Chapter 7

32 1 0
                                    

Kylie PoV
PAgkatapos ng sagutan namin ni Tricia ay pumunta agad ako sa canteen para bumili ng snacks nagugutom na talaga ako ang hirap kaya umacting noh. Pagkatapos kung bumili ay umalis na ako sa lugar na yon. Nakita ko si Zachary or kilalang Zac kaya nag iba rin ako ng daan para makasalubong ko ito. Nang tumingin ito sa akin ay ngumiti rin ako sa kanya.

"Hey Kylie looking good huh?"
Komento nito bago lumagpas sa akin
Hindi ako makakilos hanggang sa makalagpas na ito. Kung may nai stroke ng dahil sa kilig ay ako na siguro yun. He said im looking good..!! Ahhh heaven..!!  Sa halip na umuwi ay dumiretso ako sa likuran ng gym kung saan walang tao. Doon ko pinakawalan ang kilig ko.
"Kinikilig ako itong epekto mo kulang nalang tumakbo ako sa banyo..!!" kanta ko sa team song ng diary ng panget..
"wooohh,, kilig to the bones..!!ohh Zac, my Zac. Sa wakas napansin mo rin ang kagandahan ko. Naramdaman kung tayo ang meant to be. Ikaw ang aking soul mate.." sumandal ako sa pader at huminga ng malalim. " Alam kong malapit ka ng mapasaakin. Malapit ko ng maramdaman ang mga bisig mo na nakayakap sa akin, ang mga labi mong napaka kissable..!!" tumili ulit ako at pinaghahampas ang pader.
" Ikaw ang gusto kong makasama forever and ever amen..!!"
Hinawakan ko ang dibdib ko
"Gagawin ko ang lahat para maging akin ka Zac. Pero pano ko gagawin yun. Aakitin ko sya? No.!! Magpapa cute muna ako saka ko na ise-seduce si Zac.."

Napatigil ako ng may imahe akong nakita. Lumapit ako at nanlaki ang mata ko ng si Travis ang nandun. Nakaupo ito sa kahoy na mesa at masama ang tingin sa akin. Mukhanh kababangon lang nya mula sa pagkakahiga. Nang maalala ang mga pinaggagawa ko kay Travis ay bigla akong nakaramdam ng hiya.
Narinig nito ang pinagsasabi ko. Tiningnan ko ulit sya pero parang wala syang pakialam.

" If you dont mind i want silence, hindi pa ako nakaka move on sa pinaggagawa mo sa akin" wika nito sa malamig na tono pagkatapos ay muling humiga at pinatong ang dalawang braso sa ulo.

Umalis nalang ako roon at hindi na nakipagsagutan pa sa kanya speechless talaga ako kanina.. Gosh nakakahiya pagkatapos ng ginawa ko sa kanya waaahhhh.. Im dead..!!!

KINABUKASAN

Tahimik akong kumakain ng spagetti sa canteen habang lihim na nagmamasid kay Travis nasa isang sulok at mag isang kumakain ng sandwich.
Dalawang araw ko nang palihim na sinusundan ito at inoobserbahan pero wala pa rin akong makuhang impormasyon kung bakit ganyan ang ugali nya.

Noong isang araw ay pumunta ako sa room nya at hinintay syang lumabas ng klasroom. As usual mag isa pa rin itong lumabas. Habang naglalakad sa corridor ay may lumapit na dalawang babae at inimbitahan sya sa isang party pero ni reject ny ang imbitasyon he walked away with a poker face. Napaupo ako ng tuwid nang dumaan si Travis sa likod ko. Alam kung hindi nya ako napansin dahil kung napansin nya ako siguradong uusok na naman ang ilong nun.
Sinundan ko ulit sya ng palihim.
Hindi na ulit ako nangulit sa kanya gaya nga ng sabi ni Tricia wag magpahalata.. Tsk hanggang ngayon na saakin pa rin yung susi ng kotse nya.

Nang nagdaang araw ay niyaya itong mag basketball nila Jason at Zachary. Natuwa ako kasi makikita ko na ulit si Zac.
Tinapik ni Zac si Travis sa balikat ngayon ko lang nalaman na mag kaklase pala sila ni Zac akala ko lang ay magkakasama lang sila sa team. Saglit na nag usap ang mga ito habang umiinom ng bottled water sa bench. Medyo naparanoid ako ng maalala kong narinig pala ni Travis yung tungkol kay Zac. Pero agad kung nakalimutan yun ng matuon ulit ang atensyon ko kay Travis. Maganda ang hugis ng mukha nito, he had a square jaws, Brusko ang dating nito. Deep set ang mga mata, matangos ang ilong at maganda ang hugis ng mga labi. Magaling kaya itong humalik? May itinatago kaya itong nobya? Baka pati girlfriend nito walang pakialam. Kapag nagkataon ay abnormal nga sya.
But infearnesa gwapo talaga sya. Sayang nga lang at may kakaibang ugali ito. Tama si Tricia napakarami talaga sigurong sekreto nito. At nakatagda akong alamin yun at plus na mapapatawa kita Travis.

Travis POV

Dumilat ako para tingnan kung sino na naman ang nang-iistorbo sa pagtulog ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko na naman ang baliw na babaeng ito. Kailan ba nya ako lalayuan.??

" Anong ginagawa mo rito? Mag iingay ka na naman ba?"

Ngumiti sya sa akin

"Infearness huh, may pakialam ka kung bakit nandito ako. Hindi katulad kahapon wakapels ka"

"Kung pumunta ka dito para mag ingay, bumalik kana sa pinanggalingan mo ohh di kaya bumalik ka mamaya give me a break, this place is already occupied as you can see"

"So one person at a time lang pala rito? May sense of humor ka rin pala noh? Akalain mo yun?"

"You can leave now" walang ganang pagtataboy ko sa kanya

Muli akong pumikit ngunit hindi sya umalis. Patuloy nya lang pinagmamasdan ang mukha ko. Muli akong dumilat at bakas na talaga sa mukha ko ang iritasyon.

"Aren't you going to leave yet?"

"Suplado mo talaga, kaya ako lumapit sayo kasi nakita ko kayo ni Zac na magkausap. Gusto ko lang sanang malaman kung sinabi mo sa kanya ang mga narinig mo noong makita mo ako rito at nag labas ng emosyon"

"Hindi" tamad kong sagot sa kanya

"Wee?"

"I dont see any reason why should i say that to him, hindi ako tsismoso"

"Hindi ako naniniwala sayo kasi ng magkasalubong ko si Jason kakaiba yung ngiti nya kaya malakas ang kutob ko na sinabi mo yun ang tungkol don"

Bumangon ako at tumitig sa kanya
" I didnt tell him anything about you and your crazy thing you did here at mismo sa akin kasi WALA akong pakialam" pinag diinan ko talaga ang wala.

"Crazy thing? In love lang ako noh..!! " depensa nya

"Whatever" umalis nalang ako sa kinaupuan ko at naglakad palayo sa kanya baka atakihin na  naman yun sa pagkabaliw nya.

"Wait..!! Aminin mo na kasi"

Hindi ko nalang sya pinansin at patuloy lang sa pag lalakad.

"Aaminin mo ba or hindi..?" pangungulit pa rin nya

Huminto ako sa paglalakad at himarap nya.. Fuck nakakainis na ang kakulitan nya. Hindi na nakakatuwa

"Look hindi ko ugali ang itsismis ang buhay ng ibang tao, lalo na ang narinig ko at nakita kong pinaggagawa mo sa likuran ng gym. Wala akong interes na ipagkalat iyon, i dont even care about what you said and did there. The only thing i was concerned about was your noise okay..!! At tsaka kung makabintang ka sa akin parang ako pa ang may atraso sau ahh, baka nakalimutan mo yung pinaggagawa mo sa akin nung nagdaang araw..??"

Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras at umalis na ako sa lugar na yon.

Snob Prince and the Gucci ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon