Death 7

163 7 0
                                    

MYTH'S POV

Maaga akong pumasok ngayon dahil excited ulit akong makita si sir Furukawa at syempre, si Eros! Ssshhh... Huwag kayo maingay kay Eros, ha. Secret lang na crush ko siya. Ayokong iwasan niya ako kapag nalaman niya ang tungkol doon. Ang cute niya kasi at super bait pa, hindi ba?

Masigla akong pumasok sa gate habang sinasabayan ko ng tinig.

"Lalala... Lalala..." Subalit napahinto ako nang mapansin kong nagtatakbuhan ang maraming estudyante papapunta sa abandonadong building ng school. Bigla akong kinabahan kaya hinatak ko ang isang estudyanteng tumatakbo nang dumaan ito sa aking gilid.

"Anong meron? Bakit kayo tumatakbo?" tanong ko.

"Si Megumi daw ng St.Mark--" Hindi ko na siya pinatapos dahil agad na akong tumakbo papunta roon.

Pagkarating ko ay nagkukumpulan ang mga estudyante sa tapat ng building. 'Yong iba nagsisigawan pa at nagkakagulo. Sumiksik ako para sana makita kung ano man iyon subalit may humila sa'kin palayo roon. Lumingon ako at nakita si Eros na nakahawak sa aking braso.

"Don't look," mahinahon niyang wika.

"Si Megumi, ano nangyari?" kinakabahang tanong ko.

Hindi siya sumasagot bagkus nakatingin lang siya sa aking mga mata. Inalis ko ang kamay niyang nakakapit upang pumunta ulit doon subalit isang nilalang naman ang humarang sa aking harapan kaya nabunggo ako sa kanyang likuran. Humarap siya sa akin.

"Tsk! Umalis ka nga diyan North!" inis kong sigaw sa kanya.

"Ayoko," tipid niyang sagot.

Sa gilid ako dumaan pero hinarangan niya ulit ako. Lahat ng lulusutan ko hinaharangan niya kaya hindi ako makaraan. Ano bang problema nitong lalaking ito? Kainis! Bigla namang may humawak ulit sa aking kamay mula sa likod, si Eros.

"Ano bang problema n'yo?" sigaw ko sa kanila habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"Myth, huwag mo na lang tingnan, please," pakiusap ni Eros. Kumalma na ako. Wala na akong magagawa, nakiusap na si Eros.

Pero bakit? Ano bang meron? What happened to Megumi at ganyan sila makareact?

Nakita kong nagsidatingan ang maraming pulis at mga paramedics at tumungo sa kumpulan ng mga estudyante. Pinalayo naman ng mga pulis at mga guro namin ang mga estudyante subalit parang hindi naman natitinag ang mga estudyanteng makiusyoso. Dumaan ang mga paramedics sa harapan namin habang buhat ang isang stretcher. Bakas sa puting tela na nakataklob sa taong nakahiga sa stretcher ang mga dugo. Napatakip ako ng bibig. Bigla naman akong hinatak ni Eros at niyakap para mawala ang tingin ko sa bangkay.

"I-is that Me-megu-mi?" Hindi ko napigilang manginig sa takot.

Tumango lang siya bilang sagot. Napalingon naman ako sa isang pulis na kausap ngayon si sir Furukawa at Clind.

...

Nakaupo na kaming lahat sa loob ng room at tanging upuan lang ni Clind at Megumi ang bakante. Inilibot ko ang aking paningin sa mga mukha nila.

Bakit ganun, parang wala silang kahit anong reaksyon? O baka naman tinatago lang nila?

Tumingin ako kay Bridget subalit nakacrossed-arm lang siya. Lumapit ako sa kanya.

"Bakit hindi ka nalulungkot? 'Di ba kaibigan mo siya?" Tumingin siya sa akin at saka ngumiti nang bahagya. Nagulat pa ako sa naging reaksyon niya. Nainis ako kaya napakunot ako ng noo. Lumapit naman sa'min si Candice at kinapitan ako sa kamay.

"Don't talk to her. Wala 'yang kinikilalang kaibigan," saad ni Candice.

"Great you know! Lahat naman kasi ng kaibigan ko, inaagaw mo," giit ni Bridget

Death Cards: HEARTS [ON-GOING EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon