Ika-anim na araw, buwan ng Hunyo taong 1993. Isang maaliwalas na panahon; isang ordinaryong araw. Mga nakangiting nilalang, batian, yakapan; kaliwa't kanan. Ito ang unang araw, ang pagbubukas ng isang paaralan.
Welcome to Twilight Academy.
Kasalukuyang nakaharap sa malaking gate ng isang pribadong paaralan ang labing anim na taong si Mythryn Sy. Ito ang unang araw niya bilang senior student dito. Naagaw ng kanyang atensyon ang malaking screen na nasa itaas na bahagi ng isang building kung saan nakasulat ang pangalan ng nasabing eskwelahan.
"Wow! Ang ganda," manghang-manghang bulong niya sa sarili na halos hindi na maitikom ang bibig.
Walang duda ang karangyaan base sa mga materyales na ginamit at sa pagkakagawa ng istraktura nito. Hindi niya alam kung paano ba nabigyan ng pagkakataon ang isang tulad niya na makapasok sa prestihiryosong paaralang ito. Kagustuhan ito ng kumupkop sa kanya kaya ano pa bang magagawa niya. Sabagay, blessings na rin ito para sa kanya. Grab the opportunity, ika nga.
Gate pa lamang nito'y aakalain mong gate ng isang palasyo sa laki at ganda na kumikinang pa dulot ng sinag ng araw. Ano pa nga bang aasahan niya? Pakiramdam tuloy niya'y isa siyang maharlika---napakasosyal ng paligid.
"Dito ba talaga ako mag-aaral? Ang swerte ko naman! Grabe, ang laki nito!" dagdag pa niya habang aliw na aliw ang mga mata na pagmasdan ang mga nagtataasang gusali. Humakbang siya palapit sa gate at ganoon na lamang ang gulat niya nang bumukas ito na lalong nagpamangha sa kanya. Tila may sensor ito na kusang bubukas kung ika'y makilanlan.
Nasa ganoong sitwasyon ang dalaga nang biglang isang malakas na busina ang umalingawngaw sa kanyang pandinig na sobra niyang ikinagulat. Nabitawan pa ang bag na bitbit matakpan lamang ang tainga kasabay ng kanyang pagsigaw. Nang makabawi mula sa pagkakagulat ay inis niyang nilingon ang pinanggalingan ng tunog. Bumungad ang isang pulang sasakyan na kung pagmamasda'y masasabing ito'y mamahalin ayon na rin sa tatak nito. Nagsimulang humakbang ang mga paa ng dalaga patungo sa harapang bahagi nito. Buong pwersang pinokpok ng kanyang palad ang unahan ng sasakyan.
"Hoy! Makabusina ka naman, wagas! Bastos ka rin, 'no!" naghihimutok niyang sigaw sa nagmamaneho nito.
Bumaba ang bintana ng kotse at inilabas ang isang napakaguwapong mukha. Nawala ang nakasimangot niyang mukha at napalitan ng pagkamangha; tila nahipnotismo sa hitsurang nasilayan. Ang maputi at makinis na balat ng binata. His eyes, very fiercing. Ang ilong nitong napakatangos na tila perpektong inukit. At dahan-dahang bumaba ang kanyang paningin sa mga labi ng lalaki na naging dahilan nang pagkagat niya sa mumunti niyang mga labi. Tila inaanyayahan siyang angkinin ang mga ito. Agad siyang napalunok. Pakiramdam niya'y natutuyuan ang kanyang lalamunan sa init.
Masisisi n'yo ba ako? Isa rin naman akong babae na madaling ma-attract sa mga pinagpalang mga kalalakihan.
Hindi naman napigilan ng binatang mapataas ang isang sulok ng kanyang labi nang masilayan ang naging reaksiyon ng dalaga. Hindi na iyon bago sa kanya pero ngayon pa lang niya nakita ito kaya naisipan niyang inisin na lamang.
"Hey idiot! Baka naman matunaw ako niyan?" nakangisi niyang saad.
Agad namang natauhan ang dalaga nang marinig ang sinambit ng kaharap. Lumingon pa siya sa paligid upang siguraduhin kung siya ang kinakausap ng gwapong nilalang na iyon ngunit wala namang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. Napalaki ang mga mata nang mapagtantong siya nga ang tinutukoy nito. Napakunot ang kanyang noo at agad na ibinalik ang tingin sa lalaki.
"A-anong sabi mo? A-ako? Idiot?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo pa ang hintuturo sa kanyang sarili.
Gustung-gusto na talagang humagalpak ng tawa ng binata pero pinipigilan lamang niya. Wa'poise iyon para sa guwapong tulad niya kaya pinakalma muna niya ang kanyang sarili bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Death Cards: HEARTS [ON-GOING EDITING]
HorrorHanda ka na bang mamatay at pumatay alang-alang sa pag-ibig? Anong gagawin mo kung ang mga taong pinili mong pahalagahan at mahalin ay ang magiging dahilan pala ng iyong pagkawala sa mundong ibabaw? Magmamahal ka pa rin ba o mas pipiliin mo na lang...