Teaser

295 5 0
                                    

" You're s smart doctor at Amanda likes you bukod doon you're beautiful." puri ni Prince kay Carlie.

Malakas na tawa ang sagot niya dito, "hindi ko alam kung joke o totoo ang mga sinasabi mo Mr. Silva."

"It's true, I never made a joke in this kind of thing, I do really like you." matiim na sabi ni Prince sa kanya.

" Maybe you're just curious about me but believe me I'm just a normal woman and besides you can have everyone on your bed without asking them." sagot ni Carlie.

" But you're different that's why I like you." 

Sunod sunod ang paglunok niya sa mga sinabi nito at para maitago niya ang nararamdaman at agad niyang nilagok ang tequilla sa kanyang harapan, mainit sa lalamunan. First time niyang uminom at masasabi niyang dahil sa pag uusap nila ay napilitan siyang inumin ang nasa harapan niya.

" not so fast... baka malasing ka agad niyan." sabi ni Prince na nasa kanyang harapan na swabeng swabe ang itsura.

" not bad, actually nagustuhan ko." sagot niya dito. Bagama't halos nahihilo na yata siya sa lakas ng alak.

Tumango lang ito na nakatingin sa kanya ng diretso.

Panay ang iwas niya ng tingin, dapat ay naguusap sila sa contract niya kung sakaling kukunin niya ang offer nito. Pero ang nangyayari ay para silang nagsasabihan ng damdamin sa isa't isa. Ayaw niyang magtagal pa at baka lalong hindi niya mapigilan ang sarili.

" can we just talk about the contract Mr. Silva."

" sure, anyway as I was saying I like you and I think you're competent enough to take care of Amanda, she needs a personal doctor and dr. Cruz recommended you."

" and how many days a week I will work, anong mga benefits?, I've been working with Amanda for a month now, mabait na bata at madaling alagaan, paano magbabago ang schedule ko pagpipirmahan ko ang kontrata?"

" five days a weeks you will visit her twice in our house, two days off but in case of emergency of course we will call you, three million for two years salary plus benefits like one month vacation with pay, 13th month pay, what else do you want? I might consider it."

Tumango tango siya, " not bad" sabi niya kahit nalula siya sa offer nito sa kanya, a good deal for her.

" can we sign the papers tomorrow?" tanong nito sa kanya ng hindi siya umiimik.

" not too fast Mr. Silva, kelangan kung pag isipan ng mabuti lalo na at may clinic din akong dapat iconsider." sagot niya dito nang nakangiti ng matamis, pakiramdam niya ay biglang gumaan ang kanyang pakiramdam at lumakas ang kanyang loob.

Medyo nagtagal sila sa pag uusap sa kontrata niya at mga apat na baso pa nag nainum niyang alak, hindi niya namalayan ang oras at Pagtingin niya sa kanyang oras ay twelve na ng gabi.

" I think I have to go, itatawag ko sayo bukas If I will take the offer or not." sabi niya ditong nakatingin sa kanyang relo.

" I can take you home" offer nito.

" I'm fine besides may kotse ako ngayon."

" I insist, I can take you home and I will call someone to bring your car to your condominium." pilit nito.

Tumayo siya at medyo nahilo, for the first time ay lumakas ang loob niyang uminom and the bad thing is with the person she loves the most, magsasaya ba dapat siya sa mga oras na inuukol ni Prince sa kanya ngayon o matatakot dahil baka pambobola lamang lahat ang mga sinasabi nito sa kanya.

Inalalayan siya ni Prince sa pagtayo pero dahil nabalanse niya ang sarili ay binitawan siya nito at sumunod sa kanya palabas sa hotel.

Nasa labas na siya ng hotel ng magsalita si Prince sa kanyang likod.

" shall we?" yaya nito at nilahad ang kamay para pumunta sa sasakyan nitong nakaparada sa malapit. A VIP guest kaya nasa magandang pwesto ang parking.

" trust me, I will take you home safely."

Bakit nga ba siya nagpapakipot, this is the first time na ihahatid siya ni Prince sa kanyang condo.

" ok, just promise me that my car will be in my place tomorrow, I have a appointment with someone tomorrow."

" I promise." saad nito saka niya binigay ang susi ng kanyang kotse, bumalik naman si Prince sa entrance ng hotel at kinausap ang Guard saka binigay ang susi ng kanyang kotse at binalikan siya.

Pumunta sila sa sasakyan ni Prince at pinagbuksan siya ng pinto saka ito pumunta sa driver's side. Pagdating sa kanyang condo ay tahimik siya ng lumabas si Prince para buksan ang kanyang pinto.

" so goodnight?" paalam ni Prince.

" want some coffee?, returning the favor sa paghatid mo sa akin." sabi niya dito.

" sure" nagulat man ito sa pag invite niya.

Sabay silang pumasok sa elevator at saka siya naunang lumabas para buksan ang kanyang pintuan.
Pumasok sila sa kanyang condo, agad niyang inalis ang kanyang stiletto at nagsuot ng pambahay na tsinelas.

Si Prince naman diretsong pumasok sa kanyang condo at agad sinipat ang kanyang lugar, maybe not as luxurious as his place but she doesn't care. Pumunta siya sa kitchen para magprepare ng coffee sa coffee maker. Si Prince naman ay palakad lakad sa kanyang living room at patingin tingin sa kanyang mga gamit.

Nagpreprepare siya ng dalawang mug ng kape at pumunta sa living room saka nilagay sa center table.

"you have a nice place." puri ni Prince sa kanya.

" thank you, you're the first man na nakapasok sa condo ko bukod sa aking papa." sagot niya dito.

" I'm honored." sagot nito at ngumiti sa kanya.

Umiinom sila ng kape pero deep in her mind she feels hot, siguro dahil sa ininum niyang alak kanina.

Nang mapansin ni Prince na tahimik siya ay kunwaring umubo ito.

" Thank you for the coffee, I think I need to go." putol nito sa kanyang pag iisip.

Tumayo ito saka tumayo naman siya pero parang lalo siyang nahilo sa kape. Agad lumapit si Prince sa kinatatayuan niya at hinawakan siya para hindi siya mahulog sa sahig.

" are you ok?"

" I'm fine." sagot niyang mapungay ang mga mata, nawala na sa hwisyo lalo na at hawak siya ni Prince.

Binuhat siya nito ng walang kahirap hirap at para bang alam na nito ang kanyang kwarto. Binaba siya sa sariling kama at kumalas sa kanya pero siya ay nakahawak pa rin kay Prince.

" I have to go, I'm trying to be a gentleman in here.." anas nito at halatang pinipigil ang sarili sa kanilang sitwasyon.

" let's say don't be a gentleman today, I want you.." sabi niya dito.

Tumingin sa kanya si Prince ng matagal, tinitimbang kung tama ba ang sinasabi niya. But he's still a man, he can't resist her. No words ay hinalikan siya ni Prince ng banayad sa labi, mas lumakas ang loob niyang magpaubaya dito... she's willing to have him..

Kinaumagahan ay nagising siyang halos binibiyak ang ulo sa sakit, pero parang mas masakit pa ang kanyang katawan. Bumaling siya sa kama at laking gulat niya ng makita si Prince sa kanyang tabi, naked and deeply sleeping.

Siya din ay ganon, walang saplot... Umupo siya sa kama, tinakpan niya ang kanyang katawan gamit ang kumot saka niya naisip ang nangyari...

Tinakpan niya ang kanyang bibig para di mapasigaw... She remembered everything, what happened last night. Oh my!..

When my wish is youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon