CHAPTER 57

509 16 1
                                    

Yannah's Pov.

Nandito na kami ngayon sa Paradise Island na pag aari ni Damon. Sabi niya dito na muna kami dahil walang sinoman sa pamilya namin ang nakakaalam ng lugar na ito.



"baby!" sigaw ni Damon mula sa loob ng bahay nandito kasi ako sa labas nagpapahangin habang nakatingin sa asul na asul na dagat




Tumayo ako at pumasok sa loob at naabutan ko siyang naghahanda ng makakain namin habang walang suot na paintaas tanging apron lang na ikina mula ng mukha ko



"let's eat baby." nakangiti niyang sabi pero umiwas ako ng tingin at umupo




"mag bihis ka nga muna."


"why baby? Naaakit ka na ba sakin hmm?" malambing na tanong niya at hinubad ang apron niya at tumabi sakin at inakbayan ako




"ano? Bakit naman ako maaakit sayo? E ang pangit mo kaya." nakataas na kilay na sabi ko



Syempre hindi yon totoo. Ang ganda ganda kaya ng katawan ng Boyfriend ko kaya nga ako nahihiya na tignan siya tuwing naghuhubad siya sa harapan ko e.




"really?" nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinaharap sa mukha niya




"e bakit namumula ang baby ko?" nakangisi niyang pang aasar kaya inirapan ko siya at inalis ang kamay niya sa mukha ko




"ewan ko sayo kumain nalang tayo." tumawa naman siya ng malakas bago ko naramdaman ang labi niya sa labi ko.


Maggy's Pov.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nina yanyan at nag do-dorbell. Nagtataka ako kong bakit hindi siya pumasok at hindi niya sinasagot ang tawag at text ko.


Bumukas ang pinto at bumungad sakin si Tita yen na halatang problemado ang itsura at gulat ng makita ako.



"Maggy? Ano ginagawa mo dito?"


"ahm...gusto ko lang sana kamustahin ang pin—i mean ang kaibigan ko dahil hindi siya pumasok ngayon at hindi rin niya sinasagot ang tawag at text ko." bumuntong hininga siya




"wala na siya Maggy. Hindi ko alam kong saan sila nagpunta ang alam ko lang iniwan niya ako para sumama kay Damon."



©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon