7 : T

6.2K 222 20
                                    


Celestine

Ang galing niya sobra. Namamangha ako sa mga naririnig ko mula sa kaniya. He speaks like a very intelligent person. Wala akong ibang magawa kundi ang mamangha sa kaniya.

Tuwing magpapalakpakan ang mga ibang mga doktors na kasama ko sa hall ay masnilalakasan ko pa ang pagpalakpak. Napapansin ko ang pagtakaw tingin niya sa gawi ko habang nakangiti at pinagpapatuloy parin ang pagsasalita.

His speech was spectacular. Ang sobrang proud ko para sa kaniya.

Marami ring nakipagkamayan sa kaniya pagkatapos ng speech niya. Naghintay na ako sa labas ng hall. I can hear some female doctors giving positive comments on Caden's presentation. Hindi mawawala ang salitang handsome sa pangalan niya. Totoo naman kase dahil bukod sa napakagaling niya ay sobrang guwapo pa niya tignan.

Natakam ako ng makakita ako ng sweet corn. Ginutom na tuloy ako. Pero kailangan ko siyang hintayin. Nabalitaan ko na din na malaki ang chansa niyang maging consultant sa isang ospital dito sa Dubai dahil may nagrekomenda sa kaniya.

A few minutes later, I saw him come out. His eyes automatically roamed around the place until it spotted me.

" Congratz pala. Galing mo dun" Nakangiti kong wika sa kaniya.

" Lakas mo ngang pumalakpak eh. Rinig ko hanggang stage" He stated the truth

" Oh diba, ang effective kong supporter mo" Wika ko naman. Natawa tuloy siya.

Napanguso ako sabay nguso ko dun sa may sweet corn.

" Doc palibre naman ako ng sweet corn" I begged with twinkling eyes. Kung puwede lang gawing totoong twinkling eyes eh, baka mainlove pa siya sa akin. He placed his arm on my shoulder as we walked going to the sweet corn stall.

Nanlibre nga siya. Pati na rin drinks namin siya na din ang nanlibre.

Days passed. Hindi ko na napansin ang mga araw na lumipas. Ang bilis pala. Nasanay na kami sa pakain kain sa labas. Kahit sa mga mumurahing kainan lang. Natuto siyang kumain sa mga turo turo. Natuto rin siyang sumakay ng jeep dahil sa akin. Hindi ko alam kung napipilitan lang ba siya pero atleast nagsurvived naman siya kasama ko.

Natutunan ko din na paborito pala niya ang adobong manok. Kaya paminsan minsan ay nilulutuan ko siya tuwing day off ko. Addict din pala siya sa basketball. At medyo burara pero malinis ang kuwarto niya.

" Uy anong oras na? May duty ako mamaya. Kailangan ko ng umuwi." Paalam ko sa kaniya ngunit nakita ko lang na napanguso siya. And he even crossed his arms infront of me like a boss.

" Huwag mong gamitin iyang pagtatampo mo sa akin, Ibarra ha. Hindi iyan uubra" Ako naman ngayon ang napameywang na tumingin sa kaniya.

He sighed.

" Halika nga dito" Halos pabulong na niyang wika habang nasa couch siya at nanonood ng basketball.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya kagaya ng gusto niya. Piningot ko ang ilong niya.

" Pasalamat ka di kita matiis e no" I saw him smile at what I just said.

Ako naman ngayon ang napabuntong hinga

" Ayokong masanay na ganito tayo palagi. Dahil alam naman nating pareho na hindi ito magtatagal diba" My voice wasn't that loud enough. It wasn't that strong enough.

I saw him look away trying to ignore what I just said.

" But always remember that I will always be your friend. Dadamayan kita. When you feel alone, andito lang ako" Pangako ko sa kaniya. How I wish I could keep my promise to him. Kapalit man nito ang puso kong madudurog at masasaktan ng paulit ulit.

-----

Gehenna Elysian (Misery in Delight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon