Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ba ako tumakbo papunta rito sa banyo? Haiszt!
Naguguluhan ngayon ang isip ni Eros. Naghilamos siya't tumingin sa salamin na nasa harapan sabay lagay ng kanang kamay sa kanyang dibdib. Tila binabayo ang kanyang puso sa bilis ng tibok nito. Napapikit siya at muling sumariwa ang isang pangyayari mula sa nakaraan.
...
Naglalakad siya kasabay si North nang makita nilang inaapi ni Bridget at Dimple ang isa nilang kaklase.
"North," bulong niya sa katabi.
Naglakad si North papalapit sa kanila pero sa halip na tulungan ay tumingin lamang ito't saka nagpatuloy sa paglalakad. Nagtawanan naman sila Bridget at Dimple at lalong binully ang ngayo'y nakasalampak sa maruming sahig ng hallway na dalaga. Tumakbo si Eros palapit sa mga ito at inawat.
"Tama na nga iyan! Hindi n'yo ba nakikita, nasasaktan na siya!" sigaw niya habang inaalalayang tumayo ang babae.
"So here comes the new knight in shining armor, ha!" maarteng wika ni Bridget bago sila tuluyang iwan ng mga ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Eros dito saka iniabot ang kanyang panyo. Nag-aalinlangan pang tanggapin ito ng isa pero dahil sa pamimilit ng binata'y tinanggap na rin nito at ipinunas sa mukhang tinapunan ng soda.
"Salamat Eros pero sana'y hindi mo na ginawa iyon," mayuming saad ng dilag.
"Bakit naman?"
"Baka kasi madamay ka pa," bakas ang pag-alala sa tono nito kaya upang mawala'y ngumiti nang napakatamis si Eros at tinitigan ang dalaga sa mga mata.
"Kung iyon lang ang paraan upang matulungan kita, handa akong magpa-bully." Nakita niya ang munting ngiti na sumilay rito dahilan upang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Bakit?" tanong niya rito.
"Ah wala! Masaya lang ako't nakilala kita!"
...
Agad na bumalik sa reyalidad si Eros. Bahagyang inalog ang kanyang ulo at sa hindi malamang dahilan ay kusang napangiti ang kanyang bibig.
"Mukha kang tanga," isang mahinahong tinig mula sa kanyang likuran kaya agad siyang napamulat at nakita ang kaklaseng si Ice.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.
"Bawal na bang magbanyo rito ang mga lalaki?" sagot naman nito sa kanya sabay upo sa may lababo ng banyo. Inilabas ang isang maliit na libro at nagsimulang magbasa.
"Haiszt! Bahala ka nga riyan. Magbabanyo raw, e magbabasa lang naman," asar niyang sagot.
"Ayoko sa classroom. Masyadong maingay sina Candice at Bridget." Halata ang iritasyon nang sambitin ito ni Ice. Ayaw na ayaw kasi nito sa maingay na lugar dahil nakakawala iyon ng kanyang konsentrasyon sa pagbabasa.
Nagtaka naman si Eros sa narinig. Hindi naman na bago sa kanya kung sakaling magbanggaan ang dalawa pero matagal-tagal na rin mula nang mag-away ang dalawa. Agad na sumagi sa kanyang isipan si Dimple. Maaaring may kinalaman ito sa bangayan ng dalawa ngayon. Naisipan na niyang bumalik para alamin kung tama nga ang kanyang mga naisip.
Nakaupo na ang lahat maliban kay Clind nang makarating siya sa silid. Nakita niyang nasa harapan na ang kanilang adviser na si sir Furukawa habang kausap si Clind. Biglang natuon naman ang atensyon ng una sa kanya.
Patay! Haiszt!
"And why are you late, Mr. De Vela?"
Mariing napapikit ang binata at hindi malaman kung paano sasagutin ang kanilang guro. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig nang biglang magsalita si Myth.
BINABASA MO ANG
Death Cards: HEARTS [ON-GOING EDITING]
HorrorHanda ka na bang mamatay at pumatay alang-alang sa pag-ibig? Anong gagawin mo kung ang mga taong pinili mong pahalagahan at mahalin ay ang magiging dahilan pala ng iyong pagkawala sa mundong ibabaw? Magmamahal ka pa rin ba o mas pipiliin mo na lang...