Chapter 8

85 2 2
                                    

Madalas siyang imessage o tawagan ni Prince minsan sa telepono, kinukumusta si Amanda kung ito ay hindi makadalaw at kung dirediretso ang trabaho.

Isang araw ay tumawag ito habang nasa clinic siya.

"Hello, busy ka ba? Wrong timing ba pagtawag ko?" Tanong agad nito.

Huminga muna siya ng malalim saka sumagot.

"Hindi naman, kaalis lang ng patient ko, may emergency ba?" Balik tanong niya dito. Nangingiti siya pagkarinig palang sa boses nito.

" buti naman, I'm coming home tonight pero di ko na madadalaw si Amanda so I'm thinking if we can meet tomorrow? Seven in the evening?"

"Para ba sa contract signing?"

"Yes, pero paguusapan din natin the benefits and if you have also special request or perhaps changes sa contract."

"Ok, you can pick me up at seven." Sagot niya ditong halos pigil na pigil ang ngiti sa labi.

"Ok, see you." Paalam nito.

" yes, see you. " sagot naman niya saka pinatay ang tawag.

Para siyang teenager sa nararamdaman, boses palang nito ay natutunaw na siya and yet gusto niyang gisingin ang sarili. Sa buong araw ay nangangarap siyang gising. Parang balewala ang pagod. Tama ba talaga ang nararamdaman niya?

Ngayong araw nila napag usapan na magkikita para sa contract niya. Bagama't kabado siya dahil magdidinner sila sa labas. Nagmessage ito kung saan sila kakain. Very thoughtful kumbaga.

Sa isang famous hotel sila pupunta ni  Prince mamayang gabi para magdinner. Kabado siya dahil bakit sa labas pa nila pag uusapan ni Prince ang kanyang contract o may gusto pang sabihin si Prince sa kanya. Is she dreaming? Gusto niyang kurutin ang sarili sa mga nangyayari.

Buong hapon ay inayos niya ang kanyang sarili. Dumaan siya sa mall para bumili ng damit, pumili siya ng above the knee na dress at dumaan na din siya sa salon para magpaayos ng buhok. Siya ang magmamake up konti ng sarili mamaya. Pag uwi ay nagpahinga siya konti saka nagsnack. Naligo din siya agad at pati underwear ay pinili niya ang lacy bra at panty na. Nang maayos ng sarili ay napangiti siya.

Ngayon lang siya ulit makikipagdate after how many years, pero date ba to? Bahala na basta dapat presentable siya mamaya kay Prince. Umupo siya konti sa sofa habang hinihintay si Prince at exactly seven ay nag message ito na nasa parking na daw. Tumayo siya at kinuha ang kanyang pouchbag saka tiningnan ulit ang sarili sa salamin saka lumabas ng bahay.

Pagdating niya sa parking ay agad siyang pinagbuksan ni Prince ng pinto sa sasakyan. He's wearing a gray slacks and a white polo, hindi niya alam kung galing ito sa meeting pero he also looks fresh.

"Ok ka lang?" Tanong nito while driving his car. Napansin siguro nito na kinakabahan siya.

" oo, I'm fine."

"Ok, baka gutom ka na, medyo traffic pero mga twenty mintues eh nandoon na tayo."

"Ok lang ako, just drive safely." Sagot niya dito saka ngumiti.

Tumingin naman si Prince sa kanya saka ngumiti din. Hindi niya alam kung may nararamdaman ba ito sa kanya.

Pagdating nila sa hotel ay agad silang pumasok sa restaurant area para kumain. Steak ang inorder nilang pareho at red wine. The place is very glamorous, mangilan ngilan din ang kilala si Prince at marami ding babae ang patingin tingin kay Prince. Hindi man alangan ang itsura niya pero nakakaramdam pa rin siya ng insecurity. Binalewala na lamang niya ang mga tao sa paligid.

"You're stunning tonight, hindi ako makapaniwala na wala kang boyfriend, so lucky to be your date tonight." Puri nito sa kanya.

"Wala, wala akong magustuhan sa mga nagkakagusto sa akin or maybe busy that I can't notice a good man." Biro niya dito.

" ano bang gusto mo sa lalaki?"tanong nitong nakatingin sa kanya ng diretso.

"Kind, thoughtful at hindi nagchecheat." Sagot naman niyang naguguluhan.

"Any man will be lucky to be your boyfriend."sabi nito.

Napatigil siya sa pagkain, sasabihin na ba nito ang nararamdaman sa kanya. Napatitig siya dito.

" I'm very happy na kasama kita ngayon." Sabi pa nito. Mukhang walang iba pang gustong sabihin sa kanya.

Bumontong hininga siya saka siya nagsalita. Dismayado pero hindi niya pinahalata.

"Ok, pero hindi tama na nag uusap tayo about us, nandito tayo para pagusapan ang contract." Pag iiba niya sa usapan dahil ayaw niyang maniwala sa attention na binibigay nito sa kanya.

" but I want to talk about it, I know it's too early para pag usapan ang ganong bagay pero I do like you."

Napatawa nala lamang siya sa mga sinsasabi nito. Maniniwala ba siya o papabayaan niya na lamang.

Matapos kumain ay niyaya siya ni Prince para pumunta sa bar ng hotel para magrelax konti.

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon