Chapter 3

89 3 1
                                    

Nagsuot siya ng skinny jeans na puti at simpleng old rose na color shirt saka nagsandal at kinuha ang pouch at bumaba na imeet si Janice, may lakad daw sila, hindi niya alam kung trabaho ba o shopping. Pareho silang doctor ni Janice un nga lang, obgyne ito at siya ay pediatrician kaya partner sila.

" wow, you look so great, tamang tama sa lakad natin ngayon." puri ni Janice sa kanya.

" saan ba tayo ngayon?"

" hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, baka ito na ang bigbreak mo, tumawag kaninang umaga ang Silva Group of Companies gusto kang makita ng CEO, nirecommend ka ni Dr. Cruz." excited na sabi nito.

" ung silva? yung may ari ng SC pharmacies?"

" mismo at pag napili ka nila, kukunin kang doctor nila. dream come true." sabi nitong tuwang tuwa.

Siya naman ay hindi makapaniwala, isa un sa pangarap niya ang makaipon pa lalo sa pamilya niya, malaki ang sweldo na nakukuha ni Dr. Cruz mula noong naging doktor ito ng Silva Group of Companies.

" at doon na tayo pupunta ngayon?, hindi ba ako alangan sa suot ko?, Maricar is one their doctors at nakita mo naman kung gaano siya ka sophisticated, baka di ako mapili."

" just be confident, kaya mo iyan besides they requested na no make up kang darating, they want to see you fresh so just be yourself."

" Sana nga makuha ako Jaja, pangarap ko talaga yun." sabi niya dito.

Pagdating nila sa building ng Silva group of companies ay nalula siya sa taas ng building nito.

" the boss want to see you, kilala mo na siguro un? Mr. Prince Silva?"tanong ni Janice sa kanya.

" I heard pero mabait ba siya?" inosenteng tanong niya dito. Narinig niya na ang pangalan na yun pero ni minsan ay hindi niya inalam kung sino.

" galingan mo sa interview para makuha ka at no monkey business, playboy si Mr. Silva kaya sabayan mo siya para makuha ang trabaho." payo nito.

" hindi mo ba ako sasamahan?"takang tanong niya dito.

" hindi, he wants you to go there first for appearance and interview. Nandito lang ako kaya don't worry." pampalakas loob na sabi ni Jaja sa kanya.

Kabado siyang pumasok sa building, pinadiretso siya ng receptionist sa top floor at pinaupo siya sa isang conference room saka pumasok ang isang lalaki, ang lalaking nakita nita noon nung traffic. Ang lalaki naman ay nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

" so it's you, I'm Prince Silva the Vice President of Silva Group of Companies, nice to meet you." pakilala nito sa sarili at titig na titig sa kanya.

Titig na para bang pati ang kanyang kaluluwa ay nakikita nito.

" I'm Carlie, Dr. Carlie Montes, nice to meet you." saka naman siya nakipagkamay dito.

" Sit down Dr. Montes or Ms. Carlie?"

" Carlie nalang, we don't need to be formal."

Tumango tango ito saka umupo sa upuan katapat ng kanyang upuan.

" Dr. Cruz recommended you, so I guess you're a good Dr., She's leaving and we need a new pediatrician for my sister. We will give you a one month trial period then after that let's sign the contract."

" Actually I'm nervous, it's my first time to become a personal doctor, nasabi ito sa akin ni Dr. Cruz at ang akala ko ay nagbibiro lamang siya."

" I know you can, sa credentials na binigay ni Dr. Cruz samin, I admit I'm impressed. so what do you think?, you can give your answer after three days maybe."

Namula siya sa diretsong pagpuri nito sa kanya. Bakit ba nawawala siya sa sarili?, this is not the first time that she meets a handsome guy.

" Kelan ako magsisimula if I will try the one month trial period? How's the scheduling if I will take the job?"

" Dr. Cruz will give his schedule and all the details about my sister, pag may gusto ka baguhin just give me a call or my secretary."

" good, I will ask Dr. Cruz then I will let you know my decision." sabi niya ditong iniiwas ang mga mata, di niya kayang salubungin ang titig nito sa kanya.

" yes, take your time and call me." sagot nito.

Ngumiti naman siya at tumango. Saka Tumayo at inayos ang sarili at Nagpaalam siya saka lumabas sa conference room. Paglabas niya sa conference room ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang  pouch at pumunta sa elevator.

Nakatayo siya doon sa harap ng elevator at naghihintay ng biglang dumating si Prince, hinabol siya pero di niya napansin ito.

" are you in a hurry, do you mind if I ask a personal question?"tanong nito sa kanya.

" not at all, you can ask Mr. Silva." sagot niya ditong nagtataka sa paghabol nito sa kanya.

" do you have a boyfriend or married perhaps?" saka nakakalokong tumingin sa kanya.

Gulat man ay sumagot pa rin siya. " wala akong boyfriend."

" that's good, see you Carlie." sabi nito saka ngumiti ng napakatamis at tumalikod.

Naiwan siya sa harap ng elevator na nagtataka at pumasok sa elevator ng tumigil ito sa tapat niya, paglabas sa parking lot ay naghihintay sa sasakyan ang kaibigan niyang si Janice.

" kumusta ang interview mo?"

" ok naman, nextweek magsisimula na akong magtratrabaho as a pediatrician ng sister niya pagtatanggapin ko ang trabaho."

" happy for you, nakakalula ang offer na ito at hindi nagkamali si Dr. Cruz na ikaw ang irecommend kay Mr. Silva. ano mas gwapo ba sa personal si Prince?"

" oo gwapo siya or extremely handsome." sagot niya dito.

" ngayon lang kita narinig na humanga sa isang lalaki." sabi ni Janice sa kanya.

" oo na, guilty, nagwapuhan ako sa kanya pero alam kong taga hanga lang tayo."

" tama ka, nagtatanong lang ako." sabi nito.

" ok, let's go na sa Clinic at may mga patients tayo ngayon bukod doon marami pa akong ihahanda at babasahin para sa pag alaga sa bago kong patient kung kukunin ko ang trabaho." putol niya sa usapan nila pero ang totoo ay kinakahabahan siya dahil VIP ang client niya.

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon