Chapter 6

2 2 0
                                    

Wendell PoV.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga matapus iligpit ang aking notebook.

Hay...
Isang normal na araw na naman at bukas ay ganito parin. Ano pa bang aasahan ko.

Marahan akong tumayo at saka nag-unat-unat bago pabagsak na humiga sa aking kama na gumawa ng mahinang ingay. Medyo may kalumaan na halos lahat ng gamit ko rito, hindi ko na rin kasi nabibigyang pansin lalo pa't pasukan na.

Isang malakas na hangin ang pumasok mula sa aking nakabukas na bintana na nagdulot ng lamig sa buo kong katawan. Kahit na tinatamad ay muli na naman akong bumangon para isara ito. Walang buhay akong tumayo at tinungo ang bintana na mga anim na hakbang din ang layo mula sa aking kama. Balak ko sanang isara na ito pero naagaw ang atensiyon ko ng mga bata sa labas. Ang saya nilang tingnan, kapwa sila nakangite habang tinuturuan ng isa ang batang babae kong paano sumakay ng skate board. Gumuhit ang mapait na ngite sa aking maputlang labi kasabay ng pagpasuk ng mga alaala sa aking isip. Hindi ko lang rin pala naranasang makipaglaro sa iba gaya ng ginagawa ng mga bata ngayon. Nakakalungkot isiping hindi ko nasulit ang aking kamusmusan.

"Habulin mo ako! Hahaha" natatawang sigaw ng babaeng halos madapa na sa kakatawa at kakasakay sa skateboard.

Malakas na inaalon ng malamig na hangin ang mga tuyong dahon sa paligid. Taglagas na kaya hindi na kataka-taka ang lamig at katahimikan. Ibang-iba tuwing tagsibol.

Buong lakas kong hinila papasok ang mabigat na uri ng glass na ngayo'y naka-angat. Mukhang na-stuck. Patuloy parin ako sa paghila pero 'di parin nagalaw.
Mukhang wala akong ibang choice kundi itakip na naman ang aking kumot pero hindi ko pa ito na-a-angat at bigla na lang kumalam ang aking sikmura. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga at ngayo' y mag a-alas singko na.

Gaya ng nakasanayan ay tumunog na naman ang pinto pagkasara na pagkasara ko nito. Bahala na nga. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbaba peri agad rin akong napahinto nang may marinig akong nabasag kaya walang pagdadalawang isip akong tumakbo sa may kusina dahil mukhang doon gaking ang ingay.

Mabilis ako nakarating sa kusina dahil hindi rin naman kalakihan ang bahay ko. Sinuri ko ito at isang mug nga ang ngayo'y basag sa sahig. Pinagsawalang bahala ko na lang muna ang mga bubog sa sahig. Kakainin ko na lang muna ang natirang pagkain kaninang ...lasagna

Kinuha ko na ang pagkain mula sa pagkakatakip ko nito sa may mesa at saka hinalo-halo at inamoy. Mukhang hindi pa naman panis. Pwedi pa siguro ito. Masarap ko itong sinubo at saka nginuya-nguya. Nang kuntento na'y bumalik na ako sa kwarto at muling nahiga.

Ganito lang lagi ang takbo ng buhay ko pagkatapus sa school. Kain, tulog at kung ano ano pa. Nakakalungkot na ako na lang mag-isa rito sa dating bahay namin ng ina ko.

Hininaan ko muna ang aircon at saka binalot ko ang aking katawan ng kumot. Gusto ko munang umidlip kahit ilang minuto lang dahil wala naman na akong gagawin. Tuluyan ko na sanang isasara ang talukap ng aking mga mata nang bigla tumunog ang aking cellphone na nasa side table lang. Ayaw ko na sana itong tingnan pa pero automatiko na itong ginawa ng katawan ko.

3 Messages

Del! Asan ka na ba!

Hoy!

Bahala ka na nga!

Lahat ng text ay galing kay Peter. Hindi ko talaga maintindihan minsan kung bakit nagte-text siya sa akin. Hindi ko maalalang binigyan ko siya ng number ko. Palagi n'yang kasama sila Calix at 'yung iba pa na gumagamit. Naalala ko pa nong minsan na sinabi ni Indri sa akin na sa dating tagpuan. Mukhang kaibigan ang turing nila sa akin pero hindi ko talaga matandaan kung anong naging dahilan.

5:04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon