Chapter 8

0 0 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa bahay nila Tito. It's been a week since hindi pumasok si Wendell. I don't know what happen to him pero sa ngayon, gusto ko lang talaga siyang makita. Weeks narin itong kinikimkim ko. I really want to see him. Kailangan talaga naming mag-usap. Simula kasi nang mahawakan at mabasa ko ang Diary niya 'kuno' ay medyo palagi na kaming nagkakasabay sa pag-uwi at pagtambay sa school park. At ngayon nga'y may nadiskobre na ako pero wala naman siya. Saan na ba kasi napunta ang lalaking 'yun, feeling niya siguro bakasyon na... hayst...

Knock! Knock! Knock!

Biglang bumukas ang kulay asul na pinto sa harapan ko kasabay ng paglabas ng isang lalaking may suot na cow boy hat. 𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑏𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑢𝑏𝑜𝑛𝑔?

"Hello Uncle G!" masigla kong bati sa kanya sabay ngite ng malapad at abot ng dala kong suman.

"Evanescence! Mabuti naman at naparito ka. Salamat sa suman." Ngayo'y nakangite narin siya gaya ko.

Shems! kumakati na naman ang ilong ko.

"T-tito..." mukhang buhay pa pala ang aso niya. Ba't ba kasi may allergy pa ako. Kainis!

"... buhay pa pala ang aso mo." Inaamin kong medyo naiinis ako sa aso niya kaya imbes na pumasok ay dito nalang ako na-upo sa may bakuran.

"Hahaha! Oo naman, allergic ka nga pala sa aso." Marahan niyang sinara ang pinto at tinabihan ako sa upuan sabay subo niya ng dala kong suman. Ilang minuto rin kaming walang imikan dahil kapwa kami kumakain ng suman at ayaw niyang nagsasalita habang kumakain kaya nang matapus na siya ay doon ko pa siya tinanong.

"Tito G" sambit ko sa kanya.

"Handa ka na bang pumunta sa San Patris kaya't naparito ka?" Hell! ano namang gagawin ko 'don.

"Spell never!"

Natawa lang siya sa naging tugon ko saka uminom ng tubig at muli na namang nagsalita.

"Anong rason mo?"

"Actually, napadaan lang ako dito. Balak ko kasi sanang bisatahin sa bahay nila ng schoolmate kong taga rito." Medyo kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko.

"Kailan ka pa nagkaruon ng kaibigan dito sa Eastwood, diba nga halos lahat ng mga nakatira dito ay 'ugod-ugod' na." Inirapan niya ako at talagang in-emphasize pa ang salitang 'ugod-ugod' Hahaha kung sabagay, 'yon nga ang eksaktong sinabi ko noon. Hindi ko pa naman kasi alam na dito pala nakatira si Wendell. Kada dadaan kasi ako sa lugar na ito'y halos mga matatanda talaga ang nakikita at nakakasalubong ko.

"Ngayong buwan lang din. Hindi naman talaga ako bibisita sa kanila kung hindi importante ang sadya ko."

"At anong importante 'yang sinasabi mo? Teyka! sino bang kaklase mo ang dadalawin mo dito ha?"

"Schoolmate ko lang siya at Wendell ang pangalan niya." Wala na kay Tito G ang paningin ko kundi nasa unahan. Mula rito ay marami-rami na akong nakikitang mga bahay na halos pare-pareho lang ang laki.

"Wendell?" base sa tuno ng boses ni Tito, mukhang pamilyar sa kanya ang pangalan.

"Yep! Wendell Venderwall. Sabi kasi niya dito raw siya nakatira at ka-street niyo lang din."

"Eva! Hindi ka ba nagbibiro?!" medyo nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Talagang napalaki pa ang mata ko.
Ano bang problema niya at mukhang hindi suya sang-ayon.

"Ah... oo po." mas hininaan ko na lang ang boses ko baka bigla na naman siyang sumigaw.
Pansin ko ang bahagya niyang pag-iling-iling.

"Ano bang nasa utak mo at bibisita ka sa bahay ng lalaki. Babae ka Evanescence! Babae!" nakataas parin ang boses niya at ngayo'y nakatayo na siya sa aking harapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon