Celestine" Ano 'to getting to know portion" Wika ko sa kaniya. Naglakad na kami papunta sa mga nagtitinda ng street foods. Ako may nagulat dahil sa paghawak niya sa kamay ko.
I wanted to take my hands back from him but he glared at me with all seriousness.
" Huwag ng makulit. Baka mapano ka pa. Karga pa naman kita" He muttered.
" Kaya ko ang sarili ko, Doc Ibarra. Just in case you want to be reminded" Wika ko naman.
" Well I don't need you to act strong and independent when I'm around." Nakarating na kami sa may mga nagbebenta ng street foods. Natakam tuloy ako. When was the last time I actually did taste this kind of food?
" Are you sure you want to do this?" Tanong pa niya. Kumunot ang noo ko.
" Anong I'm sure?" Balik tanong ko naman sa kaniya.
" I don't want you to complain of diarrhea and stomach pain an hour from now" Saad niya. Napangiti ako.
" Baka ikaw. And FYI lang ha. Hindi lahat ng street foods madumi. Ikaw talaga napakajudger mo." Sumbat ko sa kaniya.
" Just saying." Pasuplado niya pang wika sa akin. Nag-order ako ng isang order ng fishbol, isa sa kikiam at iba pa.
Actually nakalimutan ko na pangalan nung iba. Iyung betamax lang ang talagang memoryado ko dahil hindi ako kumakain nun.Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya. He seems like a lonely man walking in the streets of manila. Heart broken nga pero guwapo parin. Sobra.
Pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga babae na dumaraan. Patay malisya lang ako.
" Nakakainis siguro maging jowa mo" Untag ko. I wasn't supposed to say that because he actually laughed at what I just said.
" Bakit gusto mo?"
" Kadiri ka ha" Pakipot goals kong sagot. Nakakainis maging jowa niya dahil kung magiging jowa niya ako, hindi ko palalagpasin ang mga pagkakataong nakikita kong may mga babaeng pinagpapantasyahan ang boyfriend ko.
Puro barbeque ang kinain niya. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi pala maarte sa pagkain si Caden. Halos lahat naman kinain niya. Iyun nga lang at talagang masasabi mong hindi niya bagay mapunta sa ganitong klaseng lugar.
Siya na ang nagbayad ng kinain namin. Busog na busog ako kahit hindi ako kumain ng kanin. Nang makasakay na kami ay dun ko lang napansin na amoy usok na pala ako.
" Ba't di mo kinuha iyung sukli mo?" Tanong ko.
" No need, they need it" Simpleng sagot lamang niya. Patago akong ngumiti.
Ang buong akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi ngunit nagkamali ako.
" Oh saan pa tayo pupunta?" Tanong ko
" Mall. I need to buy something" He said.
" Oh di go ka. Pero hatid mo muna ako" I demanded
He looked at me with face serious.
" Kaya nga kita kasama. Pipilian mo ako ng damit na isusuot ko sa conference ko sa Dubai bukas" He explained
" Pupunta ka ng Dubai?" Napataas na ang boses ko.
" Why? Ayaw mo" Tanging sagot niya pabalik.
" Conference para saan?"
" Neurosugery" He smirked.
" Edi ikaw na ang brain surgeon. Ako na ang pedia" I crossed my arms.
" Ano iyon, formal conference ba? Magsasalita ka?" Sunod sunod na tanong ko.
" Yes." Tumango ako bago mapatingin sa kabuuan ng itsura niya.
" Wow sana all. Okay, baka mamangha ka sa pipiliin kong damit mo ha" I joked.
We entered the mall. Diretso kami sa men's suit. Hindi ako sanay mamili ng damit panglalaki pero kaya ko naman.
Isang puting polo ang napili ko na tinernuhan ng pulang kurbata. Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin lamang siya sa akin habang namimili ako
" Parang boss lang ha. Okay lang ba sa 'yo kung pula iyung kurbata mo?" Pinakita ko sa kaniya iyung maroon na kurbata.
" Basta ikaw namili" Nakangiti niyang wika. Parang jinojoke ata ako ng doktor na 'to
-----
![](https://img.wattpad.com/cover/251251981-288-k840332.jpg)