Chapter 22

122 4 0
                                    

Lumipas ang araw na hinhintay niya ang pagdating ni Prince, ilang araw niyang inaabangan ang tawag at text nito. Gusto niya itong masurprise pagsasabihin niya mismo na gusto na niyang magpakasal sila.

Pero mas nalungkot siya ng tumawag si Prince dahil madedelay ang pag uwi nito ng isang linggo pa, bukod sa may mga iba pa itong meetings doon. Ayaw niya namang malungkot ito kaya pinasigla na lamang niya ang boses. Hay para na siyang naprapraning dahil hindi niya makita si Prince. Binibilang niya ang mga araw na dumarating hanggang dalawang araw na lamang at babalik na si Prince. Excited na siya kaya panay ang ayos niya sa kanyang sarili. The next day ay mas hindi siya mapakali dahil alam niyang anytime ay baka nasa airport na si Prince, ang usapan nila ay dideretso agad ito sa mansyon para makipagdinner sa pamilya niya at siya saka siya ihahatid sa condo.

Naguusap sila ni Amanda ng mga pwdeng ipangalan sa baby, bukod sa malapit ang next ultrasound niya ay gusto niyang meron si Prince pagmagpapa ultrasound siya. Tuwang tuwa siya sa usapan nila ni Amanda ng dumating ang mama ni Prince.

Halos walang kulay ang mukha at nanghihina nakiupo sa kanila sa kama ni Amanda, lumapit siya dito at inalalayan.

" okay lang po bo kayo? May masakit po ba?" Tanong niyang nag aalala rin.

Tumingin ang mama ni Prince sa kanya.

"Si Prince.. si Prince.. sabi nila nagcrash ang plane na sinaksakyan nilang Airplane galing Germany, confirmed na dalawang staff ng kompanya ang nasa flight at parehong patay, inaalam pa kung nasa flight ba si Prince at mga ibang staff na kasama pa " sabi nitong nanghihina.

Napaiyak siya sa narinig, hindi pwedeng mawala si Prince, malakas ang iyak niya at ganon din si Amanda, iyak siya ng iyak habang yakap ang mama ni Prince saka nagdilim ang kanyang paningin. Agad namang dinala siya sa hospital kasama ang kasambahay at tinawagan ni Janice ang kanyang magulang.

Nagising siya sa ospital, nasa tabi niya ang kanyang mama at kapatid, sa gilid naman ay ang mama ni Prince, agad niyang hinaplos ang kanyang tiyan saka pinilit bumangon sa kama.

" dumating na ba si Prince?" Tanong niya sa mga ito.

" iha, wala pang balita, ilang beses na kaming tumawag sa airline pero dahil sa dami ng nagtatanong ay hindi pa nila masagot lahat."sagot ng mama ni Prince.

Humagulgol siya ulit sa pagkarinig sa sinabi ng mama ni Prince.

"Carlie anak, huminahon ka, hintayin natin ang balita, isipin mo ang anak mo, mabinat ka lalio." Payo ng kanyang mama.

Tumango siya saka humiga ng kaunti. Tama isipin niya ang kanyang anak bagama't di niya kayang tanggapin na wala na si Prince.

" I want to go home, mama, papa, tita." Sabi niya sa mga ito.

"Sa bahay ka nalang umuwi anak.."sabi ng kanyang mama.

"Gusto kung sa condo tumuloy mama, gusto ko munang mapag-isa."sagot niya dito at napapaluha pa rin.

" pero anak mas magandang may kasama ka lalo na at medyo malaki  na din  tiyan mo."

" mama, gusto ko munang mapag isa, please ihatid niyo nalang po ako."pakiusap niya sa mga ito.6

" sa bahay iha, pwede kang tumuloy doon. " sabi ng mama ni Prince.

" bukas nalang po ako magbisita doon, for now gusto ko po munang magpahinga sa condo. " sabi niya saka pinilit tumayo at inayos ang sarili.

Walang magawa ang lahat kaya hinatid na lamang siya sa sarili niyang condo. Pagkaclose niya ng pinto ay umiyak siya ng umiyak. " please Prince, come home, naghihintay kami ng baby natin. I love you so much" sabi niyang umiiyak na hawak hawak ang kanyang tiyan. Lahat ng bawat sulok ng kanyang condo ay nakikita niya si Prince, sa kitchen kung saan sila kumakain at sa sofa kung saan nakaupo ito habang hinihitay ang coffee na tinitimpla niya, ang kwentuhan nila.

Pumunta siya sa sariling kwarto at naligo saka nagroba at agad nahiga sa kama, pagod na wala siyang gana. Tiningnan niya ang kanyang cellphone sakaling tumawag si Prince pero walang tumatawag, ilang oras nga nga ba, halos buong araw na silang naghihintay ng balita pero dahil sa nagcrash na Airplane ay magulo pa ang balita ganon din ang Airline company. Pinilit niyang matulog kahit na hindi siya inaantok, gusto niyang magpahinga para sa anak at sa sarili para mas makapag isip siya ng maayos, pero kahit anong pikit niya ay buhay na buhay ang kanyang isip. Galaw siya ng galaw sa kama at tiningnan amg oras, alas dose na ng gabi. Nakatulog siya  siguro ng mga madaling araw na. Ubos na yata ang kanyang luha sa kaiiyak.

Nagising siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mata kaya unti unti niyang iminulat ang mata at nakita niyang nakaupo si Prince sa gilid ng kama, hinihintay siyang magising, Prince is wearing a white polo and a navy blue slacks. Para itong anghel dahil sa lakas ng sinag ng araw ng nakatama dito.Ngumiti si Prince sa kanya at nakatitig.

Tumayo siya agad at inabot si Prince.

"Prince" sabi niya sabay yakap dito at umiyak sa balikat nito. Panay naman ang haplos ni Prince sa kanyang likod at hinihintay siyang huminahon.

"I'm fine. Don't cry.." bulong nito sa kanya at panay halik sa kanyang ulo.

Kumalas siya dito konti ng medyo maayos na ang kanyang pakiramdam.

" akala ko kung ano ng nangyari sayo, I'm glad you're safe." Sabi niya dito.

" akala ko, nagbibiro ang mama ng sabihin niyang nahimatay ka at panay ang iyak mo nung marinig mo ang balita, but seeing you right now, hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Sabi nito sa kanya na malumanay.

" sabi nila ay kasama ka sa Airplane na nagcrash?."

" it's true na yun ang Airplane na sasakyan namin pero dahil may inasikaso pa kami ni Ana at isang manager ng kompanya ay kinuha namin ung later flights, di namin nacancel the plane ticket dahil late na ng biglang may meeting kmi with some companies from the conference kaya we are delayed going home." Paliwanag nito sa kanya.

"Oh Prince, buti nalang walang masamang nangyari sa iyo."

Sabi niya sabay halik kay Prince, a kiss na matagal na niyang gustong gawin, umupo siya sa mga binti ni Prince at ramdam niya ang pagkalalaki nito bukod sa wala siyang panty under her robe. Siya na ang nag abot sa polo ni Prince at unti unting binuksan. Si Prince naman ay malayang nahawakan ang kanyang mga dibdib.

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon