Chapter 5

97 3 2
                                    

Pauwi na siya, binilin niya lahat kay Lilia ang mga gamot na iinumin ni Amanda, so far wala wala namang nagiging komplikasyon kay Amanda, bukod sa minsan ay nahihirapang huminga at nanghihina wala ng iba.

Kumatok muna siya sa pintuan ng mga magulang ni Prince at nagpaalam saka siya bumaba sa hagdanan saka naman tamang tama pumasok si Prince. Wearing sa little tight jeans and a baby blue polo, mas lalo itong gwapo sa itsura. She's only wearing a black dress below the knee and a nude stiletto, hawak niya sa kamay ang kanyang white gown at stethoscope.

" pauwi ka na ba?" tanong ni Prince sa kanya.

"oo, ok naman si Amanda, medyo nahirapan siyang huminga kanina pero she's fine now."

" thank you, nagworry ako agad ng sinabi nila papa, are you in a hurry?" tanong nito habang nakatayo sila sa gitna ng living room.

" no, wala naman akong pupuntahan." sabi niya dito.

" care for a drink? coffee or juice? wine, alam kong nagdinner na kayo kaya drinks nalang offer ko?" yaya nito sa kanyang nakangiti, sa ngiti palang ni Prince, tunaw na tunaw na siya.

" ok, coffee, I'm a coffee lover." sabi niya dito.

" ok, magpapahanda ako ng coffee." sabi nitong nakangiti.

Ngumiti naman siya dito saka tumango. Pumunta si Prince sa kusina at nagpagawa mg kape saka bumalik sa living room.

" let's have a coffee outside, sa garden." yaya nito.

Sumunod siya ng naglakad ito palabas sa garden, sa gilid ng garden ay may mga upuan at table at malapit naman dito ay ang swimming pool. Humila ng upuan si Prince saka siya umupo saka naman umupo ito sa harap niya.

" thank you for for taking care of my sister." panimula nito.

" It's my job, actually parang kapatid na rin turing ko kay Amanda, I also have a sister but a teenager one."

" talaga?, that's nice, maybe your sister has her best life now, I feel pity for my sister, ang dami niya ring gusto gawin pero di niya magawa and thank you for also giving her hope, mula ng dumating ka she's more lively and happier."

" Amanda is a very kind girl and sweet, hindi mahirap alagaan at tama ka, punong puno ng pangarap si Amanda, I hope she can do those things in her own way, kahit dito sa bahay niyo."

Tumango ito bilang pag sang ayon sa sinabi niya, dumating naman ang coffee nila at nagsimula nilang inumin, naging tahimik sila saka nagsalita ulit si Prince.

" she's our life, my parents and I, alam mo everyday that passing by we are always hoping that she's fine and healthy. We are not ready kung biglang di na niya kaya." puno ng emosyon na sinasabi nito sa kanya.

" I understand, at alam kong mahirap din kay Amanda ang situation niya but she's fighting everyday lalo na nakikita niyang strong kayo para sa kanya."

" We need to show her that we are fine, lalo na si mama."

" I will always do my best to take care of her." sabi niya naman dito.

" thank you and thank you for listening.."

" you're always welcome." tugon niya dito.

" masyado na yata kitang naabala." iba nito sa usapan.

" hindi naman, tama nga na inivite mo ako for coffee para di ako antukin sa pagdrive. " sabi niya saka sila tumayo ng sabay at sabay din naglakad papunta sa garahe ng sasakyan. Hinintay muna ni Prince na makasakay siya sa sariling sasakyan saka ito sumakay sa sariling sasakyan.

Nauna siyang nagdrive at sumusunod naman si Prince. Naghiwalay lamang sila ng ibang way na ang pupuntahan niya at ganon din si Prince. Pakiramdam niya ang kausap niyang Prince kanina ay ibang tao, sweet ito at caring lalo na sa kapatid. Someone na hindi nakikita sa mga news, sa news para siyang playboy at puro business lamang ang alam, pero sa nakita niya kanina, parang pinakita nito sa kanya ang tunay niyang pagkatao o dahil doktor siya kaya nasasabi ni Prince ang sariling nararamdaman.

Hulog na hulog na ang puso niya dito, ngiti pa lamang nito at tindig, malakas na ang dating sa pagiging sweet pa kaya. Nagsisimula na siya ulit mangarap ng bagong pag-ibig at tama bang si Prince ang papangarapin niya?, hindi kaya sobra ang kanyang pinapangarap?

Lalo tuloy naguguluhan ang puso niya. Masaya siyang umuwi at natulog.

Samantalang kanina habang nag uusap sila sa garden ay hindi nila napansin ang isang taong nakatingin sa kanila. Sa isang bintana sa taas. Taong matagal nang nagmamasid sa kanyang kilos lalo na pag kausap niya si Prince.

Prince's POV
His feeling is different with Carlie, not because she's a doctor, napapangiti siya habang iniisip ang paguusap nila kanina sa bahay nila.

Tinapik siya bigla ni Marco sa balikat.

" are you inlove?" tanong nito sa kanya na nagpagising sa kanyang diwa.

" ako? maiinlove? to who?"balik tanong niya dito.

" para kang inlove, smiling without reason and you're out of the world, who's the unlucky girl?"

Saka tawanan sila Lucas, Greg, Marco at Seth, It's their boy's night out, bagama't iba na ang mga usapan ng mga ito, bukod sa story about having a child ay pinaguusapan din ng mga ito ang plans nila with their wives, samantalang siya ay nakikinig lamang kaya napunta ang isip niya kay Carlie.

" sino nga ba siya? does she knows that you're love is limited, overnight lang." patuloy nito.

" Mga gago, I'm just happy na my sister is fine."

" ah oo nga pala, may bago na bang doctor si Amanda?"tanong ni Seth.

" yes, and she is a good doctor."

" that's great, is she single?"sunod pang tanong nito.

"Yes, she's single."

" I'm sure she's pretty dahil di mo naman inaalam ang status ng isang babae if you're not interested." sabi nito and he grinned.

" ok, I admit, she's beautiful but I'm not saying that I like her."

" ok, no comment, malalaman din namin kung magiging kayo."

Hay, dahil siya nalang ang single sa barkada kaya siya nalang ang inaasar ng mga ito. Ngumiti nalang siya at pinagpatuloy nila ang inuman at iniba na rin ang topic.

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon