Death 6

229 7 0
                                    

NORTH'S POV

“North, salamat ha.” Hindi matatawaran ang ngiti sa kanyang mga labi. 

“North, bakit? Ano bang nagawa ko?” Nadudurog ang puso ko habang nakikita siyang umiiyak ng dahil sa'kin. 

“North! North!” Lumingon ako at nakita kong binubully na naman siya. Gusto ko siyang tulungan pero pinipigilan ako ng utak ko. Nakita ko si Eros na papalapit mula sa likod niya kaya umiwas na lang ako ng tingin at iniwan siya. 

“North.”

Isang boses ang nagpawala sa aking imahinasyon. Nakita ko ang isang babae habang iwinawagayway ang kanyang kamay sa tapat ng aking mukha. Napakasaya ng mukha niya na tila hindi makikitaan ng lungkot sa buhay. Tinapik ko ang kamay niya na nakaharang sa aking mukha. 

“Ang yabang mo talaga kahit kailan,” inis niyang bulong. 

“Ano bang ginagawa mo rito, Myth?” 

“Wala naman. Nakatulala ka kasi kaya nilapitan kita.” At umupo siya sa tabi ko. 

“North, alam kong mabuti kang tao pero bakit pinapakita mong mayabang ka?" Tatayo na sana ako para siya’y iwan subalit napatigil ako nang muli siyang magsalita. 

“Alam kong babalik ka rin sa dati.” Bago pa ako makatingin sa kanya ay tumayo na siya at naglakad palayo. Nakatitig lang ako sa kanyang likod habang naglalakad.

Isang pangalan ang ngayo’y nasa aking utak. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit sa kanya at hinigit ko siya sa kamay kaya naman ito’y agad na napaharap. Nagulat naman siya nang makitang ako ang gumawa nito. 

“Ba-bakit?” kinakabahang tanong niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hanggang ngayon ay nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. 

“May problema ba, North?” Tila natauhan naman ako kaya agad ko siyang binitawan at mabilis na naglakad palayo.

Andito ako ngayon sa rooftop habang nakaupo sa sahig. 

“Bro, andito ka lang pala.” Napatingin ako sa kararating lang na si Eros. 

“Bakit?” tanong ko.

“Anong problema? Would you mind to share it?” Iniwas ko ang aking tingin sa kanyang tinanong.

Kapag may problema kami ni Eros ay dito lang kami pumupunta para kahit papaano ay maibsan ang aming nararamdaman.

“E ikaw? Hindi ka naman pupunta rito kung okay ka lang.” Tulad ko ay iniiwas din niya ang kanyang tingin. 

“Wala naman, may naaalala lang ako.” Lungkot ang nararamdaman ko sa kanyang boses. Ngumiti ako ng mapakla. 

“We’re really best friend.” Narinig ko na pati siya’y natawa nang bahagya. 

“Alam mo ba, pakiramdam ko kasama lang natin siya.” Napatingin ako sa kanya.

“Tama ka,” malungkot kong wika. Tumayo ako at tinapik siya sa balikat saka tuluyang umalis.

DOS’ POV

“Kailangan na niyang manahimik.” 

“Woooh! Dos, is that you?” pang-aasar ni Ace. Hinarap ko siya at kinuwelyuhan. Napataas naman siya ng kanyang dalawang kamay as if he’s surrendering. 

“Chill Dos! Oo na gagawin na po.” Binitiwan ko siya at saka inayos ang kanyang damit. Iniabot ko ang isang litrato na kinuha ko mula sa aking bulsa. Tiningnan niya ako na parang natatawa.

Death Cards: HEARTS [ON-GOING EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon