Chapter 2

35 1 0
                                    

"Hi gurls"

Bati ko sa mga babaeng estudyante sa loob ng gymnasium. May audition kasing magaganap mamaya at sasali ako,umupo ako sa bleacher ayaw ko naman sanang mag audition para maging cheerleader.Mas gusto ko pang mag window shopping kesa makipagplastican sa mga tao rito. Naka pony tail ang mahaba kong buhok im wearing a yellow sleeveless tee with a huge number 1 on the front and a white cheerleading skirt with matching yellow and white leg warmers. Yung pompoms ko kulay white ako ang magiging fashionista sa cheer squad. Nag cross legs ako at nangalumbaba. Wala akong balak na sumirko at mag tumbling don nakakawala ng poise. Marunong akong mag sayaw at kumanta pero hindi pang cheerleading ang talent ko noh, i sigh inilabas ko ang cellphone ko sa yellow handbag ko itinapat ko ito sa bibig ko at nah simula ng mag record.

"God i cant believe i have to do this just for that gucci shoes"

Pagkatapos kung mag record ay ibinalik ko na ito sa bag pero tumunog ito, kinuha ko ulit para tingnan kung sino Si Sarrah pala nag.ayang mag shopping like duh, para naman akong may pera kagaya nyang rich kid pero sa bagay we always hanged out because we both love to shopping, pero kapag nasa mall na kami ay sya lang yung may binibili. Isinasama nya rin ako sa mga mamahaling restaurant at binibilhan ng branded items na napipilitan akong tanggapin kasi makulit sya. Sarrah was a walking Louis Vuitton. Seductive ang ganda, no wonder guys fall for her.


Si Tricia naman kasi napakapakialamera. Ito ang nakaisip sa kalukohang ito, kaya ako napasok sa ganitong sitwasyon, ang misyon namin ay paamuhin at alamin ang misteryosong si Travis McKinley. Girls worst nightmare yan ang bansag sa kanya kasi napaka suplado at woman hater daw ito. Kaya ayon nakaisip ng kalikohan si Tricia tsk. Isang hapon kasi ay nagsamasama kaming magkakaibigan at napag usapan namin ang mga crushes namin nagulat nalang kami ng aminin ni Erica na crush nya si Travis.

Snob Prince and the Gucci ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon