Yannah's Pov.
"sweetheart, are you done? Make it faster, baka malate ka sa unang araw mo." sabi ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.
Tinignan ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin at hindi ko napigilan ang mapangiti dahil first time ko maka suot ng school uniform hihihi.
"Tapos na po ako, Mommy." masayang sabi ko nang buksan ko ang pinto at nakita doon si Mommy na hinihintay ako
"Good, let's go. I'm sure excited ka na." umangkla ako sa braso ni Mommy habang pababa kami ng hagdan
Alam kong hindi na ako bata, pero kahit ganun gusto parin ni Mommy na sumama sa paghatid sakin sa MIS(Montemayor International School) para masigurong na safe ako.
Buong byahe namin papunta sa MIS ay hindi mawala wala ang ngiti ko sa labi dahil naeexcite nga ako pero at the same time kinakabahan din dahil first time kong makakasalamuha ng mga kapuwa estudyante ko. Tanging mga naging Tutor or Teacher ko lang noon ang nakakausap ko maliban kay Mommy at sa mga maids at driver sa bahay hindi din kasi ako masyado naglalabas bahay ni mga pinsan ko ng hindi ko kilala eh HAHAHAHA.
"Nandito na tayo sweetheart." sabi ni Mommy kaya nabaling ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse at napaawang ang labi ko ng makita ang malaking gate ng school at maraming tao na nagsisilabas pasok.
"gusto mo samahan kita pumasok sweetheart?" tanong ni Mommy pero agad ako umiling at lumingon sakanya
"wag na po Mommy nakakahiya malaki na po ako tapos magpapasama pa po ako sainyo sa loob i can handle my self naman po." naka pout na sabi ko
"HAHAHAHA sige but just call me anytime if something happend or you need something." tumango ako at humalik sa pisngi ni Mommy at bumaba
"bye po Mommy." wave ko at pumasok na pero napahinto din bigla at huminga ng malalim dahil mas madami palang tao dito sa loob na may mga kanya kanyang mundo.
"you can to this Yannah gusto mo to kaya panindigan mo."
"ah excuse me Miss pwede magtanong kong saan po yung Dean's office?" nahihiyang tanong ko sa babae na hinarangan ko pa para tanungin.
©sweetspicyqueen
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love
Teen FictionStarted: March 14,2021 Status: Completed Finished: June 1,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong typos and grammars.