Chapter 14

88 2 0
                                    

Tumawag ito sa ospital at kinumusta si Amanda, saka
Tumango ito at nakatingin sa kanya. He's wearing faded black jeans and a black polo, napakagwapo nitong tingnan samantalang siya ay binalik niya lamang ang dating suot.

" can we talk what happened to us.. I don't want you to think that..." sabi nito pagkababa sa telepono.

" please Prince, wala tayong paguusapan, nadala lamang tayo sa sitwasyon." Agad niyang saway dito

" so this is just an another experience for you? ganon ba? because I don't believe you." medyo madiin na ang pananalita nito.

" can we talk about this some other time, pag uusapan natin ngayon about kay Amanda." Sabi niya kasi iniiwas ang mata, hindi siya makipag usap dito.

Tumingin ito ng matagal sa kanya saka tumingin sa bintana saglit saka humarap ulit sa kanya. Pinapakalma ang sarili.

" can we eat somewhere bago pumunta sa hospital? " tanong nito sa kanya habang siya ay nakaupo sa sofa.

" hindi na, hindi naman ako gutom Saka may sasakyan ako, so sa hospital nalang tayo magkita." Sagot niya dito.

" Someone will bring your car to the hospital, sabay na tayong pumunta after we eat." sabi nito at nauna ng lumabas sa condo nito. Maybe he's angry pero pati sarili niya mismo ay hindi niya maintindihan. She's too scared to face the truth.

" I'm here para pagusapan sana natin about kay Amanda pero some other time nalang or sa hospital." sabi niya dito habang sumusunod kay Prince at naglalakad papunta sa elevator.

" kaya nga, pag usapan natin ito while eating, I can't focus if we are together in a room." sabi nitong nakakaloko. Alam niya ang ibig sabihin nito at pati siya ay ganon din ang nararamdaman.

Dumaan sila sa isang famous restaurant, dahil parehong gutom ay kumain muna sila ng payapa. Napangiti si Prince nag makitang kinain niya lahat ang kanyang inorder. Nang matapos ay hinihintay niya ang kanyang dessert at coffee nilang dalawa saka nagsalita si Prince.

" so what do you want to say about Amanda?" tanong nito.

" gusto ko sanang malaman gaano niyo kakilala si Lilia? kasi may nakita akong kakaibang gamot na na nasa dugo ni Amanda, siya lamang ang nagaayos ng gamot ni Amanda bukod sa akin."

"ito ba ang rason kung bakit nasa hospital ngayon si Amanda? kahit kelan ay hindi nagkasakit ng ganito si Amanda kaya hindi ko alam kung tama ba ang hinala mo na si Lilia ang nagbigay ng maling gamot sa kanya bukod doon ikaw ang pwdeng naglalabas ng reseta para sa gamot, hindi kaya ikaw nag nagkamali? " balik tanong nito.

" maaring isa ito sa mga rason, bukod sa normal naman ang kanyang paghinga at pulso maliban lang sa hindi pa siya nagigising, ingat ako sa pagbibigay ng gamot at lahat ng mga resetang binibigay ko sa mga pasyente ko. " malumanay na sagot niya dito.

Nagkibit balikat ito saka nagsalita. " we need to investigate this situation, hindi ko pwdeng pagdudahan si Lilia ng walang rason at ngayon lamang nagkaganito ang sitwasyon ni Amanda."

" makikicooperate ako sa imbestigasyon." sabi niya dito, bagama't kinabahan ay hindu niya alam kung nagdududa ba kanya si Prince. Bago lumabas sa restaurant ay may tinawagan si Prince na tao.

Wala na silang imikang nakarating sa hospital, walang pakialam si Prince kung pinagkakaguluhan siya ng mga nurse at mga doctor. Nagpaalam siya dito para magbihis ng damit saka niya pinuntahan ang room ni Amanda, as usual ay tulog pa rin ito. Si Lilia naman ay nasa tabi lamang at nakatingin kay Amanda. Si Prince at ang magulang nito ay nasa sulok at nag uusap. Hindi niya alam kung alam na ba ng magulang nito ang sinabi niya kay Prince pero kung ipapakulong siya ay tatanggapin niya.

" can we talk in private dr. Carlie?" tanong ng mama ni Prince.

" sure po, sa doctor's quarter nalang po tayo mag usap if it's ok."balik tanong niya.

" yes, it's ok." sagot nito. Naiwan naman si Prince at papa nito sa kwarto ni Amanda.

Pagdating sa doctor's quarter ay ngprepare siya ng maiinum para sa kanila ng mama ni Prince.

" hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Prince told us what you told him, kung totoo mang may hinala ka kay Lilia at ikaw ng hindi ang nagkamali that's good pero pag nalaman namin na ikaw ang nagkamali, I don't know when it comes to Prince, basta mabuhay at maayos si Amanda ay sapat na sa akin iyo iha.."

Bumuntong hininga ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.

" I like you iha, I really do at ganon din si Amanda, she's wishing na maging kayo ng kanyang kuya at ako din iha, this investigation will be a secret but you're one of the suspects, hindi natin alam kung paano lulutasin but as of for now, we still trust you iha at sana huwag masisira yun once na lumabas ang katotohanan." mahabang paliwanag nito sa kanya.

" naiintindihan ko po ang nararamdaman ninyo at makikicooperate po ako sa imbestigasyon, maingat po ako sa pagbibigay ng gamot at reseta kaya alam ko pong wala akong ginawang mali."

" I trust you iha kaya lahat ng tao sa bahay ay maiimbestigahan para malaman kung sino ang may gawa nito."

Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay saka umalis.

Naiwan naman siyang parang tulala, siya ba talaga ang nagkamali? o pinagbibintangan niya si Lilia? Bakit ung pangarap niyang umangat ay mas lalong malaking problema. Lumbas siya sa rooftop ng hospital, pakiramdam niya ay sobrang nasasakal na siya sa mga nangyayari. Umupo siya sa bench na nakalagay doon saka tinawagan ang kanyang mga magulang para mangamusta. Nang matapos ay saka siya bumaba para bisitahin si Amanda at umuwi.

Wala na si Prince ng dumating siya sa room ni Amanda, pagkatapos niyang machek up si Amanda ay saka siya nagpaalam ng maayos sa magulang ni Prince. Wala si Lilia sa kwarto, lumabas daw ito kaya ngabalin na siya sa mga nurses doon ay ganon din sa kapwa doktor. Tinawagan niya din si Janice para magpaalam saka pumunta sa parking lot.

Nakasalubong niya si Lilia sa parking lot, nagulat itong makita siya, nagbatian sila ng pormal saka siya pumunta sa sariling sasakyan. Pagod siya at gulong gulo, sa nangyari sa kanila ni Prince at kay Amanda. Iniisip niyang makabubuting magquit na siya sa trabaho niya pagnagising na si Amanda. Lumalala na ang sitwasyon at baka sa susunod ay hindi na niya alam kung ano pa ang mangyayari.

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon