CHAPTER 50

502 14 0
                                    

Yannah's Pov.


"choose yannah, makikipag break ka sa pinsan mo, o itatakwil kita bilang anak ko?" tanong ni Mommy kagabi na hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ako.



Bakit biglaan?



Alam ko na dadating ang araw na malalaman ni Mommy ang tungkol samin ni Damon pero hindi ko inakala na ganito pala kabilis. Alam kong walang kinalaman si Vanessa dahil hindi naman yon nabanggit ni Mommy at nalaman lang naman niya ang tungkol samin dahil sa kissing scene namin sa library.




Napahinto ako bigla sa paglalakad ng may mabunggo ako at ng iangat ko ang tingin ko si Damon lang pala na naka kunot ang noo na nakatingin sakin kaya yumuko ulit ako dahil hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Kong susundin ko ba ang puso ko o ang gusto ni mommy.



Mahal na mahal ko si Damon, pero mahal ko din si Mommy at ayoko mawalan ng ina.




"hey baby are you okay? Are you sick?"nag aalala niyang tanong at akmang hahawakan ang leeg af nok ko pero agad ako umatras at tumalikod



"i want to talk to you later after class sa rooftop." malamig na sabi ko at agad na umalis at kahit tinawag pa niya ako ay hindi ko na siya nilingon para hindi niya makita ang pag iyak ko.




Hindi ko hinayaan kanina na sunduin niya ako sa Bahay at alam ko din na mas lalo lang magagalit sakin si Mommy kapag makita nita si Damon na susunduin ako.




Dahil sa subrang pag iisip ay hindi ko na napansin na nasa classroom na pala ako.




"okay ka lang?" biglang tanong ni Maggy sa tabi ko




"yes Im fine." malamig na sagot ko at tumingin nalang sa bintana.



I don't know but i have this attitude na kapag nasasaktan ako sa loob loob ko ay bigla nalang malamig ang pakikitungo ko sa mga tao kahit na ayoko.




©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon