Chapter 15

5 0 0
                                    

Kylie POV

Ano ba yan kanina pa sya dyan ahh? Wala ba syang balak umuwi? Batong bato na ako dito at tsaka gutom na rin ako..

Krruuu krrruu

Napahawak ako sa tiyan ko. Ayos pati tiyan ko nagrereklamo na.

Tumingin ako sa wrist watch ko alas 8:00 na ng gabi tiyak hinahanap na ako sa amin dahil 6:00pm ang uwian namin. Tiningnan ko ulit si Travis napangiti ako ng makita ko na syang tumayo at naglakad papunta dito sa kotse hindi na ako nag.abalang mag tago dahil gusto ko na ring umuwi bahala na nga kung magalit sya. Umupo ako ng tuwid ng buksan na nya ang pinto. Inistart na nya ang makina nagulat sya pag tingin sa salaman dahil pag mumukha ko ang nakikita nya. Agad nag salubong ang kilay nya. Nag peace sign nalang ako dahil wala na akong lakas para magpaliwanag.

"What are you doing here in my car!?"

"Would you be kind to bring me home? Total nandito na ako sa kotse mo" hindi ko pinansin ang tanong nya.

"what.? Ano bang ginagawa mo dito at bakit nandito ka sa kotse ko? At tsaka out of way ang sa inyo sa pupuntahan ko mag taxi ka nalang"

Bwesit, wala talagang puso, gutom na ako at pagod tapos pasasakayin nya lang ako sa taxi?

Sino ba ang may kasalanan at sumakay sa kotse nya?

Kausap ko sa sarili ko.

Hala nababaliw na ako, gutom na talaga ako dahil kinakausap ko na sarili ko.

Kahit na para ihatid nya lang ako eh.

Inis kung pinindot ang record button now im back in game.

" Baka nakalimutan mo na your my husband now? Kaya obligasyon mo ako ngayon hindi pa mga tayo nag honeymoon"

Natigilan ako sa sinabi ko. Baliw ka talaga Kylie pinagsasabi mo huh?

"Wala akong pakialam"

"Cge na Travis pagod at gutom na ako"

Pakikiusap ko sa kanya.

"No!"

Ay bwesit talaga bahala ka nga.

"Basta pakihatid nalang ako sa shop," agad ko ng pinikit ang mata ko para hindi na sya maka react pa. Bahala ka sa buhay mo wala kang magagawa. Napahikab ako dahil sa ginawang pagpikit ko tsk inaantok na ako makatulog na nga lang.

Travis POV

Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito. Anong ginagawa nya sa loob ng kotse ko? Pano sya nakapasok? At talagang tinulugan ako?  Napailing ako ewan ko ba sa babaeng ito kung bakit lage nya akong nilalapitan at kinukulit sa mga walang kwentang bagay pero aaminin ko nasasanay na ako sa presensya nya at kadaldalan. Tinitigan ko sya habang natutulog mataas ang pilik mata nya maliit at matangos ang ilong makinis ang balat at mapulang labi. Iniling ko ang ulo ko sa iniisip ko. Agad akong nag drive at tinahak ang daan kung saan ako pupunta bahala sya kung hindi sya makakauwi.

Ng marating ko ang destinasyon ko ay lumabas ako sa kotse at pumunta sa likod para gisingin sya at talagang nakahiga na sa upuan burara. Niyugyug ko ang balikat nya.

"Hey wake up!"

Abat tulog mantika si liit. Niyugyug ko ulit yung balikat nya medyo nilakasan ko ng konti para magising talaga sya.

Nagmulat sya ng mata at kinusutkusot ito. Cute

Teka anong sabi ko? Cute?

Erase hindi sya cute mukha syang ipis.

Snob Prince and the Gucci ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon