Hindi mapakali ang lahat sa kanilang mga kinauupuan habang hinihintay ang iba na makarating sa kanilang tagpuan. Mga pawang tahimik habang nakapikit na tila malalim ang iniisip, at ang iba'y napatayo na at nagpalakad-lakad. Napatingin ang lahat sa pintuan nang bumukas ito't pumasok ang dahilan kung bakit sila naririto ngayon.
"Andito na ba ang lahat?" tanong ni Clind nang makalapit siya sa kanila. Inilibot ang tingin upang malaman kung kumpleto na nga silang lahat.
"Wala pa si Ice," agad na sagot ni Shin sa kanya.
Napapikit na lang nang mariin si Clind at inis na napabuntong-hininga. "Pambihira, palagi na lamang siyang wala," bulong pa niya sa kanyang sarili. Magsasalita na sana siya subalit napukaw ang atensiyon ng lahat nang muling bumukas ang pinto at iniluwa ang taong hindi nila inaasahang darating pa. Halatang inaantok pa si Ice at walang ganang umupo sa pinakamalapit na nahagip niyang upuan.
"Mabuti naman at sumipot ka rin," sarkastikong saad ni Clind kay Ice. Sa halip na sagutin ay tinitigan lamang siya nito. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa mga kasama.
"Ano namang kabalbalan ito Mr. president at kailangan mo kaming papuntahin ng ganitong oras dito? 10pm? Really?" maarteng pagmamaktol ni Bridget kay Clind ng ito'y tumayo. Sino ba naman kasi ang matinong taong magpapatawg ng meeting nang malalim na ang gabi? Sasagutin na sana siya ng binata nang bigla namang sumabat si Candice.
"Tutal ikaw naman 'yong atat na atat, bakit kaya hindi mo na lang kasi aminin ang totoo!"
Agad bumaling si Bridget kay Candice at tinitigan ito ng masama. "What I'm going to confess kung wala naman akong itinatago? Such a pathetic girl," ani ng una sa huli.
"Liar!" sigaw ni Candice. Hindi ito naniniwalang walang kinalaman ang dalaga sa pagkamatay ng kanyang dating best friend. Alam niya na ito lamang ang may kakayanan na gawin ang ganitong bagay.
"Shut up! Both of you! Una sa lahat gusto ko lang isiksik sa utak n'yo na mag-ingat kayo sa mga sinasabi n'yo!" biglang sigaw ni Clind. "Ikaw Candice, at talagang sa harap pa ng buong klase mo pinanlandakan na pinatay si Dimple! Anong gusto mong isipin nila, ha?" Napayuko lamang nang bahagya ang dilag at napapikit nang mariin.
Lumapit naman si Clind kay Bridget at hinawakan ito sa bisig. Bahagya pang nagulat ang dalaga sa paraan ng pagkakahawak nito. Tila pinipiga na animoy mababalian siya anumang sandali.
"And you Bridget, tell us the truth. Did you killed Dimple?" tanong ng binata sa kanya na kung pagbabasehan ay tila totoo ang pinaparatang ni Candice dito. Agad namang iwinaksi ni Bridget ang kanyang bisig upang mabitawan ito ni Clind at hindi makapaniwalang tinitigan ito.
"Pinapunta n'yo lang ba ako rito para pagbintangan? How could you!" Hindi makapaniwala ang dalaga sa mga nangyayari. Bakit ba iniisip ng lahat na siya ang pumatay kay Dimple? Dahil ba sa galit niya rito? Oo galit siya at hindi niya iyon ipagkakaila pero ang pumatay, hindi niya kayang gawin.
"Magalit totoo," walang emosyong sabad ni Ice kaya napatingin ang lahat sa kanya. Nanlisik ang mga mata ni Bridget nang tingnan niya ito.
"Fuck you Ice!" sigaw niya at saka tumingin sa kanilang lahat. "And fuck you all!" dugtong niya at nagpasyang lisanin ang lugar subalit agad siyang napahinto at humarap sa lahat. Nagtaka naman sila sa ginawa nito. Ikinagulat na lamang ng lahat ng ngumiti ito na tila isang demonyo.
"Well, hindi ba dapat ay nagsasaya tayo ngayon?" makahulugang sambit ng dalaga habang naglalakad ito pabalik sa kinaroroonan nila. Naguluhan naman sila sa tinuran nito at takang pinagmasdan. Parang kanina lamang ay galit na galit ito pero ngayon ay tila nasisiyahan pa ito sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Death Cards: HEARTS [ON-GOING EDITING]
HorrorHanda ka na bang mamatay at pumatay alang-alang sa pag-ibig? Anong gagawin mo kung ang mga taong pinili mong pahalagahan at mahalin ay ang magiging dahilan pala ng iyong pagkawala sa mundong ibabaw? Magmamahal ka pa rin ba o mas pipiliin mo na lang...