Yannah's Pov.
Parang may kung anong humaplos na mainit sa puso ko at hindi ko napigilan na maiyak sa sinabi niya.
"Uy Yanyan bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama?" nag aalalang tanong ni Maggy ng mapalingon siya sakin kaya huminto kami sa paglalakad at umupo sa upuan na malapit samin actually nasa canteen na kami at tulad ng inaasahan maraming estudyante dito.
"wala ka may nasabing mali Maggy na touch lang ako ganito pala ang pakiramdam na may kaibigang nag aalala sayo na baka may manakit sayo kaya Thankyou Maggy." sabi ko at niyakap siya at mabilis na pinunasan ang luha sa mata ko dahil nakakahiya baka kung ano ang isipin ng mg schoolmates namin.
"HAHAHAHA ayoko ng drama yanyan ha." natatawang sabi niya kaya bumitaw na ako at nahihiyang ngumiti
"gutom na ako tara sabay na tayo mag order." aya niya sakin at hinila ang kamay ko patayo papunta sa pilahan.
Unang araw ko palang pero maraming first time agad. Tulad nalang nito ang magpila para bumili ng lunch actually gusto sana ako pabaunin ni mommy ng pang lunch ko pero umayaw ako dahil parang bata naman akong bata na nagbabaon pa.
Ng sabihin namin ni Maggy ang order namin ay agad naman inabot samin ang mga order namin na nasa ibabaw ng tray.
"let's go Yanyan im really hungry hindi pa kasi ako nakapag breakfast kaninang umaga." naka pout na sabi ni Maggy at nauna ng naglakad pabalik sa pwesto namin na agad ko naman hinabol
"bakit kasi hindi ka nag breakfast Maggy? Alam mo ba na masamang gutomin ang sarili baka magka ulcer ka niyan." nag aalala kong sabi.
Sabi kasi noon sakin ni Mommy nung ayaw ko kumain dahil masama ang pakiramdam ko at wala akong gana ay madadagdagan lang ang sakit ko dahil ayoko kumain baka raw magka ulcer ako dahil naranasan na din raw yun noon ni Mommy nung bata siya.
"Im fine Yanyan hindi lang talaga ako kadalasan na kumakain tuwing umaga."
©sweetspicyqueen
BINABASA MO ANG
The Forbidden Love
Novela JuvenilStarted: March 14,2021 Status: Completed Finished: June 1,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong typos and grammars.