Chapter 1

111 2 0
                                    

Busy na naman ang buong araw niya sa dami pasyente sa ospital at sa dami ng nakashschedule na ichechek up niya, halos di na niya kayang tumayo sa doctor's quarter. Balak niyang magpahinga konti saka mag aayos at uuwi kaso sa sobrang pagod niya ay nakaidlip siya.

Di niya akalain na sa dami ng trabaho sa hospital ay di na niya maasikaso ang sarili, licensed pediatrician na siya ngayon. Ang matagal niyang pangarap para sa sarili. Iyak ng iyak ang kanyang mga magulang ng makapasa siya. Sa ngayon ay nakakaluwag na sila, bumili siya agad ng bahay at lupa para sa magulang at kapatid. Pinagkakasya lamang ng kanyang ama noon ang sweldo sa pagmemekaniko sa pang araw araw nila, siya naman ay scholar ganon din ang kanyang kapatid kaya gastos lamang sa kanilang baon at pang araw araw na kelangan ang naibibigay ng kanyang ama.

Isang ordinaryong empleyado sa pagawaan ng sasakyan ang kanyang ama, ang kanyang ina naman ay may maliit na grocery sa tapat ng bahay nila.

Nagsikap siyang makatapos para sa pag aaral. Ni walang pera para makigala kasama ang kanyang mga kaibigan, kung hindi bigay ang damit ay nililibre lamang siya. Masaya na siyang sa hirap ng buhay nila ay may mga tunay pa rin siyang kaibigan.

Ngayong medyo nakaluwag luwag na siya ay panay naman ang libre niya sa mga kaibigan pag may oras siya, hindi niya nakakalimutan ang mga ito dahil malaki din ang tulong sa kanya. Twenty five years old na siya pero wala pa ring boyfriend, silang dalawa nalang sa kanilang barkada ang walang asawa, siya na ligawin mula nung highschool. Pero natrauma siya sa pakikirelasyon. Puro mga manloloko ang kanyang mga nakikilala. Saka niya naalala si Zion ang kanyang ex.

May minahal siya noon, nung nasa college siya, si Zion, gwapo at matalino, bagay sila dahil sa bukod sa maganda din siya at matangkad. Niligawan siya nito ng todo, matiyagang naghihintay at naghahatid sa kanya hanggang sinagot niya nga ito. Sa dalawang buwang ng kanilang relasyon ay masaya. Nagsimula lamang magkalamat ang kanilang relasyon ng ilang beses nitong niyaya siya sa party or sa condo nito na sila lamang dalawa, ayaw niya pa ang mga ganong bagay. Pero hindi iyon naiintindihan ni Zion hanggang isang araw ay nakipagbreak ito sa kanya sa text.

Iyak siya ng iyak noon. Lalo ng malaman niyang dinadate nito ang ms. campus nila. Mahal niya si Zion pero di niya kayang ibigay dito ang hinihiling nito bukod sa bata pa sila ay marami pa siyang pangarap sa pamilya.

Lumipas ang mga araw na wala na silang communication ni Zion, kung magkita man sila ay hindi sila nagpapansinan at nagiiwasan. Hinintay niyang matapos ang semester saka siya nakahinga ng maluwag. Ginugol niya sa sarili sa pagaaral para makapasa sa medicine sa susunod na taon.

Lumipas ang mga taon na di na sila nagkita ni Zion nakalimutan niya man ito ay di niya naman nakalimutan ang sakit. Nagsara ang kanyang puso at nasanay na siyang mag isa. Kaibigan at pamilya na lamang ang nagpapasaya sa kanya.

Ngayon ay Proud na siyang isang doctor, mahirap man ang trabaho pero masaya siyang ginagampanan ang natapos. Lalo na at masaya siyang inaalagaan ang mga bata, nahahawakan at ginagamot ang mga ito.

Ang kanyang nakaraan na nagbukas naman ng bagong pag asa sa kanya. Sa lalim ng kanyang iniisip ay di niya namalayang may nakatayo sa kanyang harapan, si Janice.

