nalang hindi pwede..!!

Snob Prince and the Gucci ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon