Kitang-kita ni Mythryn kung paano nabalot ng pagkagulat at takot ang mukha ng mga bagong kaklase. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang kanyang magiging reaksiyon. Tila nawalan naman ng lakas si Candice nang bigla itong mawalan ng balanse. Mabuti na lamang at nahawakan agad siya ni L dahil kaharap lamang niya ito. Agad naman itong nilapitan ni Lycan upang siya na ang umalalay sa dalaga. Nanginginig na napatakip ang mga kamay ni Candice sa kanyang mukha at nagsimulang umiyak sa balikat ni Lycan. Hindi tuloy mapigilang mag-isip ni Mythryn na napakadrama pala ng babaeng ito.
"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, ha? Baka naman nagkamali ka lang ng dinig? Biro lang iyon, right?" si Lycan na bakas ang panginginig sa boses.
Nagsisimula na tuloy ma-curious at kabahan si Mythryn. Hindi niya malaman kung ano ba talagang pinag-uusapan nila at kung bakit ganoon na lamang sila kung mag-react. Kung sa normal na sitwasyon ay malulungkot lamang sila sa pagkawala nito at maghihinagpis pero ang hindi niya lubos na maintindihan ay kung bakit tila takot na takot sila't pawang mga kinakabahan. Nais niyang malaman kung anong kaugnayan ng namatay na babae sa kanila at kung bakit ganoon na lamang ang takot na bumabalot sa bawat isa. Hindi na nakatiis si Mythryn kaya sumabat na siya sa kanilang usapan.
"Ahmmm, excuse me, who's Dimple?" singit niyang tanong matapos itaas nang bahagya ang kanang kamay.
"Shut up!" galit na sigaw ni North na labis niyang ikinabigla dahilan upang siya'y mapapitlag. Hindi niya malaman kung bakit kailangan siyang sigawan ng ganun ng lalaking ito. Agad napakunot ang kanyang noo at masamang napatingin sa binata.
"Problema mo?" asar niyang sigaw. Sigawan gusto mo? P'wes, 'di kita uurungang bwisit ka!
"North, tumigil ka na nga! P'wede bang kahit ngayon lang ay irespeto mo naman ang mga babae. Hindi ka naman gan'yan dati, ah!" biglang sigaw rin ni Lycan na tila hindi na nakapagtimpi sa mga ginagawa nito.
Labis na ipinagtaka naman ni Mythryn ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni North at bumahid ang lungkot sa mga mata nito. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon dahil naiinis pa rin siya rito. Wala naman siyang pakialam sa kung ano pa mang nararamdaman nito.
"Ano ba ikinamatay niya?" tanong ni Eros.
"Pasensiya na, hindi ko rin alam," sagot naman ni L at napayuko na lamang.
"Tsk! Marami na talagang masasamang tao ngayon sa mundo. Kaya kung ako sa inyo ay mag-iingat ako," ani ni North sabay upo at nagbuklat ng libro.
"Ang OA n'yo. Hindi ba p'wedeng dahil sa sakit?" natatawang sabad naman ni Myth.
Napakunot pa siya ng noo nang makitang parang nagulat ang mga ito at nagkatinginan na tila nag-uusap ang mga mata.
"May bago pala tayong classmate?" biglang tanong ni L nang mapadako ang tingin kay Mythryn. Ipinagsawalang bahala na lamang ng dalaga ang pag-iiba nito ng topic.
"Yeah, she's Mythryn." sagot ni Eros.
"Myth na lang, for short," dugtong ng dalaga sabay ngiti. Lumapit naman si L sa kanya at inilahad ang kamay.
"L nga pala," pagpapakilala nito na agad namang tinanggap ni Myth.
"Lycan." Hindi na ito nakalapit pa dahil inaalalayan pa rin niya si Candice.
Lycan? 'Di ba iyon 'yong lahi ng mga wolf na kalaban nung mga vampire roon sa palabas na 'Underworld'? Haha! Astig!
Hindi napigilang mapahagikhik ni Myth sa sumagi sa kanyang kokote, na ipinagtaka naman ni Lycan pero ipinagsawalang bahala na lamang niya. Mas importante ngayon ay ang mapakalma niya si Candice.
"Ako nga pala si Zelo," tinig mula sa likuran.
Napalingon si Myth at nakita ang isang nerd na lalaki dahil sa laki at kapal ng kanyang salamin sa mata habang nakangiting kumakaway pa sa kanya. Napatingin naman siya sa babaeng katabi nito. Waring may isinusulat sa isang maliit na white board na nakasabit sa leeg. Iniharap niya ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Death Cards: HEARTS [ON-GOING EDITING]
HorrorHanda ka na bang mamatay at pumatay alang-alang sa pag-ibig? Anong gagawin mo kung ang mga taong pinili mong pahalagahan at mahalin ay ang magiging dahilan pala ng iyong pagkawala sa mundong ibabaw? Magmamahal ka pa rin ba o mas pipiliin mo na lang...