" pagod na pagod ako, twins ung baby ng last patient ko, as usual ikaw ang nirecommend kong pedia kaya bago ka umuwi bisitahin mo muna ung babies sa nursery." sinasabi nito habang tinatanggal ang gown.

" salamat, sige puntahan ko na at ng makauwi na ako, pagod din ako sa pagrorounds kanina sa nursery at may mga patient pa ako sa clinic." saka niya inayos ang sarili at kinuha ang bag.

" bye jaja, see you bukas."paalam niya dito.

Di na ito sumagot pa, mukhang nakaidlip agad at natulog.

Pagsara niya sa pintuan ng quarters nila ay pumunta siya agad sa nursery, ang mga nakakasalubong niyang mga staff at kapwa doctor ay bumabati sa kanya at bumabati naman siya pabalik.

Chinek up niya ang bagong babies saka nagbilin sa mga resident doctors on duty saka lumabas at umuwi.
Sumabay siya kay Stella, isa ring pediatrician, ang kanyang mentor at proffesor rin. Medyo matanda na ito.

Pinikit niya ang mga mata dahil sa pagod. Masaya siyang unti unti niya nang natutupad ang pangarap. Nasa gitna sila ng traffic ng minulat niya ang kanyang mata. Tumingin siya sa mga sasakyan, sa mismong tapat ng kanilang sasakyan ay may maitim at mamahaling kotse, lexus ang tatak at ang nakasakay ay isang lalaki.

Nakapolo ito ng black at nakatupi ang sleeves hanggang siko, tutok sa traffic light ang mga mata, di niya maiwasang pagmasdan, very handsome, sa malamlam na mata, matangos na ilong, clean cut ang buhok at medyo mamula mula ang balat. May mga konting balbas na lalong nagpadagdag sa charisma nito.

Nakatitig siya dito ng biglang tumingin ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, di niya mawari ang pakiramdam pero bakit pakiramdam niya ay may connection sila. Naputol lamang ang kanilang pagtitigan ng umandar na ang kanilang sasakyan at palayo sa way kung saan papunta ang lalaki pero ang lalaki ay nakatingin din sa kanya habang paalis sila.

Natauhan lamang siya ng magsalita si Stella. "malalim iniisip mo? o pagod ka?"  tanong ni  Stella.

" pagod siguro, saka gutom na din."

" tatake out na tayo tapos hatid kita sa condo mo at saka ako uuwi." sabi ni Stella.

Tumango lamang siya bilang pagsang ayon. Pinikit niya ang mata pero ang mukha ng lalaki ang biglang lumitaw sa kanyang diwa, minulat niya ang mata.  Ayaw niyang mag isip ng pag-ibig ngayon, huwag ngayon dahil gusto niyang may maabot muna.

Prince POV
Binuksan niya ang pinto at unti unting lumapit sa kama. Nakatulog si Amanda ng payapa, ang kanyang six years old na kapatid, he is now thirty two years old, akala niya ay iisa niya lamang na anak ngunit dumating si Amanda pero sakitin ito at mahina ang katawan, it gets worst some days kaya alagang alaga nila, home schooled ito at may sariling nurse, yaya at doktor. They can provide everything for her. Pero hindi nila alam kung gaano katagal mabuhay si Amanda.

" kanina ka pa kuya?"

" kadarating ko lang, how are you?" tanong niya dito.

" I'm fine physically pero a liitle upset kasi nagpapaalam si Doctor Cruz kaninang umaga, she's my bestfriend kuya bukod kay nurse Lilia." malungkot nitong kwento.

" I have no idea na magpapaalam na pala si dr. Cruz, tinanong mo ba bakit siya aalis?"tanong niya dito.

" magmamigrate na daw sila sa Australia."

" wala tayong magagawa kung aalis na sila, we can find another doctor and you can still talk to her thru media, messager or face time." sabi niya dito at niyakap ang kapatid.

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon